Malamig na hangin ang sumalubong sa akin paglabas ko pa lang sa tinutuluyan kung bahay alas 8 na ng umaga pero ang lamig padin sa labas. Buti nga lang at tulog pa ang kasama ko sa bahay dahil kung gising na eto eh mahaba habang paliwanagan na naman at iyakan ang mangyayare, naiiling nalang ako at napapangiti ng kaonti sa naisip ko.
Bawat taong nakakasalubong ko ay ngumingiti sa akin na sinusuklian ko din naman ng kaonting ngiti halos karamihan sa kanila ay kilala ko na, lalo pa sa kanto namin dahil nadin siguro sa katagalan ko na din dito sa lugar na 'to. Nagagamay ko na din ang payak at simpleng pamumuhay dito, Kahit pa nga sa nauna ay nahirapan pero sa bawat pag daan ng araw sa awa ng diyos ay nakaya ko na din at nagustuhan.
Habang naglalakad habang nakasukbit ang bagpack kong may laman na papeles at baon para sa trabaho ay nakasalubong ko ang pinsan kong si Isabella na malayo palang ay nakangiti na.
“Therese, my beautiful Pinsan! kamusta? lalo tayong gumaganda ngayon ah?” tanong niya na ikinatawa ko din ng malakas.
“Loko! tignan mo nga 'tong itsura ko? ibang iba na ako sa dati atsaka ikaw nga itong mas lalong gumaganda eh. iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig sayo ano?” biro ko naman sa kanya na ikinatawa niya lalo dahilan ng pag singkit ng mata niya. pinsan ko si Isabella sa side ni Mama, Pero kahit na ganun ay hindi alam ng mga magulang ko na nandito ako sa lugar kung saan nakapag asawa ang Tiyohin ko.
“Ayy naku! bakit ba napunta sakin ang topic? atsaka wala akong lovelife sa ngayon ha, alam mo naman ang motto ko diba? Work before boys because boys bring babies. walang maidudulot na maganda ang mga lalake sa atin sa panahon ngayon.!” natigilan naman ito sa pagsasalita ng parang may napagtanto sa mga sinabi niya.
“Oh? anong problema mo? bat' natigilan kana dyan?” nagtatakang tanong ko sakanya at ipinasawalang bahala nalang lahat ng mga sinabi niya.
“Sorry insan .. ang insensitive ko ba masyado? pwede mo 'kong sampalin ngayon kahit ano insan basta ba bati na tayo ha?” napapatirik nalang ako sa mga mata ko sa mga pinagsasabi netong burdagul kong pinsan.
Napabuntong hininga nalang ako at napangiti ng kimi sa kanyang tinuran.
“Ikaw talaga! akala mo na naman ba nasaktan ako sa mga linyahan mo ngayon? Gaga! sanay na ako sayo atsaka mas magtataka pa 'ko kung hindi ka magsasalita ng mga ganyan kase talagang himala yan.” natatawa kong sabi sa kanya habang naglalakad ng mabagal papuntang trabaho. Sa katunayan magkatrabaho kami ni Bella kaya araw-araw ganto palagi ang scenario namin, siya na puro reklamo sa mga lalaki at ako na walang pakialam sa mga sinasabi niya.“Ikaw ang harsh mo talaga sakin! porket ba maganda ka eh ginaganto mo nalang ako hoy, pinsan mo 'ko kaya may dugo din akong katulad mo yun nga lang ikaw sinuwerte ako pinagkaitan.”
nakabusangot na sabi niya na ikinatawa ko naman.“Loko! 'yang utak mo talaga ang daming laman dami dami mong sinasabi, ikumpara ba naman daw ako sa kanya! hayyy naku pinsan, kahit ano pa yang itsura mo mahal kita at hinding hindi mag babago yun kahit pa nga kamukha mo pa si Aidang hindi nagtotoothbrush eh tanggap na tanggap pa din kita.” sabay akbay sa kanya habang malakas akong tumatawa ang sarap lang asarin netong isang 'to palibhasa pikunin eh.
Napanguso na lamang eto at inirapan ako na lalong nagpatawa sa akin, kahit ganyan yan nagkakasundo padin naman kami sa mga bagay bagay.
“Hindi ko alam kung pagmamahal ba yan o pangalalait na may kasamang pagmamahal. Bahala ka nga! libre nalang kita mamaya sa canteen parang gutom ka eh, ang lakas mong mag asar ngayon at hindi ako natutuwa insan.”
Kinagat ko nalang ang pang ibaba kong labi at pinigil ang halakhak na gustong kumawala sa bibig ko. Pero mas kinasaya ko pa ang balitang ililibre daw niya ako, kahit kailan talaga 'tong pinsan ko.
“kumusta na pala si Femi? miss na miss ko yung pamangkin kung yun! dadalaw ako sa inyo minsan.”
YOU ARE READING
Falling Deeper Inlove With You (ON-GOING)
RomanceKinse-anyos ng mabuntis at tinakwil ng mga magulang, inabandona ng kasintahan ay mag isang tinaguyod ni Therese ang kanyang 3 taong gulang na anak. Sanay siya sa marangyang pamumuhay kung kaya't hindi naging madali ang kanyang pinag daanan sa loob n...