CUATTRO

352 10 0
                                    

Nine years ago, nagpunta kami ni Tatay Julio sa Manila na ang tanging dala lamang ay ang plastic ng mga strawberry jam at ilang libo sa bank account ko.

We rented a place to stay. Simple lang na bahay. May papag, mesa at upuan na ito. Bumili ako ng mga damit at gamit namin sa tiange para sa pang araw araw namin.

Pagkatapos nun ay nagsimula na akong maghanap ng trabaho sa mga malls pero dahil wala akong dalang documents, hindi ako nakakuha ng maayos na trabaho.

Para makakain, binenta namin ang mga strawberry jams sa bawat pwesto sa palengke. Nang maubos ang napagbentahan ay kapilitan akong nag apply sa carenderia na nagbubukas sa gabi. Ito lamang ang available noon at hindi maarte sa pagtanggap ng trabahador. Nga lang maliit ang pasahod.

Nang makapagsimula ako, kargador na sa palengke noon si Tatay Julio. Sakto lang ang kinikita namin sa pangkain sa araw araw.

Si Tatay Julio ang naging ama ko sa bago kong buhay. He helped me recover. Ginabayan nya ako at sinuportahan. I owed a lot to him.

Ilang buwan din kaming namuhay ng tahimik. Paminsan minsan, kapag nakakakuha ako ng tip mula sa mga kustomers ko ay pinapadala ko ito kay Rosa sa Mindoro. Ang anak ni Tatay Julio.

Then one day, something bad happened to Rosa so kinailangan bumalik ni Tatay Julio ng Mindoro. Yun lang ang sinabi ni Tatay sa akin. Alam kong ayaw niyang pati ako ay magalala pero hindi naman pwede yun.

We didn't have any money that time. Kakatapos lang magkasakit ni Tatay kaya yung naipon kong pera mula sa tip ko ay nasaid.

From that day, kita ko ang pagiging aburido ni Tatay. Kahit hindi niya sinasabi ay alam kong nahihirapan siya sa mga nangyayari.

So gumawa ako ng paraan para makautang. I tried to ask my employer. Pero kahit na anong pakiusap ay hindi ako niya ako nabigyan. Kadesperaduhan at galit ko, sinagot sagot ko siya. She wasn't a good employer anyway. She made us work twelve hours per shift na dapat ay eight hours lang, thank you na lang ang extra four hours,hindi libre ang pagkain at tubig at palaging may extrang inuutos. That night, I ended up losing my only job as well.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sa kalituhan ko, napadpad ako sa red district. Hile-hilera ang mga bar at clubs. The forbidden street in our town.

Sa tuwing napapadaan ako doon ay lagi kong naiisip ang mga maruruming bagay na ginagawa sa lugar na ito.

I even heard from one of my co worker in the eatery that she saw a male customer and a bar girl fucked each other on the couch kung saan maraming audience. Sa tuwing naaalala ko yun ay kinikilabutan ako.

I scanned that area. My heart was beating so loud. May nag uudyok sa aking subukan ito. Pero mayron ding nagsasabi na masama ang aking gagawin. Pero may choice ba ako? Sa mundong ito, pili lang ang maswerte. Pili lang ang pinapaboran ng Diyos.

Hindi pa man ako nakakalapit sa unang bar, may isang bakla na nanghila sakin papasok.

Ang sabi, pwedeng pwede daw akong magtrabaho sa kanila. Mula sa tindig at ganda ko, pagkakaguluhan ako ng mga lalaki. Para masilaw ako at mapapayag, nagsabi siya kung magkano ang kinikita ng mga babae sa bar nila.

So ako na desperada, I accepted it.

That night, inayusan ako. They made me up and lent me a dress. Okay naman siya. Above the knee long sleeve dress. Bayaran ko na lang daw kapag kumita na ako.

Yung unang customer ko wasn't bad. Isang mid thirty na architect. Galante at maginoo. Naghahanap lang daw siya ng mahihingaan ng sama ng loob. He noticed me immediately dahil bagong mukha ako sa bar. He didn't touch me or anything. Parang usap lang. Sinabi niya lahat ng mga problema niya at mga alalahanin.

AMAIAWhere stories live. Discover now