PROLOGUE

137 1 0
                                    

"Manong, selfie muna tayo!(sabay peace sign)"

Alalang alala ko pa nun nong una kitang makita. Pinipilit mo pa nga yung driver ng jeep na makipag selfie sayo para meron kang ebidensya sa terror nyong prof kung bakit ka late. Haha sobrang jeje pa talaga ng pose mo! Natatawa tuloy ako pag binabalik balikan ko yung mga nangyari noon.

"Hahaha tol, tignan mo yung babae oh nangungulangot!" yan yung eksaktong sabi sakin nong tropa ko nang makita ka nya. Haha para bang wala kang pakealam sa mga taong nasa paligid mo. Yung gagawin mo kung anong gusto mong gawin kahit pagtawanan ka pa.

"Hindi, okay lang. Mag dota ka muna! Okay lang talaga sakin. Okay lang kahit di mo na ako ihatid, ok lang kahit ma rape ako sa kanto, total konsensya mo nmn yun. Sige na mag dota ka muna. Talagang ok na ok lang sakin"

Hahaha naaalala mo pa ba to? sobrang cute mo talaga pag nagtatampo o naiinis ka. Haha kinonsensya mo pa talaga ako eh no? Pero d nmn talaga ako mag dodota nyan. Hinintay ko lang na mainis ka. Haha ang cute mo kasi eh!

Eh ito ba naaalala mo?

*Prrrttt*

"Hmmp Sammy,ang baho ng utot mo!"

"Heh!tumahimik ka nga diyan.."

Haha at bigla ka pang nag blush. Ang cute mo talaga pag nahihiya ka Kaya halos nagmumukha kang kamatis dahil sa kakapisil ko sa mga pisngi mo. Pero siyempre papatalo ka ba nmn? Ginagantihan mo ko lage eh! Kinikiliti mo pa ako alam mo namang sensitive ako. Hmmp! Hehe pero ok lang gusto ko rin naman. Haha nakakabading! djk lang.

Alam nyo yun, yung babaeng mangungulangot at uutot kung kelan nya gusto. Hahaha Ibang iba talaga sa lahat ng babaeng nakilala ko...Walang ka arte'2. Di na yata ako makakakita pa ng babaeng katulad o higit pa sayo.

Kaya nga ang swerte swerte ko na naging nobyo mo ako, Sammy. Pero, mas maswerte ka sakin noh! Biruin mo isang gwapong gwapong Joaquin Dela Vega nagkagusto sayo?Hahaha de joke lang. Pero sa totoo lang, namimiss na talaga kita.

Sana bumalik na yung dating Sammy...

Yung Sammy na malakas kumain, at daig pa yung baka sa sobrang lakas dumighay.

Yung Sammy na sobrang kulit at wagas kung maka tawa. Haha para ka talagang baliw

Yung Sammy na sobrang brutal sakin. Palagi mo nalang kasi akong binabatukan nun eh!

Yung Sammy na palaging nagpapasaya sakin sa mga simple mong ginagawa...

Yung Sammy na mahal na mahal ko at mahal na mahal ako...

Sammy, kailan mo ba ulit ako maaalala? ...

Heeey :) thanks for reading. Haha Bibilisan ko pag UD nito. I hope nagustuhan niyo po.

READ.COMMENT.VOTE
-@rynethmary

Lost Memories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon