CINCO

313 10 0
                                    

"Girl, bumalik si Pogi." Kinikilig na untag sa akin ni Lovely.

Nilingon ko siya mula sa ginagawa ko at kinunutan ng noo.

Sinong pogi?

"Ay nakalimutan agad. Yung tumeybol sayo kagabi." Si Mildred naman ang pumasok sa kwarto.

"So?" Bale wala kong tanong at muling nag apply ng make up. Kinapalan ko ang pagpipintura ng mukha ko dahil napagkakamalan akong minor sa manipis lang.

"For sure ikaw na naman ang tatawagin." Excited na untag ni Mildred.

"Ayoko sa walang pera." I said shortly at tumingin sa dalawa mula sa salamin. Nahuli ko pa silang umirap pero binale wala ko na lang.

Nang matapos ako ay sakto namang pumasok si Tom. Ang waiter namin.

"Tawag ka. Table five."

Tumango ako agad at tumayo. Muli kong pinasadahan ang aking paningin sa repleksyon ko sa salamin bago lumabas.

Ngumiti na ako para ipansalubong sa aking customer but my smile dropped when I saw who it was.

Si Paul. Yung bata. This time siya na lang mag isa.

I sighed then moved towards his table.

Napatayo na siya para salubungin ako. May ngiting nakakapanginig ng mga tuhod. Napakagwapo talaga. Perpekto.

I shook my head para maiwaksi ang aking iniisip. Sa tagal ko sa ganitong trabaho, hindi ako pupwedeng mainlab. Hindi naman kasi ako mabubuhay ng pag ibig lang.

Nang makalapit ako sa kanya ay inalalayan niya akong maupo. Then he pulled his chair to get closer to mine.

"Anong gusto mo Mai?" He asked huskily.

Napanguso ako. Ang lakas talaga nang dating niya sa akin.

"Tatapatin na kita Paul." I sighed.

Inosente siyang napangiti at napakamot ng batok. "Ano yun?"masuyo niyang tanong pabalik.

Napahilot ako sa aking sentido. Ayoko sanang mambasted pero hindi talaga ako pwedeng mahulog sa gwapong ito.

Anong ipapakain niya sa akin? Sa amin ng pamilya ko?

"Kung pwede lang sana-" Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko si Arturo na pumasok.

Fuck.

Tumayo ako agad at nataranta.

Kung bakit kasi bigla biglang sumusulpot itong matandang ito!

Nagkakaganito ako kasi hindi gusto ni Arturo na nagpapatable ako sa ibang lalaki.

Seloso siya kaya ang ginagawa niya nagbibigay siya ng malaking pera kapag hindi siya makakapunta sa susunod na gabi.

Napatayo na rin si Paul at hinawakan ako sa braso.

"Bakit? Anong nangyari?"nag aalala nyang tanong

Hinila ko agad ang braso ko palayo. Bigla akong nainis sa kanya.

I saw his hurt expression. Napaiwas ako agad ng tingin.

"Mamili ka na lang ng iba. Bumalik na yung customer ko kagabi." Asik ko.

Napalingon siya sa likuran ko. Kung saan kami nakapwesto kagabi.

Napayuko siya saglit at bagsak ang mga balikat na inangat ang mukha para titigan ako.

"Hihintayin na lang kita Mai.." malungkot siyang ngumiti.

Umirap ako. "Matatagalan kami."

"Wala naman akong gig ngayon.. Dito lang ako." He smiled again.

AMAIAWhere stories live. Discover now