Pagkagising ko ay naghanda na ako para pumunta sa opisina. Hindi ko alam kung papaano ko haharapin si Gab. Hindi naman pwedeng hindi niya ako pansinin eh. Siya partner ko sa lahat ng bagay kaya hinding-hindi ako magsasawa suyuin siya. Gusto ko lang naman itry ma-inlove eh. Sana hayaan na ako ni Gabriel.
"Justin, alis na ako. Tawagan mo ako or si kuya gab mo kapag may kailangan ka ha? Nag-iwan na din ako ng pera sa ibabaw ng ref para pangkain mo" sabi ko kay Justin pagbaba ko kasi nakaupo siya sa sala at nanunuod ng tv.
"Okay po ate. Ingat ka. Sana magkaayos na kayo ni kuya." Sana nga justin sana.
Paglabas ko ay may nakita akong lalaki na nakasandal sa kanyang Audi at mukhang kanina pa ito naghihintay.
"Oh Zac? Anong ginagawa mo dito?" nagtataka kong tanong.
"Hinihintay ka binibini. Ihahatid na kita at huwag kang mag-alala, susunduin din kita mamaya" seryoso talaga siya?
"Kahit wag mo na akong sunduin mamaya Zac. Alam kong busy ka at ayokong nakakaabala sa iyo" Sinabi ko yun habang papasok na sa kotse niya.
"Susunduin kita. Final na." sabi niya ng may determinasyon sa kanyang boses.
Bumabyahe na kami papunta sa opisina nang biglang nagsalita si Zac
"Claire, tungkol sa panliligaw ko sa iyo, pwede bang itago na muna natin? Naghahanap pa kasi ako ng tyempo para sabihan si mama at hiwalayan si Natalie eh" Tiningnan ko siya ng parang 'gago ka ba?'
"Ginagawa mo akong kabit Zac. Hindi ko iyan gusto." sinabi ko iyon ng seryoso at nakatingin lang ng diretso sa daanan.
"No. I am not making you my mistress. Naghahanap lang talaga ako ng tyempo kasi alam mo naman ang buhay ko hindi ba?" Malumanay ang kanyang pagkakasabi. Mabilis lang ang panahon na magkakilala kami. Magaan na talaga ang loob ko sa kanya. Feeling ko hindi niya ako sasaktan kailanman. Sana hindi ako nagkamali.
"Okay sige pero siguraduhin mo yang sinasabi mo Zachary" tugon ko sa kanya
"Yes boss! Nandito na tayo. Susunduin kita mamaya." Sumaludo pa talaga. Nakakatuwa naman tong lalaking to.
Bumaba na ako sa kanyang sasakyan at saktong pagbaba din ni Gab sa kanyang sasakyan. Hay. Bahala na nga
"Gaaaab! Hintay!" sigaw ko habang tumatakbo papunta sa kanya. Ang bilis niya talagang maglakad.
"Ano?" iritado niyang sabi pero salamat naman at kinausap niya ako kahit mukha siya galit.
"Sabay tayo lunch? libre mo?" sabi ko habang nakatingin sa kanya at todo na ang pa-cute
"I'm busy Athena. Go eat with Zac" Galit nga talaga siya.
"Ikaw gusto ko kasama sa lunch eh. Payag kana Gab puhlease" ayoko talagang nagagalit to eh. Nauubos baon kong cuteness
"Bahala ka basta busy ako" Sinabi niya iyon at pumasok na sa kanyang opisina.
Sama ng ugali eh. Magtatrabaho na nga lang din ako.
Ang bagal ng takbo ng oras ngayon. Excited na akong mag lunch at excited na ako makita si Zac hihi. Habang marami akong iniisip, may biglang nagtext.
Zac❤️:
Hiwalay na kami ni Natalie babe. Si mama na lang at pwede na tayong makita ng mundo. See you mamaya babe.Haaaay. Wala pa ngang isang araw, sinunod niya na ang kanyang pangako. Mas lalo akong excited na makita siya.
"Akala ko ba sasabay ka? Nginingiti-ngiti mo jan?" Nabigla ako sa biglaang pagsulpot ni Gabriel sa tabi ko.
"Tara Gab." tugon ko at dali-daling bumaba kasi naiiyak ako. Bakit ba!?
"Ako na mag-oorder Athena. Maghanap ka na lang ng mauupuan natin" sabi niya at diretsong naglakad sa may counter. Nakatunganga lang ako at pagkaraan ng limang minuto, dumating na siya.
"Sorry Gabriel" sinabi ko yun ng nakatingin ng diretso sa kanyang mga mata.
"Athena, alam mong mahal kita. Mahalaga ka sa akin. Best friend kita eh. Kasangga mo ako sa lahat ng bagay pero wag naman si Zac o?" Hindi ko talaga gets kung bakit ayaw na ayaw niya kay Zac. Wala namang ginagawa ang tao.
"Pwede mo bang ipaintindi sa akin?" sabi ko habang sumusubo ng pagkain.
"Sasaktan ka lang ni Gab eh. Diba may girlfriend yun? Diba ang sungit ng mama nun? Masasaktan ka lang Athena" Sinabi niya yun ng napakaseryo at nakatingin sa akin
"Hiniwalayan na niya ang kanyang girlfriend Gab. Ako na lang ngayon. Di ka ba masaya para sa akin?" Naluluha kong sabi.
"Hay. Alam mong hindi kita matiis Tina. Okay na. Basta kapag sinaktan ka ng lalaking yun, sabihin mo sakin ha? Sasapakin ko yun kahit masugatan pa tong gwapo kong mukha!" sabi niya na nakapagpatawa sa akin. Baliw talaga tong isang to
"Gab, I am the happiest right now. It feels like everything is in place. I found my brother, I have you and I have Zachary. I am complete right now" sabi ko at tumabi sa kanya. Niyakap niya ako at hinalikan sa ulo ko. Ang swerte talaga ng magiging girlfriend ni Gab. Sana hindi niya saktan bestfriend ko.
Natapos ang araw na masaya ako at tapos na ang trabaho ko. Pababa na ako ng nakasabay ko si Gab.
"Sabay na tayo tina. Kunin ko lang gamit ko." sabi niya
"Ay Gab! Sabay kami ni zac eh. Nasa baba na siya hihi" Sabi ko habang kinikilig pa.
"Ah ganun ba? Ingat kayo" nakayuko niyang sabi.
"Ingat ka din Gab"
Pagkatapos ng pag-uusap namin dumiretso na ako sa baba kasi nagtext na si Zachary na nasa baba na siya.
Nakita ko rin agad si Zac kasi ang gwapo niya talaga. Sumakay na ako sa sasakyan niya at inihatid na ako sa bahay.
Pinakilala ko siya kay Justin at ayun. Nagmamaktol ang kapatid ko at ayaw niya raw sa lalaki. Todo naman pasasalamat ko kay Zac kasi inintindi niya ang kapatid ko.
"Mukhang susuyuin ko rin si brother-in-law ah." natatawa niyang sabi na nagpatawa na rin sa akin.
Sana magustuhan na siya ni Justin. Sana.
BINABASA MO ANG
How Can I Forget? (On-going)
RomanceAthena Claire Garcia is a vulnerable woman. She lost her family early and endured all the things happened to her at an early age. But what if a guy will come to her life and make her feel that she is really not worth it to be happy? Will she forget...