Haha-HI! XD
Here's an update! Sana magustuhan niyo kahit maiksi lang ito. Thanks again sa mga nag-aadd sa rl nito ha! Pati na rin sa Tale of a Badass Couple. haha. Nagsegway pa. Seriously nakakagaan ng pakiramdam na may nagbabasa lalo na't I'm seriously not feeling well right now.
So, Happy Reading y'all!
---------
I've waited for the crowd to at least lessen. Something in me says, he's gonna go back for me because he always does, but the negative and bitchy part inside my head tells me that what the other one thinks is so not happening and I have to storm out before I make an idiot out of myself.
I pick up my bag and swung it into my shoulder. Hahakbang na sana ako pero nakarinigan ko pa yung usapan ng dalawang sales lady sa harapan. Hindi ko na sana papansinin kaya lang narinig ko yung pangalang Hana. I've gone curious at hindi ko alam kung bakit ako umaakto ng ganito.
Kung dati pa ito nangyari, paniguradong hindi ko na lang papansinin ang mga ganitong usapan. Kahit pa artista ang pinag-uusapan nila wala akong pakialam. I acted and took my time while still listening to them. I laughed to myself when everything became clear.
"Artista ba yun? Bat naman ata pinagkakaguluhan?"
"Shunge, hindi mo ba yun kilala? Si Hana Ymari yun. Yung highly paid model sa New York. Kalat na kalat na nga pagmumukha sa magazine, pero hindi mo siya kilala? Girl, sang planeta ka ba galing?"
"Ito naman, ano bang malay ko? Pero in fairness ang ganda niya sobra."
"Sinabi mo pa."
"Pero sino yung lalaki? Ang gwapo ha."
"Baka boyfriend niya? Bagay sila no?"
Gaya ng sinabi ng bitchy part ng utak ko, umalis na ako. I didn't dare look for them. Kaya na nila sarili nila. Isa pa kasama naman ni Hana si Mervin. Paniguradong hindi siya nito pababayaan.
Kaya pala parang pagkatuntong pa lang namin dito sa mall eh lahat ng mata nasa kanya. Akala ko dahil maganda siya kaya hindi nila mapigilang hindi mapatingin sa direksyon niya. Yun pala, she's something more. She's a freakin model, pano ko ba napalampas ang isang bagay na yun? Simple lang. Ano bang malay ko sa mga modelong yan? Ni hindi nga ako nakakapanood ng ibang palabas sa tv kundi mga balita lang pag asa council ako eh. Wala din naman akong tv sa dati kong apartment. At saka hindi naman ako mahilig na magbabasa at magbubuklat ng mga magazine.
Dumaan ako sa labas ng isang clothing shop at napahinto na lang sa tapat ng glass wall nito. Andun ang isang poster na naglalaman ng isang vogue model. Nakasuot ito ng isang malaking straw hat na tumatakip sa kanang mata niya. Her hand grasp the top of her hat, her chin held high. Kaya expose ang sexy nitong leeg. Her lips was pouty without even putting much effort to it. The whole poster was in black and white. She wore a v-dress with a plunging neckline na nag-a-accenuate ng dibdib nito. Shit. Ang ganda niya.
In bold white cursive writing there's her name, Hana Ymari with her signature on top. The girl who had it all was written beneath it.
Uhuh. Napaiwas ako ng tingin nang maramdaman kong magvibrate ang phone ko sa aking bulsa.
Maybe it's ...
Tommy, the screen says. I held it into my ear sighing. "Oh hi."
"Ronnie? You sound different." naiimagine kong nakakunot na ang noo niya ngayon. "Anyway, asa labas na ako ng room niyo."
Teka, sa room? Ano namang ginagawa niya dun?
...Oo nga pala, sabi niya susunduin niya ako. My throat went dry all of a sudden. Gulping, I said, "I'm not in the school right now."
"What? Eh asan ka?"
I looked around, thinking if I should tell him where I am. Ano bang masama kung sasabihin ko sa kanya? "I'm at the mall." hindi pa man lumilipas ang isang segundo ay narinig ko ang tugon niya sa sinabi ko.
"I'll be there."
"Ah..." My jaw was hung on mid air pero hindi pa ako nakakasagot ay pinatay niya na agad yung tawag ko.
Sasabihin ko pa sanang uuwi na ako since wala naman akong gagawin rito, pero hindi naman pwedeng umalis ako since pupuntahan daw niya ako. Tsk. Ano ba to.
Maybe I should text him instead? Maybe I should. Magkocompose na sana ako ng message pero biglang may nag-appear na mensahe sa screen. Oh, and guess whom it's from. Kanino pa ba? Kay Mervin. Siguro naalalang kasama nila akong nagpunta rito.
[V, u cn go home on ur own ryt? I still hve to get Hana in a safer place.]
Safer place? Bakit dito na ba ginaganap ang palitan ng putukan ng mga militar at milf at kailangan pang hanapan ng safer place si Hana? Eh di dapat ako rin maghanap na ng safer place?
Ugh! Ano na naman bang pinag-iisip ko? Ang abnormal na naman tumakbo ng utak ko.
I fidgeted with the phone for a while. Ano bang inaasahan kong sasabihin nito? Kaasar naman! At least nagpaalam siya di ba? Teka, eh ano naman kung nagpaalam siya? Get a grip Ronnie. Hindi mo dapat pinupuno ang utak mo ng mga ganitong tanong. Wala naman itong maitutulong sayo eh.
Ang dapat mo lang gawin ay gumanap na pekeng girlfriend ng mokong na yun. Yun lang. Mas maganda nga na matuon sa ibang bagay ang atensyon ng lalaking yun di ba? Gain mo yun. May libre ka na ngang oras, kumikita ka pa. San ka naman nakakita ng ganun di ba? Basta tiisin mo na lang. Three months na lang di ba? Eksakto, sa katapusan ng November ang end of contract. Pasasaan pa at malapit ka na ring grumaduate. By that time, makakahanap ka na rin ng stable job.
Sabi nila sa dinami dami ng prusisyun sa isang salita rin ang tuloy. [Sure.] I replied back at nagpatuloy na lang sa paglalakad patungo sa teahouse. Sasabihin ko na lang na doon na lang kami magkita ni Tommy.
---
"Gago yun ah!"
"Huwag ka ngang maingay. Saka, hindi naman niya kasalanan eh."
"Now you're defending him." tumalas ang tingin niya sa akin.
Am I defending him? No? Bat ko naman siya idedefend? As far as I'm concerned, wala naman akong kahit na anong kinalaman sa kanya. Sa kanila ni Hana. Wala naman talaga akong pakialam sa kung anong meron sa kanila. Wala akong pakialam kay Mervin. So bakit naman ako maapektuhan? Bat ko naman siya idedefend?
"Hindi ko siya dinidefend. I was just stating a mere fact." I sipped at my choco mousse milk tea.
"Fact. Tss."
"Pwede ba Tommy, kung makareact ka naman parang ikaw yung girlfriend." Napailing ako habang nagpipigil ng ngiti.
Hindi ko alam bat ko yun sinabi. Siguro acting as a fake girlfriend is finally sipping into my bones.
"Yun na nga eh, pakinggan mo nga yang sarili mo. Ikaw ang gf pero parang wala lang sayo? Hello? He just took off with Hana Ymari, whoever that girl is, and left you here."
"She's a model." I informed him. " And it's not like I don't know my way home." I shrugged.
"So what if she's a model? Sigurado akong mas maganda ka pa sa kanya." tinaasan ko siya ng kilay. Totoo ba yung narinig ko?
"A-at least for me?" mas lalo kong itinaas ang kilay ko if posible man yun.
"Huwag mo nga kong tignan ng ganyan." Iniwas niya sandali ang tingin mula sa akin as if to clear his mind of something bago niya ito muling ibalik sa akin. "Isipin mo na lang Ronnie, pano pala pag asa ibang sitwasyon kayo? Pano yun? Iiwanan ka niya ng ganun ganun na lang?"
"Tommy?!" I half snorted, half yelled at him at natahimik siya.
"Ronnie." kinunot niya ang noo niya.
Mukha atang maling kinuwento ko sa kanya ang mga nangyari. Tss. Malay ko ba na magrereact siya ng ganito?
"You're over reacting." I shook my head.
"When it comes to you I could never be over reacting." naramdaman kong ipatong niya ang kamay niya sa kamay ko sa ibabaw ng mesa. Binaliktad ko iyong kamay ko upang mahawakan ko rin yung kamay niya. It seemed to cool him off at hindi nagtagal ay ngumiti rin ito. "I just care about you."
"And for that I am grateful." I smiled back.
"Tandaan mo lang Ronnie, pag ikaw niloko niyang si Mervin, sabihin mo sa akin. Ipapatikim ko sa kanya ang muscles ko." my eyebrows were pulled as I stare at him.
"Ang sagwa ng pagkakasabi mo." I laughed.
"Nagpapakasuper hero na nga ako tinatawanan mo pa." he pouted.
"Oo na nga oh."
Ang o.a talaga nitong si Tommy. Kung alam niya lang talaga. Wala namang maloloko kasi wala naman talagang namamagitan sa amin ni Mervin. At mas makakabuti nang manatili sa ganoon ang status naming dalawa.
(c) lyra_shin