Promise

13 1 0
                                    

Sa bawat lakad na aking ginagawa mga alala sa nakaraan ang aking nakikita.Sa burol na ito na may puno ng mangga.Dito kami nangako sa isa't isa na pagkalipas ng sampung taon muli kaming magkikita.

*Flashback*

"Tom,aalis na kami..."naluluha Kong tugon Kay Tom na ngayon ay gulat sa sinabi ko.

" Ano ang ibig mong sabihin...Astra?"naiiyak na ani nito habang naglalakad papalapit sa akin.Hindi ko mapigilang humikbi dahil parang dinudurog ang puso ko.

"Ba..balik na ka..mi ng Manila,Tom.Don na ka..mi titira" nauutal Kong sabi sabay tingin sa kanya.Kitang kita ko sa mga kayumanggi niyang mga mata ang sakit.Lumapit siya sa akin at yinakap ako ng napakahigpit para bang takot na mawala ako.

Sinuklian korin siya ng napakahigpit na yakap dahil baka sa susunod Hindi kona magawa ito sa kanya.Naririnig ko ang kanyang mga hikbi kaya di ko mapigilang yumakap ng mahigpit at umiyak sa kanyang dibdib.

Limang taong gulang palang ako nong lumipat kami ng magulang ko dito sa probinsya ni lola.Nong una hindi ko talaga gusto rito dahil hindi ako sanay.pero simula ng nakilala ko si Tom naging kaibigan ko narin lahat ng bata rito.Mas matanda siya sa akin ng dalawang taon kaya mas mature siya mag isip kaysa sakin.Sabay kaming lumaki at sa bawat taon na lumilipas mas lalo kaming nagkalapit sa isa't isa.

Kaya ang sakit isipin na ngayong labing tatlong taong gulang na ako magkakahiwalay na kami.Sanay akong nasa tabi ko siya palagi.Kapag may problema ako siya ang lagi Kong nilalapitan.Kapag nalulungkot ako tatambay kaming dalawa dito sa puno ng mangga para magkwentuhan.Pero ngayon mukhang etoh na yata ang huli.

A Promise To Remember || One-ShotWhere stories live. Discover now