"Sagipin mo si Teresita bago pang mahuli ang lahat. Sagipin mo siya kina Erwin. Dahil siya ang kabayaran sa napakalaking kasalanan na ginawa mo bilang isang Sinag." Aniya.
"Patawarin mo'ko, Mac. Patawarin mo'ko sa panghihimasok ko sa pamilya mo, sa lahat -lahat." Dagdag pa nito.
May ini-aabot itong papel kay Macario ngunit ayaw niya itong tanggapoin. Kaya sapilitan niya itong ipinasok sa bulsa ng suot nitong polo.
"UMALIS KA NA!!" Bigla itong nagsisisigaw matapos niya yong gawin. Sa halip na maintindihan ni Macario ang lahat ng sinabi ng kaibigan ay tila mas dumagdag pa ang pagtataka niya sa lahat ng kanyang narinig ngayon pa at biglang nag-iba ang kilos at pakikitungo sa kanya ni Jonathan.
Gayon pa man ay hindi na siyang nag-atubili pa at agad nang umalis matapos siyang sigawan ng kanyang matalik na kaibigan.
Sa kanyang pag-alis ay narinig pa niya itong sumigaw ng mga katagang: "PATAWARIN MO'KO, MAC!! "
Kasabay ng sigaw nito ay umalingawngaw ang isang malakas na putok ng baril.
Naluluha na siyang umalis ng bahay ng kaibigan matapos ang lahat nang yon.
---------
Noong nakaraang araw, alas kwatro na ng hapon.
Dismissal noon ng klase nina Andre. Napahinga nang malalim ang binata matapos ang nakakapagod na araw sa eskwelahan habang naglalakad patungo sa parking lot kasama ng kanyang mga kabarkada.
Nauna na ang mga kasama niya. Siya naman ay tumambay muna saglit sa parking lot habang tinetext si Xandra kung kamusta sila sa bahay. Bantay-sarado sila ngayon dahil nga sa nangyaring pagtakas ni Ton-Ton, ang salarin sa pagpatay kina Paulo at isa sa mga suspek sa pagkawala ng kanyang ate.
"Ayos lang kami dito. Wag kang mag-alala, ako ang bahala sa mama mo." Ito naman ang text na natanggap niya mula sa nobya.
Nakatambay lamang siya roon, nagmumuni-muni at medyo abala kakaisip hinggil sa mga nangyayari.
Hindi niya na namalayan na si Oliver pala ay nasa harap niya na.
"Tol..." Bati nito sakanya na siyang ikinagulat niya dala ng pagkawala niya sa ulirat nung oras na yon.
"Oy, tol...ano'ng meron?" Sagot pa niya.
Napapansin niya na parang kabado itong si Oliver. Parang hindi ito mapakali at panay ang linga nito kahit saan. Pautal-utal pa ito at nahihirapang magsalita. Pinagpapawisan rin ito. Malayo ito sa pagkakakilala ni Andre sa kanya. Ibang iba. Akala pa nga niya ay may kalokohan na naman itong gagawin o ano. Ngunit bakas sa mukha niya ang takot na di maipaliwanag. Yung taong nantrip at nanggulpi sakanya matapos agawin sakanya ang dati niyang girlfriend ay tila bahag ang buntot sa di malamang dahilan.
"Ma--may sasabihin ako sayong napaka-importante..." Pautal-utal pa itong sumagot sa kanya.
Nagtaka naman si Andre sa sinabi ni Oliver. Di niya alam kung ano ang iisipin.
BINABASA MO ANG
Ang Pagkawala Ni Teresita Gomez
Детектив / ТриллерSi Teresita Gomez ay ipinanganak sa isang simple ngunit marangyang pamilya. Bagama't maayos ang kanyang pamumuhay ay may mga patong-patong na problemang dumating sa kanya. Dahil dito, napagpasyahan niya na munang umalis upang nang sa ganoon ay makap...