Napaawang ang mga labi ko sa pagkabigla at para akong nanigas sa kinatatayuan ko. Anong ginagawa niya dito? Hindi pa ako nakakabawi sa pagkabigla ay dahan-dahan na siyang lumapit sa akin kaya napaatras ako sa lababo. Palakas ng palakas ang tibok ng puso ko! He’s wearing his mask on but I can still see his eyes staring intently at me!
“W-what are you doing here?” Tanong ko sa kanya nang tuluyan na siyang makalapit sa akin. Hindi ko napigilang mapasinghap nang ipinatong niya ang mga kamay niya sa lababo kaya nakulong ako sa mga braso niya at sobrang lapit na niya sa akin.
“Because.. I want to see you.” He said with a hoarse voice. Bumaba ang tingin niya sa mga labi ko at dahan-dahang umangat ang kamay niya at tinanggal ang mask na nakatakip sa aking mga mata at ipinatong ito sa tabi ko. “And because..I want to..kiss you.” Sabi niya at tinanggal niya din ang mask niya. At tuluyan na niyang inilapit mukha niya sa akin at idinikit niya ang noo niya sa noo ko. Tibok na lang ng puso ko ang naririnig ko.
“Damn, you looked so hot. You’re mine. Mine alone.” Paanas niyang sabi habang halos magkadikit na ang mga labi namin. Hindi ko napigilang mapapikit at hinihintay ko na lang na tuluyang dumampi ang mga labi niya sa akin. Hindi naman ako nabigo dahil agad niya akong siniil ng halik. Hindi na ako nakapagpigil pa kaya agad kong ikinawit ang mga braso ko sa leeg niya at sinuklian ang maiinit niyang halik. Mahal na mahal ko siya at gusto ko ‘yong ipadama sa pamamagitan ng mga halik ko. Naramdaman ko namang iniyakap niya sa bewang ko ang mga kamay niya at humahagod ito pataas at pababa sa likuran ko. Lalong lumalim ang paghahalikan namin ng hapitin niya pa ako hanggang sa maramdaman ko siya sa puson ko.
Naramdaman ko na lang na namasa ang pisngi ko at hindi ko namalayang lumuluha na pala ako kaya napatigil siya sa paghalik sa akin. Nag-aalala siyang tumingin sa akin at pinunasan niya ito gamit ang daliri niya. Hinuli ko ang kamay niya sa mukha ko at matiim siyang tinitigan sa mata. “W-why are you doing this to me? Huh?” Malungkot kong tanong sa kanya. Hahalikan niya ako ngayon pero mawawala na naman siya bukas?
Pero wala na akong pakialam at gusto ko na lang pakinggan ang puso ko. Hindi ko na siya hinintay pang makasagot at agad akong tumingkayad at hinalikan ko siya sa labi. Sinamantala ko ang pagkabigla niya at lalo ko pang nilaliman ang paghalik ko sa kanya. Agad naman siyang nakabawi at sinuklian ako ng maiinit na halik hanggang sa pareho na kaming hinihingal.
“I’ll.. see you later.” Paanas kong bulong sa kanya nang magbitaw kami at muli ko siyang kinintalan ng halik sa labi. Para naman siyang na estatwa kaya nagmamadali ko nang kinuha ang mask at purse ko at lumabas ng restroom.
Hindi ko akalaing nagawa ko pang bumalik sa mga katrabaho ko. Ni hindi ko alam kung anong itsura ko ngayon kaya kinabit ko na lang uli ang mask ko.
“Uy, ang tagal mong nawala ah?” Tanong sa akin ni Greg pagkabalik ko sa table namin. Binati din ako ng iba pa naming mga kasama.
“Uh may mga pinakilala kasi si dad sa akin.” Sabi ko naman at nakahinga ako ng maluwag nang hindi na siya nag-usisa pa.
“Jen! Ang ganda natin ah! Pulang pula ang lipstick!” Nagulat ako nang biglang dumating si Carlo at may dalang pagkain. Agad ko tuloy nahawakan ang mga labi ko at bahagyang nag-alala pero agad ko din namang kinalma ang sarili ko dahil kissproof ang nilagay kong lipstick!
“Uy.. Akala ko hindi ka makakapunta?” Tanong ko naman sa kanya para mawala ang kabang nararamdaman ko. Mukha na siyang okay ngayon. Siguro nagkabati na sila ng girlfriend niya.
“Gusto kong mag unwind kaya nagpunta din lang ako.” Sabi naman niya at nagsimula nang kumain. “Kumain ka na ba?” Tanong naman niya sa akin nang malunok ang nginunguya niya.
“Hindi pa. Hindi man lang nag-aya.” Kunwaring naghihinampo kong sabi sa kanya.
“Hoy hala sorry. Akala ko kumain ka na eh. Kumain na kasi sila Greg. Kuhanan kita?” Tanong naman niya sa akin kaya bahagya akong natawa.
BINABASA MO ANG
Destined To Love You (Girlfriend Series #2)COMPLETED
RomantikThey were a match made in heaven. They clicked instantly since day one. But as they mature and being pressured by the hustle and bustle of life, they started to grow apart. Will destiny bring them back together? xoxo Taglish