Once Again

33 1 3
                                    

Chapter 1

Prologue

Grade 2, flag ceremony, at isang batang lalaking sunburned ang balat...

That's the oldest memory of him that i can remember.

Sabi ko pa nga nun "Ano ba naman to sunog na nga balat ang gulo pa sa pila."

Little did I know, mas guguluhin pa niya ang buhay ko pag tagal.

Growing up, Alex and I were like cat and dog. I was the teachers' favorite, he was their enemy. Kalaban sa Black 123. Kaasaran. Total opposite ko talaga siya.

I already mentioned, madalas kami magkalaban sa black 123, boys vs girls eh. Minsan lang ako mahuli ng mga kalaro kong lalaki. Kahit ung maliliksi natatakasan ko.

But this one time is the next clear memory I had with him...

Ako na lang hindi pa nahuhuli nun eh, syempre magaling ako eh, nakikipagyabangan pa ako kay Vince na di niya ako mahuhuli.

Habang naglalakad ako patalikod, somebody grabbed my arms HULI KA!

I was caught off guard, he got me.

That's his guilty pleasure eh, yung biglain ako. Haha! That jerk!

Hanggang sa huli, binigla niya ako... tayo... parang bula, POOF! Wala na sya...

Sorry, di ko na mapigilan yung iyak ko. Haha! I've known Alex for 14 years.

Nasanay akong lagi siyang andyan para saken. Nasanay na akong siya ang una't huli kong kausap araw-araw.

Walang kasing bait. No one compares to him. He's like the total package - gwapo, hot, matalino, maloko pero mabaet talaga, best friend ng lahat, maangas pero malambing.

Everything I'm looking for, he got it.

I have never felt alone my entire life... just now...

He never broke my heart... just now...

Alex, I miss you so much na. :(

I want to go back in time when I had you... when we had the world... I'm sorry baby kung di ko pa din matanggap na wala ka na. Promise, unti unti, pipilitin kong sumaya ulit.

Kakayanin kong mag-isa hanggang makasama na kita ulit... Antayin mo lang ako dyan, ay teka, WAG KA MANGCHIX DYAN AH!!!

Til then baby ko mahal, Goodbye. I love you, Alex.

Coleen's POV

Kakatapos lang magbigay ng eulogy ng bestfriend ko, si Ash.

*sniff* *sniff* *sniff*

Sobrang iyak ako ng iyak. Fan kaya nila akong dalawa! Naaawa ako kay Ash, alam ko kung gano kasakit sa kanya mga nangyare. Hindi nga lang sila magkasama ng isang linggo todo iyak na si Ash eh. Pero mula nung nawala na si Alex, ilang beses ko lang siya nakitang naluha. Hindi siya humagulgol. Tulala lang siya, hindi makakaen, ayaw makipag usap. Para ngang nababaliw kanina eh, seryoso, tatawa, magjojoke, iiyak. Ano kaya sa tingin niyo?

Haaaaiiii buhay. Ihahatid na namin si Alex sa Loyola Cemetery. Ichichismis ko na ba yung nangyare?

Uhmmm, ayaw ko sakin manggaling. Basta ang masasabi ko lang, ang sakit mabigla ng ganito. Walang pasabi, bigla na lang kukunin sayo. Worse, wala na talagang chance para magkita kayo. Alex, why so early? Haaaaaiiii talaga...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 31, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon