11th track: the view

25 1 1
                                    

It was raining in the North
You came laughing, wearing your favorite khaki shirt
And you held my hand, we ran back and forth
You were there, you were there



Pinatugtog ko ang gitara at sinubukang kantahin ang mga parirala. Kumurba ang tipid na ngiti sa labi ko nang mahanap ang mga tamang salita. It was indeed a feeling I'd been missing for a long time. The chills, the scars from playing the guitar strings, and the bitter satisfying stench of black ink. Napatingin ako sa bond paper na punung puno ng mga random words na nakasulat.



It's good to be back.



"Arf!" Napatingin ako kay Pemo na nakatungkod sa fence. Masaya nyang iwinawagayway ang buntot habang nakadungaw sa lalaki na nasa labas. Inabot nya ang aso at binuhat ito na parang sanggol.



Lumapit sya sa bench at tumabi sa kinauupuan ko. Pawis na pawis sya habang nilalaro ang aso. Kakatapos lang nya magjogging. Alam ko, dahil yun naman ang lagi nyang sinasabi sa tuwing tinatanong ko sya kung bakit sya napaparito.



Nasanay na ako.



Nasanay na ako na palagi syang nandyan sa tabi ko.



"Kumusta si Mommy Astrid? Kumakain ba nang mabuti?" He said, still looking at my dog. Binaba nya ang aso at inupo sa damuhan. Inilabas ko ang dalang bimpo at pinunasan ang pawis nya sa noo. Sandali syang natigilan sa ginawa ko pero tumawa lang sya.



Palagi ko na yun ginagawa. Hindi pa ba sya nasasanay?



"Ako na," he purred. Kinuha nya mula sa akin ang bimpo at sya mismo ang nagpunas ng pawis sa mukha nya.



Isinukbit nya ang bimpo sa leeg habang pinapanood ako sa paggigitara. Nakangiti nya akong pinagmasdan habang yakap ang mga tuhod. Sinimulan ko ang pagtugtog sa bagong kanta. He began to hum and sing a melody with me.



"You know what, I could listen to your songs all day," he said.



Napangiti ako. Hindi ko alam pero sa mga simpleng salita nya lang, parang may kung anong nabubuo sa pakiramdam ko. Sa mga salita nya lang, sumasaya ako.



Tahimik naming pinagmasdan ang paglabas ng Haring Araw.



Gaya nang dati.



Masarap pa rin sa pakiramdam. Hindi ko alam pero masaya ako na kasama sya sa tuwing sasalubungin namin ang ganitong kagandang umaga. It became a routine. Hindi ako sanay na hindi sya ang kasama sa ganitong oras.



Nakapikit lang ang mga mata ko, ninanamnam ang malamig na hanging dumadampi sa mga pisngi ko. Maya't-maya ay naramdaman ko ang ulunan nya sa mga balikat ko. Umayos ako ng upo at sinapo ang bigat para hindi sya mangawit. I caressed his head like a puppy. Rinig na rinig ko ang mabibigat na paghinga nya.



He sounded like a sleeping cat.



"Don't stop," hindi ako tumigil sa ginagawa at patuloy na nilaro ang buhok nya. Sandali kaming nanatili sa ganoong posisyon. Hinawakan nya ang kabilang kamay ko at naglaro kami ng thumb wrestling. Kahit na pa nakapikit ang lalaking 'to, lagi na lang nya ako natatalo.



"How's your week, Astrid?" He asked, still with his eyes closed. I drew in a deep breath and exhaled slowly.



"I'm fine," hinawakan ko ang kaliwang pisngi nya at mariing pinisil yun. Nagsalubong ang mga kilay nya, pero nanatiling nakapikit ang mga mata. "Ikaw? Kumusta ka, Kiko?"



One Lyric AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon