"Good morning ate Lei, nandyan po ba si Nash?" Nakangiting sinalubong ni Jae ang kapatid ng kaibigan nang pinagbuksan siya nito ng pinto.
"Oo, nasa itaas pa. Kanina ko pa nga kinakatok pero ayaw akong buksan," sumbong ni Lei sa kakarating na lalaki. "Tuloy ka, Jae. Kung gusto mong puntahan si Nash, go lang. Baka ngayon ay pagbubuksan ka na. Alam mo naman," tinuro nito ang puso.
Tumango si Jae. "Sige, ate. Pupuntahan ko na lang po," atsaka siya umakyat sa taas kung saan nandoon ang kwarto ng kaibigan. Nang makarating sa harap ng pinto, agad na siyang kumatok. "Nash? Si Jae 'to! Alam kong naririnig mo ako. Nandito ulit ako!" mas nilakasan pa niya ang pagkatok. Idinikit niya ang kaliwang tenga sa pinto at pinakinggan kung may umiingay sa loob.
Ngunit wala. Wala siyang marinig, sobrang tahimik.
"Nash, ano ba---" hindi na natapos ni Jae ang sasabihin ng biglang bumukas ang pinto. Tumambad sa kanya ang nakangiting mukha ng kaibigan. Sunod-sunod ang pagkurap niya. "N-Nash..."
"Yes? Sorry, 'di kita narinig. Nasa loob kasi ako ng cr eh. Halika, pumasok ka muna," yaya sa kanya ng kaibigan atsaka malaya siyang pinagbuksan ng pinto. Pagpasok ni Jae, agad niya nilibot ng tingin ang kabuuan ng kwarto ni Nash. Umawang ang bibig niya sa nakita. Hindi niya inaasahan na ganito ang magiging itsura nito makalipas ng dalawang araw.
Huminto ang mga mata niya sa nag-aayos na Nash sa harap ng salamin. Ngumiti si Nash sa kanya mula sa salamin atsaka siya hinarap. "Ang aga mo ngayon ah. Saan ba ang punta natin? Alam mo maaga pa akong nagising at naghanda," ngumiti itong muli sa kanya at humarap sa salamin.
"Ayos ka lang ba?" Hindi na napigilan ni Jae ang sarili na magtanong sa nakikita ngayon sa kaibigan.
"Oo naman! Bakit mo natanong? Siguro iniisip mo kung bakit ako ganito ngayon. Jae, I'm really okay now. See?" Ipinakita pa nito ang sarili na maayos. Naupo si Jae sa kama nito at tiningnan ng mabuti si Nash. Humarap din si Nash sa kanya at tiningnan din siya nito. "What?"
Umiling si Jae at nahiga. "Bilisan mo na lang dyan at baka maiwan tayo ng bus."
"Woah, seriously? Saan ba talaga tayo pupunta, Jae?"
"Makikita mo mamaya. Sige na, bilis na." pagmamadali niya sa kaibigan.
***
Napatalon sa tuwa si Nash nang malaman kung saan siya dinala ni Jae. Of all places, dito pa talaga. Natakip niya ang bibig sa saya habang pinagmamasdan ang isang book fair na ngayo'y nangyayari sa harap nila. Matagal na niya itong pinakahihintay na mapuntahan at sa wakas, nandito na rin siya. Humarap siya kay Jae na walang kareaksiyon.
"Thank you talaga, Jae! Hulog ka talaga ng langit! Thank you, Lord!" wika ni Nash. Pasimple namang napangiti si Jae sa naging reaksyon ng kaibigan. Alam niyang matagal na nito inaasam na makapunta sa isang book fair kaya nung marinig niya ang usap-usapan ng ibang kaibigan tungkol dito, agad niyang sinet ang schedule nila ni Nash.
"Nagustuhan mo ba?" tanong niya.
"I love it, Jae! Tara pasok na tayo!" atsaka siya masigla at excited na hinila ni Nash papasok sa loob.
Habang namimili si Nash ng mga librong nagustuhan, sunod lang ng sunod si Jae sa kaibigan. Ilang oras na sila dito at nakakadalawang basket na si Nash pero mukhang wala itong balak na tumigil o umuwi. Hindi yata nito napapansin ang oras dahil sobrang abala nito at halos malibot na nila ang buong building na pinagdadausan ng book fair.
Kinalabit niya ang kaibigan. "Nash, uupo muna ako. Masakit na ang paa ko, hihintayin na lang kita doon sa bench malapit sa entrance."
Tumango sa kanya si Nash na nasa mga libro ang tingin. "Okay, itetext na lang kita kapag natapos ako."
BINABASA MO ANG
She's In the Rain
Short Story[C O M P L E T E D] »Cha Eun Woo Fanfiction« ◎Cha Eun Woo as Cha Eun Jae in this story Disclaimer: This story is written in Taglish ©Reina Asikawa 2021