Chapter 6: Ghost of the past
--- ᕕ( ᐛ )ᕗ
Seraphina's POV
If earlier Parker's turning pale, now he's haunting this school with his paleness.
"What about me?"
Napatingin ako sa pinanggalingan nun at tumambad sa akin ang isang babaeng blonde ang buhok at may pink na kulay na fade sa laylayan ng buhok
"Seri! Saan ka nga pala nagpunta?! Tsaka, Luh! Bakit kasama mo si Nico?"
Doon ko lang napansin na hindi siya nag-iisa, she's with the weirdo gang
Tinignan ko yung Nico na sinasabi nya at hindi na ako nagulat na yung lalaking may blond highlights pala ang tinutukoy nya.
"Mahabang istorya"
"Long story"
Halos sabay naming sagot, they all looked confused but they just shrugged it off.
"Tutal nagkita na rin lang kayo ay ipapakilala ko na kayo sa isat-isa"
Biglang singit sa kung saan ni Lincoln
"Nico sya si Seri, Seri sya naman si Nico"
Sabi sa amin ni Lincoln na parang tinuturuan lang ang isang bata na magbasa
Seriously?
"Kairo Nicolaus Celezar nga pala"
Sabi nito at naghikab, nakakagulat na wala na akong maramdamang galit sa kaniya hindi katulad kanina nung magkaharap sila ni Parker. Am I just imagining it?
Maayos naman ang pagpapakilala kaya siguro magpapakilala din ako sa maayos na paraan
"Seraphina Hamilton"
"Nice name, hindi tunog magnanakaw"
What? Is he still talking about the phone incident earlier?!
"You-"
"Nako pagpasensyahan mo na
rin 'yang isang yan Seri"Sabi ni Yugen at dahan dahan akong nilayo kay Nico na parang kahit anong oras ay susugurin ko na siya
"Nalaglag din kasi yan sa duyan nung bata sya, una pa nga yung ulo eh kaya ayan medyo naging sinto sinto"
"Akala ko ba si Lincoln yung nalaglag sa duyan?"
"Oo nga, parehas silang nalaglag sa duyan. Nasa iisang duyan lang kasi kami nina Lincoln at Nico nung mga panahong iyun, sa totoo nga eh si Nico yung tumulak kay Lincoln sa duyan at ako naman ang tumulak kay Nico"
Paliwanag nya kaya bahagya naman napakunot ang noo ko
Doon ko lang biglang napansin yung isang babaeng sobrang sama ng tingin sa akin, she's looking at me as if I did that cringe ass hair color of her. What's with her and this Nico guys for having highlights?
"And what kind of pokemon are you?"
Mataray na tanong sa akin nung babae kaya napunta sa akin ang atensyon nilang lahat
"Zekrom"
Sagot ko na dahilan ng pagtaas ng kilay nya
"Ay! Nga pala Seri isa rin sya sa ipapakilala ko sayo! Kaibigan din namin sya. Sya nga pala si Willow"
BINABASA MO ANG
The Pieces Of The Mafia's Heart
Ficção AdolescenteThey always say follow your heart, but what if your heart is shattered into million pieces... which piece do you follow? [Language: Tagalog]