𝔠𝔥𝔞𝔭𝔱𝔢𝔯 7

52 4 4
                                    

"Tama ang hinala mo, Detective Guerrero... Mukhang bumubukas na ang kakayahan mong makapag predict ng mga mangyayari" sabi ni Ate Trese pagkatapos naming malamang gawa iyon sa mga tyanak.

"Hindi naman ako babaylan at wala sa dugo namin ang may ganitong pambihirang kakayahan" sagot ko at napatungo, iniisip kung meron ba akong koneksyon sa mga babaylan sa pamilya namin. Tinignan ako ng malungkot ni Ate Trese pero na nanatili ang pagka matigas ng pisikal na katawan nya.

"Hindi pa rin ako na niniwala.." sambit ko. "Hindi naman kita pipilitin sa pinaniniwalaan ko, basta kapag naulit na naman yang pangitain mo huwag kang mag dadalawang isip na tawagan agad ako" dagdag nya. Tumango ako at saka lumabas na ng kotse nila, nakisakay lang ako pauwi galing sa bahay ni Nova Aurora.

"Aalis ka na ba talaga?" sabi ni Basilio na nakababa ang bintana para makausap ako. "Oo.. Kaya ingat sa pag mamaneho sa kina Ate Trese." sabi ko at sinaluduhan si Crispin. Sumaludo palabik si Crispin, "Ingat ka din, Detective." sabi nya at kinindatan ako. Nakita iyon ni Basilio at saka binatukan si Crispin. "Bossing, oh!" sumbong ni Crispin kay ate Trese. "Para talaga kayong mga bata.." bulong ni Ate Trese pero rinig parin namin.

Pinaharurot na ni Basilio ang kotse nila paalis. Sakto namang may tumawag sa cellphone ko, galing iyon sa station. Pinapatawag ako ni Paps para tignan yung mga nawawalang bangkay sa simenteryo.

Habang tumatagal nasasanay na ako sa mga nangyayaring krimen, pero sino naman ang may gustong kumuha ng mga bangkay?

Dali dali akong sumakay ng jeep papunta sa simenteryo. Nakita ko roon si Sergeant Tapia na kinakausap si Paps, "Ano bang nangyari dito?" tanong ko. "Nawawala ang lahat ng mga bangkay dito," sabi ni Paps at tinignan ang mga lapida.

"Sino ba namang sira ulo ang kukuha ng mga yon?" tanong ni Sergeant Tapia at inayos ang pagkakasuot ng salamin. "Tatawagin na ba natin si Alexandra Trese, Cap?" tanong nya ulit ngunit umiling si Paps.

"Hindi naman ito ganoon ka big deal, baka utos ito ni Mayor" sabi ni Paps. "Kung utos ito ni Mayor.. Eh bakit mukang walang ideya ang mga tao kung bakit walang laman ang mga ito?" tanong ko sa kanila habang nakatingin sa mga tanod na tinitignan din ang mga walang laman na kabaong.

"Iyan na ang iiwan ko sayo, Detective. Kailangan na naming bumalik sa presinto, kung kailangan mo ng mga tauhan.. Tumawag ka lang kay Tapia" sabi ni Paps kaya tumango ako. Pagkaalis nila nagsimula na akong mag libot sa buong simenteryo.

"Kailan pa ho ito nangyari?" tanong ko sa tanod na malapit dito. "Naku, Detective... May nag report ho na walang laman ang mga kabaong kaya naparito agad kami" sagot nya. "So, kanina lang? May mga pumasok ho ba dito kagabi?" tanong ko pero umiling sya.

"Sarado ho ang simenteryo simula alasyete ng gabi, hindi ho kami nagpapapasok ng kahit sino dito kasi baka po may mag inuman lang o gusto magpalamig" sabi ni Kuyang tanod. Tumango ako at nagpasalamat.

Lahat nga ng mga kabaong ay wala ng laman, kung kanina lang ito ginawa mukhang hindi kakayanin kung mag isa lang..

Dumako ako sa gate ng simenteryo kung saan dumumog ang madaming tao at nagrereklamo sa mga nawala nilang mahal sa buhay na nasawi na. Mukha ngang walang kinalaman ang mayor dito.

"Na saan na yung lolo ko?"

"Bakit bigla na lang nawala yung mga naka burol?"

"Saan nyo dinala ang tita ko!?"

"Kasalanan nyo to'."

Yaan ang mga karaniwang tanong ng taong bayan sa nangyayari ngayon. Ang init ng ulo ng mga tao ay sumasabay sa tirik ng araw. Mukhang mahaba habang araw to' para sakin.

Americana // Reader x Basilio // FanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon