Lakad.Takbo.Lakad.Takbo. Ang ginawa ko para agad na makarating sa loob ng campus. Excited ako ngayong araw, isa ako sa mga candidate for muse kaya naman may practice kami for the upcoming intrams.
'yun lang ba talaga?'
"Yun lang ba talaga?" humalakhak ako sa sariling isip.
Of course, hindi lang talaga 'yun. Excited ako ngayong araw dahil na rin siguro ay makikita ko si Jaris.
Kailan kaya ulit mag papa-tour 'yon? At kukutsabahin ko ang pinsan niyang si Ryu. Malamang hindi na! Kabisado na nga yata niya ang buong Gerona e, sabagay hindi naman ganoon kalaki ang bayan. Napangiwi ako sa sariling isip.
Nakalimutan ko pang itanong sa kanya kung bakit si Ryu pa ang inanyayahan niyang tumulong sakanya in fact na sa Tarlac City pa nag-aaral 'yon. At in fact na meron naman si 'Yuna' the classmate na maaaring tumulong sakanya.
Teka nga...
At bakit ko ba 'yon sinasabi? I should be greatful! Dahil hindi si Yuna ang sinama niya bagkus ang pinsan niya pa ang tinawag. I was thinking, blood is really thicker than water. Hahaha.
Eya Aquilo: nakita mo na ba ung post ni Zamuel?
Yeah, people calling Ryu, as Zamuel. Taliwas sa akin. Nasanay na rin siguro ako.
I didn't bother to reply Eya's message sa halip sinearch ko ang fb account ni Ryu. He has a 100k almost followers.
Zamuel Ryu Nieves
8 hours ago..
I love my cousin.
Yun ang caption niya? "Kawirduhan ang puta," aniko, sapat na upang ako lamang ang tanging makarinig.
7k react: 1k comment : 17 share
I scroll down.
Hindi man lang pinost yung picture na kasama ako. Grabe ha! Tapos wala pang pa-thank you si Ryu sa akin dahil sa pagtulong ko na rin and worse he didn't even apologize to me for what he did - prank date.
Parehas na nakangiti ang magpinsan. Hawak ni Jaris ang tinidor, he is smiling but his eyes were cold. Nakadagdag pa ng apil ang suot niyang salamin samantalang abot hanggang tenga naman ang ngiti ni Ryu.
I stop mesmerizing the gorgeousness of Jaris and start reading some comments on the comsec. Curious ako sa mga nagcomment e.
Nearra Reyes: kung ang tagalog ng black ay itim, pwede bang akin na lang yung nakasalamin
She gained a lot of haha reacts and Ryu replied to her also.
Si Jaris lang naman ang nakasalamin! Type niya sa Jaris? Normal na lang siguro 'yon sa mga babae ngayon, maski naman ako I'm drooling over him. Fuck. But still, naiirita ako sa nag-comment na 'yon at sa iba pa. I should talk to Ryu and say limit his posting especially when Jaris includes. Mahirap na, hindi pa nga ako naca-crushback tapos marami na akong kaagaw. Kingina olats talaga ako kapag nagkataon.
Zamuel Ryu Nieves: @Nearra Reyes bata pa po iyan HAHAHAHA
Nag comment rin naman ako.
Hobe Guerrero: I love your cousin, too.
Saglit akong humagikhik. Nag-off na ako at saka madaling tinago sa bulsa ng palda ang aking phone.
"Hobe, you forgot to introduce your name."
Bakas ang irita ng senior high student na nagte-train sa amin. Pansin ko lang mula kanina ay sa akin siya parating tutok. She was predicting my mistakes all along.
BINABASA MO ANG
His White Umbrella
Teen FictionOf all, What Jaris dislikes the most are women chasing men. He sees it as a lack of self respect and desperation. Not until his mother instructed him to personally deliver a letter to a Guerrero's daughter. He tried to strengthen the walls he built...