Ako si Riu Alvarez. 16 years old. Fourth year high school.
May boyfriend ako, si Ken Chua.
Gwapo.
Matangkad.
Basketball player.
Mabait.
In short, nasa kanya na ang lahat.
Masaya kami.
Sweet sya.
Pero may times na nag aaway kami.
Kasi ganon naman talaga.
Minsan mabababaw na dahilan lang.
Minsan para kaming isip bata.
Pero ayos lang dahil bandang huli mag kasundong mag ka sundo kami.
Lagi nya akong sinusurprise.
May gift sya every monthsary namin.
Kaya lang.
Isang araw,
"Bakit nag cut ka kahapon?"
"Riu, wag ngayon."
"May exam tayo bukas ah!"
Nang gigigil ako. Umabsent sya kahapon ng hapon ng walang paalam. Pwede ba naman yun?
"Alam mo bang tinanong ako kahapon kung asan ka?At nakakahiya dahil girlfriend mo ako hindi ko alam kung asan lupalop ka!"
Hindi ko na mapigilan sumigaw kahit na nasa room kami. Wala akong pakelam.
"Bakit ganyan ka ba mag react? Riu wag ngayon. Pagod ako. Puyat ako"
Umalis sya nang hindi ako nililingon.
Naulit pa ang mga pangyayaring yon. Halos ilang araw hindi sya pumasok.
Pinupuntahan ko sya sa kanila ang sinasabi lang sakin ay pumapasok naman daw sya.
Naiinis na ako sa kanya.
Lalo sa sarili ko.
Dahil girlfriend ako pero hindi ko alam kung asan sya.
Hanggang isang araw, may nag sabi sakin na nasa computer shop sya.
"Kanina pa?"
"Halos araw-araw riu. Nag pupuyat sya dun. Kung minsan nauubos na pera nya kaka pusta"
"Ah. Sige salamat."
Nag madali akong pumunta nang shop. Yung malapit sa school namin.
At pag pasok ko. Nandun nga sya. Naka uniform. Kasama ang ibang students din ng school namin.
Nag init agad ang dugo ko. Nilapitan ko sya.
"Busy ka ah." Natigil naman ang ingay sa loob.
Tumayo agad sya pag kakita sakin. "Riu. A--anong ginagawa mo dito?"
"Sinusundo ka"
"Pero---"
"Pero nag lalaro ka? Ha? Araw-araw na diba? Putek naman ken! Ano ba ha? Alam mo bang galit na galit ako sa sarili ko dahil gf mo ako pero hindi ko alam kung nasan ka!"
Tiningnan ko lahat sila.
"Kayo!" Tinuro ko silang lahat.
"Hindi ba kayo nahihiya? Mga naka uniform kayo! Tapos laro kayo ng laro dito sa halip na mag aral!"