Nakarating na ang ilang ambulansya dito sa sementeryo para gamutin ang mga na aksidente kasama ako. Nakahiga ako at pinatong ang braso sa mga mata ko dahil sa pagod at init mula pa kanina, ni hindi pa nga rin ako kumakain.Binebendahan ang kanan kong paa dahil sa natamo nitong ankle sprain. So pano ako makakapag trabaho ng ayos nito? Ng makaramdam ng katahimikan umupo ako ng ayos, di ko na ata kaya... Kakain na ako. Bigla namang pumasok ang matanda kanina na tinulungan ko.
"Hija, pasensya na kung na sigawan kita. Alam ko namang di mo kasalanan ang mga nangyayari... Na dala lang ako ng emosyon ko kanina" sabi ng matanda at tumango ako.
"Bakit po ba kayo na andoon? Ang alam ko inakay kayo ng isa sa mga pulis palaalis." sabi ko. "Dun pa lang sa labas nagsisitakbuhan na ang mga tao, hindi ko kayang tumakbo gaya ng dati kaya pumunta ako sa puntod ng anak ko." sagot nya at pinipigilang umiyak. "Sabi ko, kung mamatay rin lang naman ako edi dun na sa mas malapit sa anak ko" dagdag nya at hinawakan ang kamay ko.
"Utang na loob ko sayo yung pagtulong mo sa akin kanina.. Wala akong maibibigay sayong pera pero sana matanggap mo ito.." sabi nya at ibinigay ang Tupperware na may lamang pagkain.
"Nako.. Hindi ko po ito matatanggihan, kanina pa ho kumukulo ang sikmura ko" sabi ko at nginitian sya. Binuksan ko ang Tupperware at kumain, nagpaalam na sya pagkatapos nun at dumating si Basilio na may dalang tubig.
"Commander, tubig! Woter uh.." sabi nya at inabot sakin ang tubig. Mataray kong kinuha ang tubig sa kanya, "Bakit ka naman nag sinungaling kanina? Pano kung nalaman yon ni Paps? Gusto mo maghanda na ako ng pang burol mo?" sabi ko sa kanya ay lumagok ng tubig. Naupo sya malapit sakin at tinignan akong uminom ng tubig.
"Alam ko namang gusto mo din ako, bagay tayo ako na nagsasabi" sabi nya. "Ang kapal mo naman" sagot ko pagkatapos uminom. Napakunot ang noo nya, tinitignan nya ako ng ilang segundo saka nagnakaw na naman ng halik sa labi.
"Kung di mo ako gusto hindi mo ako hahayaang halikan ka ng pa ganon-ganon lang. Hilo ka ba, Commander?" sabi nya. Natulala akong bigla sa ginawa nya. He always caught me off guard.
"Seryoso naman kasi ako sayo, pagbigyan mo na ako. Kahit ano gagawin ko" dagdag nya. Kitang kita mo ang determinasyon sa mga mata nya.
"Kahit anak ka pa ng Diyos di ko kayang gawin yon, diba may hangin ka na?" sambit ko at lihim na napangiti dahil natahimik sya. Akala ko ititikom na nya ang bibig nya pero nag ka mali ako. "Hindi ko nga yun gusto! Ikaw nga kasi, ano bang gusto mong gawin ko para maniwala ka?" sagot nya.
Napaisip ako, "Kung talaga.. Humarap ka sa Paps ko" sabi ko. Alam kong may konting takot ito kay Paps dahil na pagsabihan sya nito noong una nyang Punta sa bahay namin. Rinig ko ang usapan nila lalo na nung wala naman pala syang dalang pandesal na paborito ni Paps tuwing agahan.
"Madali lang yan, sus!" sabi nya. "Sige tignan natin" sambit ko. Sakto namang dumating si Paps at pumasok sa loob ng ambulansya, napatayo si Basilio at nanatiling matatag.
Ngumiti si Paps ng makita ako pero biglang nawala iyon ng mapansing nakatayo si Basilio. "Bakit ka ganyan, Basilio?" tanong ni Paps. He's hesitant! Di nya mabuka ang bibig nya!
"Nako paps—" naputol ang pagsasalita ko ng sumabat si Basilio. "Pwede ko bang iuwi si Commander sa bahay namin?" sabi nya kaya Napa awang ang bibig ko. Di ko alam na ganoon ang sasabihin nya, masyadong ma tradisyon si Paps kaya kapag sa mga bagay na ganito.. gusto nya gaya ng sa dating gawi.
Gaya na lang ng panliligaw! Kailangang wala munang mangyayari bago ikasal, ganoon ka strikto si Paps sa mga nanliligaw sakin kaya lahat sila ay umayaw.
BINABASA MO ANG
Americana // Reader x Basilio // Fanfiction
Fiksi PenggemarReader x Basilio [Tagalog] 16+ (currently on hold) It starts with Alexandra Trese who works with Detective Guerrero, a supernatural investigator and daughter of Captain Beau Guerrero. She's not a babaylan by blood but she's interested with those th...