IVAN's Point of view --
"Kung may pagkukulang, sabihin mo. Hindi yung nambababae ka! Hoy! Lingunin mo ako Troy Ivan Hernandez! Wag kang duwag!" Narinig kong sigaw ng babae sa kalayuan
It's her, Zhane Gabriel
Binigyan ko siya ng blank expression. Siya ang pinakatagal na naging babae ko. Hindi pa ba sapat 'yon? Mistulang isinusuko na niya sa'kin ang bataan. Pero hindi ako pumayag. Ang dapat sakanya sineseryoso. She has a brain, beauty and strong personality. Interesting, kaya sumuko na'ko. May posibilidad na ---
Napahawak ako sa puhunan ko, sakto ang pagkabato niya ng sapatos sa mismong mukha ko. Sh*t! She's crazy.
"TITITIGAN MO NALANG BA AKONG KURIMAW KA? HAYOP KA! SIGE NA PLEASE, WAG NG MAINIS! BUMALIK KA NA SAKIN. OHOWOWO!" Sintunadong boses siyang kumanta. Seriously, ako mismo ang nahihiya sa pinaggagawa niya.
Nilagpasan ko siya ng makalapit siya. Masyado na niyang pinapahiya sarili niya. Nakaramdam ako ng malamig na kamay na humawak sa'kin.
"Stop acting like my girlfriend. Who are you, anyway?" Walang ekspresyong binaling ko sakanya, nagbabakasakaling hindi mahalata ang pekeng inakto ko.
Ito na lang siguro ang tanging paraan para hindi magpakatanga sa katulad ko. Natuto ako sakanya, nakakainis siya pero nakakainlove ang pagka-childish at the same time, ipinakilala niya sa akin ang love. Pero.. ayoko na ulit masaktan, maiwan.
"A-ang sama mo!" Tumakbo siyang umiiyak pero wala akong magawa, tila napako ako sa kinatatayuan. Hinahayaan ko lang masaktan ang taong mahal ko.
Pero.. ayokong masangkot siya sa ginagawa ko. Galing ako sa isang elite family at napakasikat na Mafia Group pero pilit nila akong itinatago sa pangalang Black Tiger dahil akong ang Big Boss ng lahat, ang kinatatakutan.
Hindi niya pwedeng malaman, kamumuhian niya ako. Naalala ko ng sinabi niyang ayaw niya sa gangsters, mafia dahil yun ang pumatay sa fraternal twin brother niya.
Naglalakad ako habang nakapasok ang aking kamay sa bulsa ng pantalon ko.
Nakikita ko sa mga mata ng mga babae ang kilig nila, pero ibang klase 'tong si Zhane, siya ang nanligaw sa akin. Natawa ako ng maalala ko 'yun, ang sabi pa niya, wala daw sa Saligang batas na bawal manligaw ang mga babae. Kaya sinagot ko siya sa pagka-aliw sakanya, mistulang hinarana ako, kahit nakakairita yung boses niya.
Siya pa nagset ng wallpaper sa phone ko, yun ay ang picture niyang sobrang saya habang ako badtrip na badtrip sa picture na yon. Hanggang ngayon di ko pa din binabago.
"Walang hiya talaga yung Troy Ivan Hernandez na 'yon! Isinusumpa kong mababaog 'yon! Sinaktan niya ang bestfriend ko!"
Sinalubong ako ng bestfriend ni Zhane, si Bea, itinutok niya sa akin ang tinidor na handang ipangsaksak sakin
Kasunod niya si Zhane, magang maga ang mata niya kakaiyak.
Bago pa niya maitusok sa akin ang tinidor, agad siyang sinabunutan ng fangirls ko. Oo, may fangirls ako, pinagkaabalahan pa nilang gumawa ng grupo.
"Gusto ko ng tang na new! Ibubudbod ko sa inyong mga so-called fangirls na walang betlog na si Troy, para matanggal yang kakatihan niyo! Oy teka! Masakit! Isa isa lang!" Nagwawalang sambit ni Bea
Nakita kong sinampal ng isang babae si Zhane.
"Stop messing up with them!" Mahigpit kong hinawakan ang braso ng babaeng sumampal kay Zhane
Hindi mapigilan ang pagkunot ng noo sa galit ko. Don't you dare touch or hurt my girl.
Pero ikaw na mismo ang nanakit sakanya Troy, mas masakit pa sa sampal na yan.