CHAPTER 6
RAIN THAT MAKES THE CLOUDS MADHabang pauwi sa bahay nina Cloud, yes, that's where they're gonna head to, ay papadilim nang papadilim ang paligid.
No, not because it's almost nighttime, in fact, it's not even lunch time! But because the sky is getting darker and darker. It looks like a heavy rain is on its way, ready to pour.
Masyasong nakikisabay ang panahon sa mga nararamdaman nila, ah?
Cloud who's mad, and Sky who's almost on his peak of crying. Parang kalangitan lang ngayon na nagbabadyang magparamdam ng kulog at kidlat. At mga ulap na handa nang magbuhos ng malakas na ulan. Baliktad nga lang dahil si Cloud ang galit at si Sky naman.. si Sky na tahimik lang. Ni hindi nga matignan ni Sky si Cloud dahil alam n'yang hanggang sa oras na 'to ay galit s'ya.
Halatang-halata dahil kung madalas ay magkatabi sila sa loob ng trike, today's different. Sa backride kasi sumakay si Cloud kaya mag-isa lang si Sky sa loob. Balot na balot pa ang tricycle kaya naman hindi rin makita ni Sky kung ano nang reaksyon ang meron si Cloud.
Nagpabuntong-hininga s'ya. Mukhang sa araw na 'to ay wala s'yang ibang magawa kundi ang bumuntong-hininga nalang ng bumuntong-hininga ah?
Sa araw kasi talagang 'to ay talo s'ya. At sa araw talagang 'to ay wala s'yang magagawa kundi ang umintindi nalang.
Takhang tumingin si Sky sa nag d-drive ng tricycle nang bigla itong huminto. Agad namang lunabas si Sky para tanungin kung anong meron dito at kita n'yang hiyang-hiya ang driver.
"Kuya bakit? Anong problema?"
"Pasensya na kayo mga bata.. hindi ko mapansin na wala na palang gas 'tong motor ko e'." ani'to kaya naman mahinang naglabas ng buntong-hininga si Sky bago tumingin sa paligid nito, "Malayo pa ba kayo sa pupuntahan ninyo? Pasensya na talaga kayo. Wag nalang kayong magbayad para kahit papano, hindi ko na kayo maabala."
"Ayos lang manong." napatingin si Sky kay Cloud nang marinig n'ya itong magsalita, "Ito ho oh. Sobra pa po yan kung ikwe-kwenta n'yo dito sa naihatid n'yo sa amin. Ipang-gas n'yo po para hindi na nabibitin yang motor ninyo."
"Nako salamat, bata.." hiyang ani ng mama bago kuhanin ang parang inaabot ni Cloud. Tumango lang naman si Cloud sakanya bago nagsimulang maglakad.
Bumuntong-hininga si Sky habang tinitignan ang likuran ni Cloud. Halata ngang galit ito dahil hindi n'ya man lang inantay si Sky.
Muling tinignan ni Sky ang paligid at tumango nalang ng makitang kahit papano ay ikalawang street na 'to sa subdivision nina Cloud. Nasa ikatlong street lang naman ang bahay nina Cloud kaya malapit lang ang lalakarin nilang dalawa.
"Psst, bata.." nabaling ang tingin ni Sky sa mama nang muli n'ya itong tawagin, "Kayo ba noong lalaking gwapo na iyon e magkasintahan?"
Literal na lumaki ang mga mata ni Sky sa narinig, "Po?!"
"Nako e', kung kayo talaga, 'wag mo nang ika-ila pa sa akin. Ayos lang naman sa akin ang mga ganon," ani'to kaya napa-iwas ng tingin si Sky. Yan kasi ang dahilan nilang dalawa kung bakit magka-away sila ngayon, "Normal na lang iyang mga ganyan, at sanay na ako. Madalas kong ihatid yung dalawang kagaya ninyo sa kabilang baryo. Silang dalawa din e magkasintahan at parehong lalaki."
"Talaga po?" tanong ni Sky, "Ayos lang sainyo na.. nakikita n'yo yung mga ganoong klase ng relasyon?"
"Oo naman at wala naman kasing masama doon. Normal lang na mag-mahal ang isang tao at kahit pa na pareho kayo ng kasarian e wala naman 'yong kaso." ani'to kaya naman mas napa-iwas ng tingin si Sky. Parang sa paraan kasi na 'to ay pinapamukha sakanyang talagang sa pagkakataong 'to, ay s'ya ang mali at s'ya ang may kasalanan, "Kayo bang dalawa e magkagalit?"
BINABASA MO ANG
What Lies Above The Skies | COMPLETED
أدب المراهقينMost of the stories, there's always a villain. An evil, story wrecker. Cloud and Sky's relationship however doesn't follow this rule. Their story has no villain, nor something that can wreck them apart. They don't follow a certain rule, but bounds...