Chapter 14

135 3 0
                                    

Chapter 14

Friends.

••••••••••••••••••••••••••••••

Naglanding na ang private jet sa malawak na damuhan ng isang resort. Pagkababa ko ay nilahad ni Brayden ang kamay nya sakin para alalayan ako. Tinugon ko rin iyon para maayos na makababa. Hawak nya pa rin ang bag ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Nahagilap ko ang malaking resort sa kaliwa. Natatanaw ko rin ang white sand beach. Ang ganda ng asul na kulay ng tubig. Matagal na rin mula nang makakita ako ng dagat. Huling swimming ko ay sa Baler noong umuwi ako sa Aurora noong nakaraang taon. Nakakaexcite tuloy maligo.

Nagtungo sila Travis at Jarred sa may resort. Sumunod nalang kami. Si David at Reinee ay magkasabay na naglalakad. Sa likod nila si Lauryn at Trix. Sabay ding naglalakad si Tanya at Flint. Ako nalang ang naiwan kasama si Brayden. As usual sabay kaming maglalakad. Hawak ni Brayden ang bag ko at ang backpack nya.

"Taga saan ka pala?" sabi ni Brayden sakin

Kumunot ang noo ko. "Sa Frisco. Dba hinatid mo ko dun?"

Okay Marionne, don't be too harsh. Remember that he si Brayden Matthew Monteverde. The only successor of Monteverde regime.

"No, I mean province." tanong nya.

"Aurora." maikling sabi ko.

Hindi ko alam kung may nasabi ba akong masama. Pero bigla syang natigilan. Ayan na nga ba Marionne eh! Gaga ka talaga eh!

Narinig kong tinawag ako ni Tanya dahil nakalayo na sila samin at malapit na sa naturang resort. Tumango ako kay Tanya at binilisan ang lakad. Naiwan tuloy si Brayden.

Nang makapasok na kami lahat sa front office ay bumati lahat ng officers roon. Kinuha ng mga bell boy ang mga bagahe namin.

"Sir Jarred, kayo po pala yan." bati nung G.R.O (Guest Receiving Officer) na babae kay Jarred. Nakapony ang buhok nito at may kolorete sa mukha.

Narinig kong humagalpak si Travis sa gilid. "Hi Jewel!" sabi nya roon sa isang front officer sa front desk. Hindi makatingin nang maayos iyong babaeng napusod ang buhok na medyo brown, morena sya gaya ko.

Wag nyong sabihing ito yung umiyak at lumuhod sa harap ni Brayden?

"Hello po Sir Travis." sabi nya at nagpalinga-linga saming lahat. Parang may hinahanap. Siguro ay si Brayden.

Pagpasok ni Brayden ay nakita kong namula ang mukha nung Jewel. Napayuko lang sya at hindi makatingin ng diretso. Humagalpak nanaman sa tawa si Travis.

"Rein, ilang suite sainyo?" tanong ni Jarred.

"Isa nalang. If ever, I want Tanya and Marionne be with us." sabi nya lang.

What? Be with them? Ako at si Tanya kasama si Reinee and her gang?

"Kung pupwede lang naman" sabay ngiti nya sakin.

Whoa! Nakakapanibago 'to ah.

"Ahmm. Okay lang naman sakin as long as okay kay Tan" sabi ko at hinawi ang buhok ko at ibinaba ang aviators.

"Oo naman! Let's have girl bonding tutal lima lang tayong mga babae" sabi ni Tanya at ngumiti. Saglit syang tumingin sa nakakunot noong si Flint. Binulungan nya si Flint at biglang umaliwalas naman ang mukha nito.

"Jarred, one suite for me" sabi ni Flint.

Tumango naman sakanya si Jarred.

"Ikaw Bray? David? Magsosolo ba kayo?" tanong ulit ni Jarred.

Perfectly In Love (NZ1 -Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon