LEE'S POV.
Nalaglag ako sa kinauupuan ko nung narinig ko yung sinabi ni Papa.
Sht ano nanaman ba tong pinasok ko?! ToT
Inilalayan ako ni Dominique para maka-upo ulit ako sa sofa.
"E-e hehe. Papa, hindi ba masyado pa kaming bata para ikasal? Tutal paninindigan ni Dominique yung anak namin." Sabi ko tsaka pinanlakihan ng mata.
"A-ah. Hehe oo nga po tito at tita ba--"
"Mama at Papa." Pagcocorrect ni Mama.
"Hehe. Oo nga po M-m-mama at P-p-papa. Masyado pa po kaming bata. Tsaka papanindigan ko naman po si Lee eh." Pilit na sabi ni Dominique.
"O-oha? S-sabi ko sa inyo papanindigan niya ko e." Sabi ko tsaka nandidiring hinawakan yung kamay ni Dominique.
Nagkatinginan lang si Mama at Papa.
"Hm. Masyado pa nga kayong bata, pero sana inisip niyo yan habang gumagawa kayo ng kababalaghan diba?" Seryosong sabi ni Papa sabay tingin samin ni Dominique.
"S-sorry p-po." Sabay na sabi namin.
"Okay, we need to go." Sabi ni mama.
"Lahat ng gastusin ninyong dalawa kami na amg bahala don. Pagkain, kuryente lahat." Sabi ni papa at tumingin kay Dominique.
"At ikaw. Hindi pa tayo tapos." Huling sabi ni papa at lumabas na.
Pagka-alis na pagka-alis pa lang nila, sinuntok agad ni Dominique yung pader.
Hindi ko namamalayan tumutulo na pala yung luha ko. Lumapit ako sa kanya tsaka hinawakan yung kamay ko.
"S-sorry." Umiiyak na sabi ko. Tumingin lang siya sakin tsaka ko niyakap.
"Shhh. Wag kang magsorry wala kang kasalanan. Malalampasan rin natin to. Tiwala lang." Sabi niya habang hinihimas yung likod ko.
"Feeling ko simula nung dumating ako naging miserable na yung buhay mo." Sabi ko sa kanya habang pinipilit na di umiyak.
"Ano ba Lee. Dati pa lang miserable na yung buhay ko." Sabi niya tsaka ko tinignan sa mata.
"Pero nung dumating ka lalong naging miserable." Naiyak naman ako sa sinabi niya.
"HAHAHA, Joke lang." sabi niya tsaka ginulo yung buhok ko.
"PUTANGINA DOMINIQUE! BUKSAN MO TO!" nagulat kami sa malakas na pagkalampag ng pinto.
"Wag kang lalabas." sabi ni Dominique sakin at tsaka binuksan yung pinto.
Naka-upo lang ako sa sala nang may biglang anim na lalaking pumasok kasunod ni Dominique, Halos lumluwa yung mata ko nung nakita ko si Kris, si Jerome, si kuyang oranged hair na naka-tira sa kabilang unit, at yung tanginang nambato sakin ng sapatos at si...
Ryu.
"HI CLASSMATE!" masiglang bati ni Jerome sakin.
"A-ano. H-hi, hehe. Tagalinis lang ako dito." sabi ko at akmang lalabas na pero nahawakan ako ni Dominique,
"Siya si Lee. GIRLFRIEND ko." at talagang pinagdiinan pa yung girlfriend ha?
Napatingin ako kay Ryu na kasalukuyang naka-smirk. Ts, tangina mo Ryu.
BINABASA MO ANG
Daddy na ko?!
MizahAko si Lee Hyun, babaeng nabuntis at tinakbuhan ng nakabuntis sakin. at sa kasagsagan ng pagluluksa ko, nakilala ko siya. Si Dominique Vargas ang lalaking umako ng responsibilidad sa anak ko at ang lalaking.. nagpatibok ulit ng puso ko.