Chapter 34

3.6K 59 15
                                    


Ella's PoV

Inirapan ko ang lalaking kanina pa nanggugulo dito sa kwarto ng anak-anakan nila Raineer at Chacha.
  
Naku yung dalawang yun nagka-instant baby ng wala sa oras.
   
"Hahahahaha..."  tawa nong bata.
    
Tinabig ko ang kamay ni Cejay na kanina pa nangangalabit at ewan ko ba kung anong gustong ipakita sa akin bakit tawa ng tawa yung bata sa kanya.
    
"Pst. Pst. Ella-B..."  pangungulit niya pero hindi ko siya pinapansin dahil busy ako sa pag-iscan dito sa FB acct. ko at halos lahat ay puro tungkol kay Jam Sebastian ang nababasa ko.
  
Naaawa ako para sa Fiancee niyang si Mich Leggayu but at the same time I'm proud of her dahil sa pinapakita niya. Nagpapakatatag siya hindi lang para sa kanya kundi para sa lahat ng taong nakapaligid sa kanya.
   
Syempre sobrang sakit ng nangyari pero kinakaya niya.
    
Hangang-hanga nga ako sa kanya e.

" Paano kung ako ang namatay, iiyak ka ba?"
   
Naningkit ang mga mata ko sa tanong  ni Cejay. Nakaupo na pala siya sa tabi ko.
 
Tinignan ko siya, seryoso at naghihintay ng sagot ko.
   
"Tss. Bat' naman kita iiyakan, boyfriend ba kita? Boyfriend kita huh?? Lumayas ka nga dito."
   
"Ouch! Ang hard mo talaga Ella. Soon... sinasabi ko sayo sasagutin mo rin ako."
   
Inirapan ko siya saka sinagot.
   
"Yuck!! Ang kapal ng mukha mo... Never kitang sasagutin noh and never kitang magugustuhan! Hindi ko tipo ang mga katulad mong mafefeeling at mahangin."
   
"Boom! Hahah--- ack.. ack.."
    
Napatingin kaming tatlo sa may pintuan at nakita kong kakapasok lang nong dalawa na feeling high school lang.

"Wag mo ng tawanan..." bulong ni Charlene kay Raineer pero rinig naman namin.
  
"Why? pfffft. Its laughable babygirl. Look at them, para silang mga aso't-pusa ngayon but in the future magiging sila din niyan, lalamunin ni Ella lahat ng sinasabi niya. I'm sure of that babygirl."
   
Out of the blue bigla nalang akong nakaramdam ng kakaiba na parang may butterflies in the stomach nalang ako at nag-init ang mukha ko, blushing perhaps.
   
Huminga ako ng malalim saka tumayo at lumabas ng room.
   
Kailangan ko kasing huminga ng maayos. Parang bigla akong nasuffocate sa loob e.
   
Minaigi ko nalang na magpunta ng parking lot at dito magpahangin, sumandal ako sa trunk ng kotse ko saka nagsindi ng isang stick ng sigarilyo.
   
Minsan lang ako magsigarilyo kapag ganitong naistress ako.
     
"Ehem..." 
    
Nilingon ko ang lalaking tumabi sa akin saka kinuha sa kamay ko ang sigarilyo. Humithit siya ng dalawang beses, akala ko ibabalik na niya pero hindi pa pala.
    
"Bat' kasi pinapahirapan mo pa sarili mo Elle?" Tanong nito.
   
Hindi ako sumagot at pilit kong inaagaw ang stick sa kanya pero nilalayo niya sa akin.
   
"Amin na yan Rener. Ano yan hindi ka makabili ng sarili mong sigarilyo? Ang yaman yaman mong tao!"
   
Naiinis na sabi ko sa kanya at nagcross arms ako.
     
Hindi siya nagsalita at bigla nalang niyang tinapon kung saan ang upos ng sigarilyo ko. Langyang 'to!
    
"Hihintayin mo pa bang mapunta siya sa iba saka ka aamin?"
     
"I don't care at hindi ko gagawin yang sinasabi mo dahil magmumukha lang akong desperada sa paningin ng ibang tao."
  
Naiinis na sagot ko sa kanya. Wala kong pakialam kung mapunta siya sa iba. Edi kung yun ang gusto niya bahala siya. Marami namang iba diyan!
    
"Iisipin mo pa ba ang sasabihin ng ibang tao kesa sa nararamdaman mo sa taong mahal mo?"
    
"Pwede bang tumigil ka na Rener?? Ang hirap kasi sa inyong mga lalaki nagbubulag-bulagan kayo sa katotohanan. Naiinis ako Rain! Naiinis ako sa kanya at naiinis ako sa sarili ko... gulong-gulo na utak ko at hindi ko alam ang gagawin ko kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi, na buntis ako at siya ang ama ng dinadala ko!!"
   
I burst out dahil hindi ko na kinaya ang matagal ko ng kinikimkim at sinasariling problema!
   
"...Buntis ako Rain!! *sniff"
   
He just hugged me and let me cry in his shoulder. Ilang minuto din kaming nakaganun!
   
All this time na nananahimik ako ay dahil dito. I have no one na mapagsabihan, ayoko namang guluhin si Rain dahil may sarili din siyang problema at ngayon ay okay na sila ni Cha.
    
"Ilang buwan na ba yan? Did you went to OB-gyne?"
   
Pinunasan ko ang luha ko saka tumango.
    
"Yes. Kanina lang bago ko puntahan si Israel sa room niya. I'm on my first trimester."
   
"Did the doctor gave you vitamins?"
   
"Yes doc. Don't worry nakainom na din ako kanina! Kaw kasi kung hindi ka lang sana busy sa'yo na ko nagpacheck-up e."
  
"Silly. You can consult to me anytime naman. By the way, who is your physician?"
   
"Si Dra. Chinie."
   
"Good. I thought the other one, walang masyadong alam yun e. Chinie is my friend. Don't worry sasabihin ko sa kanya na bestfriend kita so that she can give you a discount."
   
Napalo ko siya ng wala sa oras saka napatawa sa sinabi niya.
  
"Discount? Masyado na ba akong mahirap para sa discount huh?"
   
"Pffft. It's not only for the poor, Elle. Haha."
    
Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. Kainis tong taong to, tawanan ba naman ako!
   
"K. Fine." Sagot ko.

Im Inlove With My Sister's HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon