Minsan.

13 0 0
                                    


Ang hirap mo talagang basahin...

Minsan close tayo minsan ang suplado mo.

Madalas maingay ka pero minsan tahimik. Yung tipong walang pakialam sa mga taong nakapaligd sayo.

Minsan feeling ko gusto mo ko, yung tipong sobrang sweet mo sakin, yung lagi mo kong binubully tapos lalambingin kapag napikon ako. Pero minsan.... Parang hangin lang ako sayo.

May mga pagkakataon naman na sobrang madikit ka sakin. Yung tipong sinasamahan mo ko kahit saan, na kapag nakita mo kong nakatambay sa bleachers pauusugin mo pa yung katabi ko para tumabi sakin.

Nakakakilig diba?

Pero may mga araw din na parang sobrang ilap mo sakin, yung halos di kita malapitan kase nahihiya ako na ako yung unang mag-approach.

Alam mo naman yun diba.. Palagi kong sinasabi sayo Ayoko ng ako yung unang mamansin. Baka ma-snob lang ako e.

Pero minsan sinagot mo ko ng " Malay mo yung taong hinihintay mong pansinin ka e hinihintay lang din na pansinin mo sya"

Although may point ka, awkward pa din para sakin na ako ang unang mamansin.

Minsan.... Hindi talaga kita maintindihan. Nakakaasar ka.

Alam mo ba kung gaano ako nahihirapan na basahin at hulaan lahat ng mga kilos na ipinapakita mo sakin?

Malamang... Hindi.

--------------------------

The Author's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon