- E P I L O G U E -
Dos
"Dos, I need your help. I need you to save me from my career. Please... please, just this once."
Sari pleaded as the girl group she belongs came to the brink of the end of their career. Sa una, hindi ko naman talaga alam kung anong klaseng tulong ang kailangan niya. For the past 5 years, Revive has been a top boyband in the country. We are all pleased that our music reached the world. Aside from that, we are certainly confident that our music has been able to reach million of people's hearts, ears and minds. Masaya na nagbunga ang lahat ng sakit at ng hirap. Pero mas masaya sana kung si Gwen mismo ang nakakarinig ng musikang ginagawa ko. I've been wondering if she's been listening to my songs for the past 5 years. I haven't heard anything about her. Isa pa, ito rin naman ang ginusto ko. Pinakawalan ko siya para magamot namin ang isa't isa.
I set her free without asking for forgiveness. I don't deserve that. Kaya sana, kung nasaan man siya ngayon, I am hoping that she is fine and smiling once again. Iniisip ko pa rin siya. Hanggang ngayon, siya pa rin naman talaga ang laman ng puso't isipan ko. At kahit kailan, hindi iyon magbabago.
"Ito nalang ang naiisip kong paraan. Since your group cannot be saved at napag-usapan na rin ang disbandment, months from now, we will be announcing the start of your solo career. Pero para masiguro nating makukuha mo ang puso ng mga tao, kailangan namin ang tulong mo Dos." Sambit ni Jackson habang kausap niya kaming dalawa ni Sari.
"Tulong? Paanong tulong?" Takang tanong ko.
"Palabasin natin na nasa isang official relationship kayo ni Sari. In that way, matutulungan ng mga fans mo ang pag-angat ng career niya. Let's pretend that you and Sari are in love with each other."
It's a strategic suggestion. Wala namang kaso sa akin dahil pagpapanggap lang naman iyon. Isa pa, konting tulong lang ito para kay Sari. Kung tutuusin, wala pa ito sa lahat ng naitulong niya sa akin. Wala namang problema kung papayag ako... pero iniisip ko kasi si Gwen. Ayaw kong isipin niya na nakahanap na ako ng iba. I know it's been five years but I want to secure the fact that no matter what happen, siya lang ang babaeng mamahalin ko. I know I don't deserve it, but I still want her back to my life. Nangako ako sa sarili ko. Nangako ako na sa oras na nagamot namin ang isa't isa, babawiin ko siya at hindi ko na siya pakakawalan ulit.
"Dos, it's fine. Hindi mo kailangang pwersahin ang sarili mo. I don't want to make it complicated between you and Gwen. There must be other way." Sari told me.
"Hindi Sari. Okay lang." I told her. "Sige Jackson. Gawin natin ito."
And that agreement started everything. News sparked that time that Sari and I are officially in a relationship. After that, Sari has her solo debut. I maintained it that way at nakita ko rin naman kasi kung paano nag-grow as a solo artist si Sari. When we are on-cam, we tend to be sweet, we have to show that we are really in love. Pero pagkatapos no'n, naglalaho ang lahat na parang isang kisapmata. Bumabalik kami sa kung sino ba talaga kaming dalawa at iyon ay bilang matalik na magkaibigan. Sari has a boyfriend and I still love the woman in my heart and that is Gwen.
Lumipas lang nang ganoon ang mga sumunod na araw, buwan at taon. Sa tuwing may mall shows kami, concert o meet and greet, umaasa ako na baka sakaling makita ko sa 'di-kalayuan si Gwen. Umaasa ako na nakikinig siya sa mga awitin namin, pinapanood niya kami sa TV o kung minsan, iniisip ko kung naiisip rin ba niya ako. May iba na ba siyang mahal? Kumusta na kaya siya? And questions will remain as questions if I didn't seek for answers.
BINABASA MO ANG
A Music In My Heart (VA Series 3)
Teen FictionVESTIBULUM ARCU SERIES no. 3 Gwen Cortez, a beautiful, fierce and talented college student stopped believing in the power of love after her heartbreak with the person whom she admires the most, Liam Bautista. After their friendship encountered a ver...