Jhinalyn’s POV
“Uhm... Jhinalyn, alam kong memoryado mo ang numero ni Papa DJ kaya wag mong sabihing hindi mo alam. Kunin ko nga ang number niya dali.” Parang hindi mapakaling sambit niya. Nagtaka naman ako sa inasta niya ngunit hindi na ako nakiusisa pa. Basta binigay ko na lang yung number sa station ni Papa DJ. Nababakla na naman siguro.
Ano kayang nangyari don? Wag niyang sabihin sa aking siya yung sinasabi nitong caller na ito? And my own thoughts hit me. Siya kaya yun? Pero imposible naman atang mangyari yon. Napakaimposible talaga. Pero paano kung si En-jhay nga yun? Bakit parang may kumirot sa puso ko sa naisip kong iyon. Ay magtigil ka Jhinalyn!! Magtigil ka! Hindi siya iyon. Hindi si Baks mo iyon. At eh ano naman kung siya nga? May magagawa ka ba? Kung makapagreklamo ka diyan akala mo naman GIRLFRIEND ka!! Eh kaibigan nga lang ang turing sa iyo nun. Baka peste pa nga eh. Kung ituring niya ako ay parang isa akong malaking problema para sa kanya, at masakit iyon para sa akin.
Pagkaabot ko ng phone ko sa kanya ay kinuha niya agad ito at nang matapos siya ay inabot na niya sa akin ang phone ko at dali-daling lumabas ng kwarto namin. Parang hindi maganda ang kutob ko ah. Kinakabahan ako na ewan. Hindi ko maintindihan yung feeling.
Haist!! Wag mo na nga siyang problemahin Jhinalyn. Mas may problema pa yung caller sayo. Eh paano kung si En-jhay nga yung sinasabi ng caller?? EH ANO NAMAN NGAYON?? ANO NAMAN KUNG SIYA NGA???? ANO NAMAN?!!! Bakit, sino ba siya para isipin mo nang ganyan? Eh siya lang naman yung baklang laging nang-iinis sa iyo. At hinding-hindi makokompleto ang araw niya ng hindi man lang ako tinatawag na tomboy! Isa lang siyang peste jhinalyn! Isang peste sa buhay! Isang peste na masarap tirisin at ipakain sa mga pating.
Magtetext na lang ako kay Papa DJ para mawala ang inis ko. Badtrip!
Habang nagcocompose ako ng message ay biglang pumasok si En-jhay ng may ngiti sa labi. Pinagmasdan ko siya ng matagal. Anong meron dito sa taong ito? Parang kanina lang......... aish!!! Pakealam ko ba?? Wapake! Wapake! Sinabi ng wapake eh.. ang kulit niyo.
Bumalik siya sa pagkakaupo sa may kama ko at nakangiti na parang aso na nakatingin sa akin at sa radyo habang tumutugtog ang kantang 6 Months, 8 Days, 12 Hours. Tinaasan ko siya ng kilay subalit mas lalo lang lumaki ang mga ngiti niya.
Hindi ko na siya tinignan pang muli at nakatutok na lang ako sa pagpapayo. Pero naaalibadbaran talaga ako sa ngiti niya. Grrrrrr.
Pagkapos kong isend ang payo ko ay tumingin ulit ako sa kanya. Tinignan ko yung radyo na kanina niya pang tinititigan at napakunot naman ang noo ko. Anong nakakatawa sa kanta? Anong nakakatawa sa kanta, eh iniwan na nga siya ng taong mahal niya. At mas lalo akong nagulat nang mas lalo siyang ngumiti parang ganito oh ^___________________________________^ ng tumugtug ang kantang one last cry. May sira na tuktok nito. Tsk! Tsk! Tsk! Tsk! Tsk!
Nawala ang atensyon ko sa kanya ng biglang magsalita na si Papa DJ. Buti naman hihihi... maririnig ko na ulit ang boses niya. Pero mas naeexcite pa ata tong kasama ko.
Ayan na! Ayan na!!! Excited na excited na sigaw ni En-jhay. Atat na atat teh? Kala mo naman kung....... Kala mo naman kung ano?? Kala mo naman kung ano Jhinalyn? Kala mo naman kung.... teka nga! Teka nga! Nakakahalata na ako ah. Kanina ko pa kinakausap ang sarili ko. My Goodness. Nahihibang na ata ako.. Diyos ko naman Lord, wag naman po sana.
BINABASA MO ANG
So this is how it feel (Completed)
ЮморThis story is about a girl na sinaktan at pinaiyak ng kanyang mahal-- her boyfriend. Sobra siyang nasaktan to the point na gusto niya siyang kalimutan at iparamdam din sa lalakeng nang-iwan sa kanya na masakit pala. Gusto niyang iparamdam sa lalake...