Cʜᴀᴘᴛᴇʀ ᴛᴡᴇʟᴠᴇ

6 1 0
                                    

"Binalaan na kita nuon Kristine. Ang sabi ko kapag hindi kapa magbabayad sa akin nang upa mo ay malalaman mo talaga."



Sabi nang landlady nang bahay na inuupahan ko o kilala niyo bilang si Prof. G. Kilala ko na si Prof. G. simula pa nuong first year college ako dahil sa kaniya ako umuupa nang tinitirhan kong bahay. Nuong tumungtong ako nang college ay lumipat ako nang bahay para hindi mahirap bumayahe araw-araw mula sa dati kong bahay.



Malayo ang dating bahay ko sa Alfonso University kaya kailangan kong lumipat nang tinitirhan para hindi hassle kung bumyahe. Tinulungan din ako nang mga tita ko para makahanap nang bagong tinitirhan at nangako din sila na tutulungan nila ako para sa aking pang upa at pang-tustos sa pag-aaral ko.



Pero hindi sila nakakapag-padala nang pera ngayon buwan at nuong nakaraan buwan dahil alam ko naman na may mga sarili itong pamilya na kailangan buhayin. Kaya minsan naghahanap nalang ako nang bagay o trabaho na mapagkiki-taan nang pera pero wala talaga ako mahanap itong nagdaan na mga buwan kaya ang mga naipon ko nalang muna ang ginagastos ko sa araw-araw.



"Dalawang buwan ka naring hindi nagbabayad sa akin at sa mga susunod na linggo ay magiging tatlong buwan na. Ilang beses mo nang sinabi sa akin na magbabayad ka pero hanggang ngayon ay wala parin akong natatanggap mula sayo." seryosong sabi nito sa akin.



"Ate Gina kung pwede sana ay maghintay-hintay ka muna kahit ilang araw nalang at baka mapapadala na ang bayad sa upa ko. Hindi pa kasi nagpapadala ang mga tita ko sa France eh." pagmamakaawa ko sa kaniya. "Promise pagnakapadala ang mga iyon ay ikaw agad ang una kong pupuntahan." dagdag ko sa kaniya pero umiiling lang ito.



Ate Gina ang tawag ko sa kay Prof. G. pag nasa labas kami nang campus. Gina naman talaga ang pangalan nito at sinabihan niya lang kami na Prof. G. nalang ang itawag sa kaniya kasi ang pangit raw pakinggan pag Prof. Gina ang tawag mo sa matandang to. Parang barkada mo lang daw kasi siya pag tinatawag mo siyang Prof Gina at ang tunog raw nito ay parang go-gora o gagala na kayo. Prof G na. Parang prof aalis na tayo. Prof Gina.



Kaya alam niyo na siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit palaging imbyerna si Prof. G sa akin. Bukod sa palagi akong late at absent sa klase niya ay hindi ako nakaka-bayad nang upa dalawang buwan na ang nagdaan sa kaniya kaya siguro mas lalong naiinis si Prof. G sa akin.



"Naku Kristine pumayag na ako na hindi ka muna magbabayad nuong nakaraan buwan pero tao rin ako Kristine at kailangan ko din nang pera para mabuhay." pasigaw na dagdag nito sa akin.



"Hindi na nga kita kinukulit kung nasa loob tayo nang campus dahil alam ko ang limitasyon ko bilang landlady. D-dahil kapag nasa campus tayo ay p-prof mo ako at ibang u-usapan na iyon." tuluyan nang tumulo ang mga luha ko dahil sa mga sinabi niya.



Napatigil ang ibang mga tao na naglalakad at nakikisilip narin ang mga kapit-bahay ko dahil sa mga nangyayari. Sinisilip nila kung bakit maraming mga lalaki ang nasa bahay ko at bakit nila nilalabas ang mga gamit ko.



"A-ate Gina isang linggo. B-bigyan niyo po ako nang isa pang linggo at pangako magbabayad po ako." mangiyak-ngiyak na sabi ko sa kay Prof. G. Lumuhod narin ako at nagma-makaawa na bigyan ako nang palugit kahit ilang linggo pa dahil wala akong matitirhan ngayon at lalo't lalong gabi pa ngayon.



Hindi rin naman ako pwede makitulog sa kapit-bahay namin at nakakahiya dahil may sarili itong mga pamilya at makiki-sikisik pa ako. Kung mayroon man magpapa-tulog sa akin ngayon sa kanilang mga bahay ay malaking pasasalamat ko na iyon sa kanila.



"Hindi na Kristine. Pasensiyahan nalang tayo. Babalik ko nalang ang mga gamit mo at pwede kana rin pumasok sa bahay na iyan kapag nabayaran mo na nang buo ang upa mo." sabi nito sabay naunang umalis.



Amour Inattendu (ᴏɴɢᴏɪɴɢ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon