Ilang araw na ang nakalipas simula ng mga balita ng mga bombing incidents. Yun palang nakita namin ni Basilio na fireworks... Yun pala ang mga lugar na binomba. Marami ang nasawi simula noon.Ni hindi parin magaling ang paa ko pero naigagalaw ko na naman kahit papano. Dapat siguro pumunta na ako sa albularyo para mapagaling ito. Simula din non, di na kami makapag text masyado ni Basilio kasi lahat kami busy.
Itinaas ko ang sleeves ko hanggang siko para tignan ang mga location ng mga nabobombahan. Na sa tapat ako ng Robertson Mall para mag masid kung may kakaibang tao na papasok dito o kahit hindi talaga tao.
May ilan akong tauhan mula sa station. Sila ang unang pumasok at nagpanggap na isang shopper. Kausap ko din si Jobert kung may mapapansin syang kakaiba sa loob ng mall. "Wala pa namang kakaiba dito, Detective Guerrero." sagot ni Jobert sa kabilang linya.
Makailang minuto pa lamang ay biglang may sumabog sa itaas na palapag. Sa sobrang lakas ng impact ay maihahagis ka ng hangin palayo. Sa sitwasyon ko, tumama ang likod ko sa malapit na poste.
Habang iniinda ang sakit nagawa ko pang sumigaw, "Jobert! Jobert!" sigaw ko sa hawak kong walkie talkie. Nag blanko ang linya, nagsimula ng tumulo ang luha ko. Araw araw na lang may nawawala sa mga kasamahan namin, at ngayon na dagdagan pa.
Dahan-dahan akong tumayo at nag dial ng ambulansya. Nagkalat ang mga taong nakahalandusay sa daan, nanginginig ang katawan ko habang paika-ikang naglakad at papasok sa loob.
"Commander!" rinig kong sigaw ni Basilio sa di kalayuan pero hindi ako nakinig. Sisiguraduhin ko munang may mga nakaligtas pa sa loob, baka meron pa at baka buhay pa ang ilan sa mga kasamahan ko.
Papasok na sana ako ng hilahin ni Basilio ang suot kong formal suit. "Commander delikado sa loob!" sigaw nya sakin. Patuloy ang pag agos ng luha ko, "Hindi, baka meron pang Survivor" sabi ko habang hila parin ni Basilio ang damit ko.
Kaagad naman nya akong dinala sa balikat nya na para bang magaan lang ako at mabilis na umalis papalayo sa Mall. Kumapit ako sa laylayan ng Amerikana ni Basilio. "Ang kulit mo naman kasi, Commander eh" sabi ni Basilio at pinapasok ako sa kotse nya. Naka mask sya ngayon kaya di ko kita ang mukha nya.
"Si Jobert..."
"Wala na tayong magagawa, Commander. Iuuwi na muna kita" sabi nya at isinara ang pintuan, umikot sya hanggang makasakay sa driver's seat. Ni lock nya ang mga pinto at isinarado ang lahat ng bintana.
Si Basilio na din ang naglagay ng seat belt ko kasi wala ako sa huwisyo ngayon. "Buti na lang at nakapunta ako kaagad, baka na pano ka na ngayon" sabi ni Basilio at binuksan ang engine ng sasakyan. Pinaharurot nya ang sasakyan, mahigpit ang hawak sa manibela at sobrang bilis ng takbo ng kotse.
Imbis na iuwi nya ako sa bahay namin dinala nya ako sa bahay nila. "Bakit tayo na andito? Akala ko ba iuuwi mo ako?" tanong ko. Hinila nya ako papasok saka ni lock ang pintuan.
"Mahirap na magkahiwalay tayo ngayon. Lalo na sa panahong ganito, hindi natin alam kung saan ang susunod na bombing location" sagot ni Basilio at dinala ako sa kwarto nya, pinaupo nya ako sa kama nya habang may ginagawa sya.
"Nag text si Cap na ako na daw muna magbantay sayo, mukhang hindi pa sya makakauwi ngayon. Ganon din sina Crispin at Bossing, hindi rin natin pwede pang bisitahin si Hank sa ospital" sabi ni Basilio habang naghahanap ng kung ano sa damitan nya.
Bumalik sya sa gawi ko na may dalang damit at ibinaba iyon malapit sakin. Saka naman sya pumunta sa labas at iniwan ako. Dumating sya na may dalang towel, "Naghanda ako ng bath tub para mahimasmasan ka sa mga nangyayari ngayon." sabi nya. Walang kibong tumayo ako at sumama sa kanya papunta sa bathroom nila. Nilagay ni Basilio ang damit sa sink kasama ng towel, "Kung may kailangan ka pa, tawagin mo lang ako" sabi nya at lumabas na.
Tinanggal ko ang suot kong damit at lumublob sa bath tub nila. Niyakap ko ang sarili ko, pinipilit na kalimutan saglit ang mga nangyari. Ilang gabi na rin akong nakakapanaginip ng mga namamatay kaya minsan pinipilit ko na lang na huwag ng matulog.
Paulit ulit lang ang mga iyon at wala itong tinutukoy kung sino ang may kagagawan. Kaya hindi ako makapag sabi kay Ate Trese kasi wala pa akong natutuklasan sa mga panaginip ko. Bigla na namang sumakit ang tenga ko, tinakpan ko ang tenga ko at ininda ang sakit.
"Tumigil ka na!"
Ngayon medyo tumatagal na ito. Kasabay pa nito ang pag sakit ng ulo ko, nakaramdam ako ng paunti unting pag dilim ng paningin. Tatawagin ko an sana si Basilio gamit ang pag hampas sa sahig pero na unahan ako ng pagkawalang malay.
-------------------
Basilio's POVHindi parin namin matukoy kung ano ang susunod na mangyayari. Hindi parin na gising si Hank sa ospital, mas nakakapagod ang mga nangyayari ngayon kesa noon.
Nagpalit ako ng damit, nagsuot ako ng T-shirt at nagnakaw ng boxers kay Kuya Crispin. Mga limang minuto pa lang si Commander sa loob pero nakakaramdam ako ng takot. Ayos lang ba sya?
Kinatok ko ang pintuan ng cr namin pero walang nasagot mula sa loob. Sa pangalawang katok nilakasan ko na kasi baka di lang naririnig ni Commander.
"Commander ayos ka lang ba?" tanong ko ng may pag aalala. Walang sumagot. I gritted my teeth, kahit alam kong bawal binuksan ko kaagad ang pinto. Nasurpresa ako na hindi iyon naka lock.
Tumakbo ako papunta sa bath tub. Nakahiga na si Commander sa ilalim ng tubig at kita kong nakapikit ito. Agad kong itinaas ang ulohan nya para hindi pa malunod, kumabog ng sobrang lakas ang puso ko ng makita ang kalagayan nya.
"Commander! Gumising ka!" sigaw ko at marahang tinapik ang magkabilang pisnge. Isinandal ko muna sya sa wall para di sya mahiga ulit sa tubig at inabot ang towel na nasa sink. Binalot ko ang katawan nya ng towel saka dinala pa bridal style palabas ng nakakadulas na cr.
Pagka pasok ko ng kwarto ko bigla syang nagising. "Wag mo ng uulitin yon," sabi ko at pinipigilan ang pagtulo ng luha ko. Napatigil ako para tignan ang kalagayan nya, inubo sya. Nagsabi din syang tatayo na sya kaya sinunod ko, "Babalikan ko lang yung damit sa cr" sabi ko at tatalikuran sana sya ng mahila nya ang kamay ko. Nag collapse sya at buti na lang at na hawakan ko kaagad.
"Commander naman e' tinatakot mo ako" sabi ko at dahan-dahang naupo sa lapag habang hawak ko sya sa kamay ko. Nakahilig sya sa dibdib ko, nanatili kami ng ganoon habang inintay na mag response ulit si Commander.
Sa wakas at nagising ulit sya. Tumingin sya sakin, maputla at nanghihinanang ngumiti sakin. "Ano na nararamdaman mo?" tanong ko sa kanya. "Ayos na ako... Medyo nila lamig na din ako" sabi nya. Tinulungan ko syang itayo at ngayon kayang kaya na nya ang sarili nya.
Nag sprint ako papunta sa CR at binigay ang damit sa kanya pabalik. "Salamat, Basilio... Pwede ka na munang umalis" sabi nya habang iniintay akong umalis. Umiling ako, "Ayoko, baka mahimatay ka na naman tapos tumama kung saan ang ulo mo" pagmamatigas ko sa kanya. Di na naman iba sakin na nagbibighis sya sa harapan ko.
"Sige, tumalikod ka na lang" sabi nya at tumango ako. Pagkatapos nyang magbihis nakita kong nakaupo na sya sa kama ko, nilapitan ko sya at kinuha ang suklay saka sinuklayan sya. Naramdaman ko ang kamay nya na pumalibot sa bewang ko saka nya ako niyakap papalapit sa kanya. Pinaglatuloy ko lang ang pag suklay sa buhok nya,
"Magluluto ako ng tanghalian, ano gusto mong kainin?" tanong ko sa kanya. "Kahit ano" sagot nya at tumango ako. Sumama sya sakin pumunta sa kusina at naghanda na ng kakainin namin.
Notice:
(Credits to the owner of the picture)
BINABASA MO ANG
Americana // Reader x Basilio // Fanfiction
FanficReader x Basilio [Tagalog] 16+ (currently on hold) It starts with Alexandra Trese who works with Detective Guerrero, a supernatural investigator and daughter of Captain Beau Guerrero. She's not a babaylan by blood but she's interested with those th...