CHAPTER 12 - Dug Dug Dug

154 15 11
                                    

Hi guys... Thanks for reading my story. As of 10:24 PM today March 6, 2015, 993 na po ang reads ng BENCH XXXL at sobrang saya ko na po 'don. Please continue to read this until the very end. This Chapter is dedicated to all my readers. Don't hesitate to put in your comments.

Ang dami kong hingal. Mga 239. Si Armalite girl parang robot, hindi yata napapagod. Hinihingal din pero kalmado lang. Napadpad kami dito sa open field. Akalain mo natakbo ko mula canteen hanggang dito. Andito kami ngayon nakaupo sa ilalim ng pinakamalaking puno ng mangga sa campus. Ito rin daw ang pinakamatandang puno dito. Hitik na hitik sa bunga. Nagsisilaglagan na nga lang ang mga bunga nito.

“Sayang naman ‘tong mga ‘to.”, ang wika ni Beatriz habang pinupulot ang mga manggang nagsilaglagan.

“Hoy Taba, alam mo ba kung pwedeng mag-uwi nito?”

“Huh? Hindi ako sure kung pwede. Pero iuuwi mo ba talaga? Andami niyan.”

“Ba’t kabado ka? Hindi ko naman ipapabuhat sa’yo. As if.”

Andami na niyang napulot. Mga bagong hulog pa lang siguro. Inihiwalay niya ang mga bulok at mga lamog at itinapon sa basurahan. Itinabi naman niya ang mga maaayos pa sa bandang gilid ng puno at tinakpan ng mga tuyong dahon para walang makakita. Babalikan niya raw mamayang uwian.

May biglang ibinato si Armalite girl sa’kin. Hindi ko nasalo ang bilis kasi at may pectus pang kasama. Tumawa siya ng malakas. Napakamot ako ng ulo. May ibinato ulit siya. Hindi ko na naman nasalo. May pectus ulit eh! Talaga ‘tong babaeng ‘to makapang-asar lang. Pinulot niya ang mga ibinato niya at ibinigay na niya sa’kin ng maayos.

“Oh ayan alam kong nabitin ka na naman, kaya kainin mo na yan.”

Aw. Itlog ang inabot niya sa’kin. At dalawa pa. Hindi pa pala niya alam na may allergy ako dito. Sabagay hindi ko naman sinasabi pa’no niya malalaman.

“Oh hindi mo ba kakainin? Akin na nga kung ayaw mo!”, ang wika niya habang inaagaw niya sa’kin ang itlog.

Hindi ko pinayagang maagaw niya ang mga ito. Hindi niya nagawang kunin sa mga kamay ko.

“Kakainin ko mamaya. Busog na kasi ako.”

“Weh?”

“Oo kakainin ko mamaya. Promise.”

“Weh?”

“Oo nga.”

“Sigurado kang busog ka na?”

“Oo nga!”

“Ok sabi mo eh.”

May inaabot siyang panyo sa’kin. Pahiran ko raw ang amos ko sa mukha. Nakakahiya naman. Kaya pala kanina ko pa siya napapansin na panay ang ngiti. Ngiting aso pa naman. All this time pala pinagtatawanan na niya ko sa utak niya. May utak nga ba? Napakadami pa palang amos sa mukha ko. Hindi ko alam kung kukunin ko ang panyo niya para ipamunas. Nakakahiya talaga. Hindi na siya nakapaghintay na kunin ko ito. Bigla na lamang siyang lumapit sa’kin. As in malapit na malapit. Nagulat ako.

Dug Dug Dug Dug Dug

Agad niyang ipinunas sa mukha ko ang panyo niya. Ang bango. Amoy baby powder. Awkward moment. Ang lakas na naman ng tibok ng puso ko. Parang sasabog ang dibdib ko. I think I need my guardian angel.

Dug Dug Dug Dug Dug

Gusto ko siyang tingnan pero hindi ko magawa. Awkward talaga. Hindi ako makatingin sa kanya. My guardian angel, please help me. Bumaba ka muna dito saglit lang, kahit mga 5 seconds lang please. Ako’y bigo. Walang guardian angel.

Dugdug Dugdug Dugdug Dugdug Dugdug

“Ilang taon ka na ba Ben Tiyan huh?”, ang tanong niya sa’kin. Para ‘kong nabunutan ng tinik nang basagin niya ang katahimikan.

OVERWEIGHT? Can LOVE Wait?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon