Hindi ako mapakali habang nakaupo sa loob ng kotse ko. Napahawak ako sa steering wheel para mapigilang kaltukan ang sarili. Napabuga ako ng malalim saka naiiyak na sinilip si Noah na nasa labas ng kotse niya. Prente lang siyang nakasandal sa hood no'n habang nakatingin sa direksiyon kung nasaan ako.Habang kinukwento nilang lahat ang nangyari noong after party, ay gusto ko nalang kainin ng lupa dahil sa kahihiyan. Idagdag mo pa ang seryosong panaka naka na sulyap saakin ni Noah. Ang mas nakakabahala pa ay ang pagiging kalmado niya sa sitwasyon.
How could he stay calm in this kind of situation?
I mean, dapat nagwawala siya ngayon! it's my goddamn fault! Hindi ba dapat galit na galit siya saakin dahil sinira ko ang pagiging bachelor niya?
I heavily sighed, pagkatapos ay iniungko ang ulo sa steering wheel. Naiiyak ko iyong nayakap. Ngayon lang ako kinabahan ng gan'to sa tanang buhay ko. Hindi para saakin kundi para kay Noah.
Ano nalang ang sasabihin niya? Ano nalang ang naramdaman niya noong napilitan siyang pirmahan iyong kontrata? Oh my god! Why did this happened anyway?! It's my fault! Masyado akong hayok makasal! Pero hindi ko naman inaasahan na sa gan'to mangyayari ang bagay na 'yon! Pinagpapalo ko ang steering wheel. I'm so frustrated! Gusto ko lang naman mahanap si Mr. Right pagkatapos ay ikasal! Pero bakit naman sa gan'tong paraan, Lord?!
Naputol ang pag iisip ko nang marahang katukin ni Noah ang bintana ng kotse. Napalunok ako't maliit iyong binuksan.
"Come out, Let's talk." He said seriously. Pagkatapos ay sumandal siya sa pintuan ng kotse ko sa backseat. Nanatili lang naman akong nakasilip sa kan'ya. Sumulyap ulit siya saakin at pinagtaasan na ako ng kilay nang mapansing hindi man lang ako gumalaw. "C'mon, Vanna. Come out. I'm not gonna eat you." Napangisi siya.
Napangiwi ako't nakagat ang pang ibabang labi. Kahit nakakaramdam ng matinding kahihiyan ay lumabas ako ng kotse. Tuluyan pa akong napanguso nang masalubong ang mariing titig niya.
I gulped. "Alright!" Nahihiyang sigaw ko. "C'mon, be mad! Shout at me!"
Npapantastikuhan niya akong pinagtaasan ng kilay. "And why would I do that?"
Tinignan ko lang siya. Tch. Mas nakaka guilty kung gan'tong hindi siya nagagalit..
Napahinga nalang ako ng malalim saka napasandal na rin sa kotse sa tabi niya. "I'm sorry, Noah." Sinabi ko iyon habang nasa sahig na ang tingin. "It's my goddamn fault, alright? Hindi ako nag iisip. I'm drunk. I didn't know what I was doing." Pagkatapos ay saka ako bumaling sa kan'ya. "So be mad at me. Ayokong gan'yan na tahimik ka."
"I'm not mad at you." Doon siya sumulyap saakin.
Napaiwas agad ako ng tingin at walang buhay na natawa. "You should be. How can you now date someone?" Nakangisi na akong bumaling sa kan'ya. "Kasal kana sa'kin. You now can't date any woman you want, Noah."
BINABASA MO ANG
The Night It Happened [R-18]
RomantikNoah Sandoval--Popular for being a Bachelor and a young owner of the leading Airline Company in the Philippines, always get the woman he wants. In his 30 years existence, hindi niya naisip ang salitang kasal. He doesn't need it. He doesn't believe...