Chapter 35 - The Admirers

353 3 0
                                    

[A/N]: Yehey! Purefoods won tonight against Meralco! Revenge is sweeeet! Sana tuloy-tuloy na, ano po? :) 

Hindi ko alam ang cure sa hangover kasi nga ni minsan hindi ko naman naranasan yun. Though, kapag naha-hangover sina Josh at Ian, sinisermunan ko lang. Teacher na teacher talaga. Mas lalo silang naririndi kapag sinisigawan ko sila.


Kaya naman kinabukasan sa bahay pa rin nila Danica, pinuntahan ko agad si PJ sa kwarto kung saan siya natutulog. It was past 7 am. Namahay yata ako kaya hindi ako masiyado nakatulog. Add to the fact na ang daldal ni Eunice. Tawa kami nang tawa buong gabi. Bumaba muna ko sa kusina para kunan ng tubig si PJ. I hear na dapat umiinom ng tubig kasi nakaka-dehydrate ang pag-laklak ng alak.

Walang tao sa kusina, walang naghahanda ng almusal. Mukhang tulog pa nga ang lahat. Buti na lang wala ang mga anak nila Ping dito kundi ano na lang makikita nila? Pagdaan ko sa sala nila Danica at Marc ay medyo nagulo ang ayos ng sofa, throw pillow at carpet. Wala na palang nakapag-ayos kagabi. Grabe, parang naging sleepover talaga ang dapat ay team dinner lang. Lagot talaga silang lahat kay Coach Tim mamayang hapon sa opening ceremony.

Pagpasok ko sa kwarto ay nakadapa si PJ sa kama. Yung isang braso niya ay nakalaylay sa gilid ng kama. Dahil wala na ngang space sa gilid ng kama na occupado niya, umakyat ako sa kabilang side at nilapag ang tubig sa bedside table. Nag indian sit ako saka ko hinagod yung likod niya. Parang ayokong gisingin siya pero kailangan niya talagang uminom ng tubig.

"PJ..." tawag ko.

Hindi pa rin siya sumasagot o gumalaw man lang. 

"PJ...gising ka muna. Inom ka ng tubig."

Dun ko naramdaman na unti-unti siyang gumagalaw.

"Peter June, inom ka muna ng tubig. Tapos pwede ka na ulit matulog."
"Ayoko." sabi niya.
"PJ, please."

Tumihaya siya at binuksan yung isang mata niya. Tinignan niya ako at ngumiti.

"Kamusta pakiramdam mo?" tanong ko.

He gave me a thumbs up.

"Talaga, okay ka lang? Hindi masakit ulo mo? Kahit konti? Hindi ka nasusuka?" 

Umiling siya. 

"Pero kailangan mo pa ring uminom ng tubig."

Kukunin ko na sana yung tubig nung hinatak niya ko bigla. Napahiga naman ako sa tabi niya. Niyakap naman niya ako nang tuluyan at hinila yung kumot para takpan kami parehas.

"Hoy, PJ wag mong--"
"Ssshh." sabi niya. "Huwag kang sumigaw. Masakit sa ulo."
"Hindi ako sumisigaw. Oh, akala ko ba hindi ka-hangover?"
"Konti."
"See? Kaya nga kailangan mong uminom ng tubig para--"
"Cassie, sshhh."
"Fine."

Nanahimik kami ng ilang minuto habang yakap niya ko. Medyo hindi na ko makahinga kaya tinanggal ko yung kumot sa ulo namin at hindi naman siya nag-reklamo.

"Saan ka natulog kagabi?" tanong niya.
"Sa isang guest room. Kasama ko si Eunice."
"Aaah. Bakit ang aga mong nagising? Miss mo ko agad?"
"Kapal ha. Namahay lang siguro ako."

Nanahimik ulit siya. Hindi ko alam kung natutulog ba o ano.

"PJ?"
"Hmm?"
"Anong oras tayo uuwi?"
Binuksan niya ulit yung isa niyang mata. "Gusto mo na ba?"
"Hindi naman...medyo nakakahiya lang kina Ping."
"Oo nga. Pero pwedeng maya-maya? Baka di ko pa kayanin mag-drive."
"Sige ba."

Umupo ako at hinatak niya ulit ako pahiga. 

"San ka na naman pupunta?" tanong niya
"Maghahanap ng pagkain."
He laughs. "Na naman?"
"Anong na naman? Pika-pika lang kinain natin kagabi for dinner. Titignan ko kung nandun pa yung dala nating cake. Tayo naman may dala, hindi nakakahiyang kumain."

The Leading ScorerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon