13th track: dandelions

13 0 0
                                    

"Ako na." Hindi ako nakatanggi nang bigla nyang kunin ang mga gamit ko at dire-diretsong tumungo sa sakayan ng bus. Sumulyap sya sa akin bago pumasok sa loob at ngumiti sa direksyon ko.



Pinauna nya akong makaupo sa upuan dahil alam nyang gusto kong nakikita ang tanawin mula sa labas ng bintana.



"Saan mo gustong pumunta? Gusto mo ng ice cream?" Tanong nya.



Tumango ako bago isinukbit ang mga earphones at natulog para makapagpahinga. Inalalayan nya ako at mariing inihiga sa balikat nya.



"Gigisingin nalang kita kapag nandun na tayo," bulong nya habang ginigilid ang mga buhok na tumatakip sa mukha ko.



Bumaba kami malapit sa parke kung nasaan ang tambayan ng mga batang kakagaling lang sa pagpasok. Dun namin naisipang magpalipas ng oras at kumain ng lunch dahil sa tahimik at maaliwalas na lugar. Sinalubong ako ni Kiko na may dala-dalang basket na hindi ko alam kung saan nya nakuha. Nakangiti nyang inilapag ang isang picnic blanket at isa-isang ipinatong ang mga pagkain.



"Dito ka sa malilim. Para di ka mainitan." Tumango ako at sumunod sa kanya. Napansin nya ang tumulong pawis sa noo ko kaya agad nyang kinuha ang panyo sa bulsa nya at ipinunas yun sa akin.



"Salamat."



Sabado ngayon kaya wala kaming pasok. Galing lang kami sa school dahil sa practice ng event ball ng CBA. Hindi na rin ako nakatanggi dahil si ate Aira na rin mismo ang nagsabi na sumama para may makausap sya sa sayawan. Besides, gusto ko ring mag-enjoy kahit papano bago ang nalalapit na bakasyon.



Hindi ko lang alam kung okay lang kay Kiko. Kahit na anong pilit ko, hindi ko talaga makuha ang ibang steps ng sayaw. Ilang beses akong nagkamali sa mga paikot-ikot na naganap. Hindi ko na rin mabilang kung gaano karaming beses na natapakan ko ang mga paa nya.



"Ang galing mo kanina." Lumingon ako sa lalaking kasama ko na punung-puno ang pagkain ang ibig. Sinamaan ko sya ng tingin nang mapansin ang tipid na ngisi sa labi.



"Wala na bang pwedeng pumalit sa akin?" Tanong ko.



"Ha? Wala akong marinig." Umarte sya na parang hindi naintindihan ang sinasabi ko. Kahit kailan talaga.



Tahimik naming pinagmasdan ang mga batang naghahabulan sa paligid. Pinagbalat ako ni Kiko ng orange at pinapakain sa akin yun.



"Vitamin C yan, hija. Wag kang makulit," tugon nya.



Napangiti ako sa tanawing nakikita. Kumurba ang tipid na ngiti sa labi ko nang masilayan ang paglipad ng mga saranggola sa himpapawid. Kita ko sa mga mata ng mga bata ang saya habang hinahabol ang isa't-isa.



"Anong iniisip mo?" Tanong nya habang nakayakap sa mga tuhod. Pinagmasdan ko ang bilog nyang mga mata bago ibinalik ang titig sa mga bata.



"Wala naman. Masaya lang ako." Sagot ko.



"Ganun ba? Ako ba, hindi mo tatanungin kung anong iniisip ko?" Muli kong ibinalik ang titig sa kanya. Nakataas ang mga kilay nya at hinihintay ang mga sagot ko.



"Anong iniisip mo?"



Ngumiti sya bago nagsalita. "Baka."


"Ha?" Napakunot ang noo ko sa narinig. Hindi ko naintindihan.



He giggled. "Edi, cow."



Napakagat ako sa labi nang makuha ang ibig nyang sabihin. Iniwas ko ang tingin para makatakas sa pang-aasar nya. Narinig ko ang ilang tawa nya nang mapansin ang biglaang pagkahiya ko sa sinabi nya.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 18, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Lyric AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon