Sino bang kanina pa katok nang katok na 'yan? Ke aga-aga mambulabog ng tulog eh. Pinagpatuloy ko na lang ang mahimbing kong pagtulog nang sandaling tumahimik na ang paligid.
Akala ko'y maitutuloy ko na ang pagtulog ko ngunit may nangulit na naman sa akin at patuloy akong niyuyugyog upang gisingin.
"Ano ba. Gusto ko pang matulog." Inaantok kong sabi ngunit hindi pa rin siya nagpatinag.
"Kung may kailangan ka, si Maria na lang ang lapitan mo."
"Who's Maria? Are you dreaming?"
"Kung wala kang mahalagang sasabihin, you can leave bago pa kita masaktan." Tinalikuran ko ang nambubulabog at nagtulakbong ng comforter.
"What the-- *sighs* if you won't be downstairs at 5 minutes, palalayasin kita sa bahay ko."
Nang mapagtanto ko kung kaninong boses iyon ay napatalon ako sa kama upang bumangon at agad na tumakbo papuntang CR.
Haaaay. Ano ka ba Nimfa? Muntikan ko nang makalimutan na ngayong araw ko nga pala imi-meet si Dr. Cy. Paniguradong nag-uusok na sa galit si Chris dahil sa paghihintay sa akin. Nakakahiya sa kaniya. Ako na nga ang tinutulungan niya tapos ako pa itong nagpapabigat.
"Aren't you done yet?" Rinig kong sigaw ni Chris mula sa baba kaya dali-dali akong lumabas ng kwarto ko.
"Heto na. Ito naman, hindi makapaghintay eh. Bakit kasi ang aga-aga ng alis natin?" Kulang na lang ay lumipad ako papunta sa kinaroroonan ni Chris dahil sa pagmamadali ko sa pagtakbo.
"Hay ang daming reklamo. Bilisan mo na lang."
"Oo na. Nandyan naaAAAaaa!" Hindi na ako nakapagpahair dry kaya basang-basa ang buhok ko at nadulas ako dahil basa pa rin ang ilalim ng swelas ko kapagmamadali.
Buti na lang nandyan si Chris para saluhin ako sa pagkakahulog ko sa hagdan. Mabilis siyang lumapit sa akin at hinila ang kamay ko, dahilan para mapasubsob ako sa dibdib niya at inalalayan niya ng kaniyang kabilang kamay ang likod ko. Matagal kaming nanatili sa posisyon. Hindi ako makagalaw dahil kulong ako sa kaniyang mga bisig. Pareho kaming nagulat sa nangyari. Hindi pa rin niya tinatanggal ang tingin niya sa akin at ganundin naman ako sa kaniya. Eto na ba 'yun? Yung mga napapanood ko sa telenovela na magsisimula na ang lovestory ng dalawang bida sa storya?
SYEMPRE HINDI MANGYAYARI 'YON! ANO KA? NASA PELIKULA? WALANG GANON NIMFA.
Dahil NAPAKAGENTLEMAN at NAPAKAMATULUNGIN ni Chris, hindi niya man lang ako inalalayan kahit na malapit na naman ako sa pwesto niya. Bagkus ay nanatili lang siyang gulat na nakatingin sa akin na halata namang pinipilit niya lang na hindi tumawa. Napakasama mo talaga Chris Han! Nakasalampak pa rin sa sahig ang nalambog kong balakang.
"Pfft."
Sukdulan talaga ang pagkasama ng ugali ni Chris dahil imbis na tulungan akong makatayo ay inilabas na niya ang tawa na kanina pa niya iniipon at pinipigilan.
"Anong nakakatawa?"
"I'm sorry HAHAHA. Let me hahaha. Let me help you hahaha." Pigil na tawa niya habang hawak-hawak ang tiyan.
Sa halip na kunin ko ang iniabot na kamay ni Chris ay hindi ko ito pinansin na para bang wala akong nakita. Tatayo na sana ako subalit may kalokohan akong naisip. Hindi ako papayag na ganyan-ganyanin mo lang ako Chris.
Kinuha ko ang nakaabot na kamay ni Chris at malakas na hinila papunta sa pwesto ko upang siya naman ang mapasalampak sa sahig.
Ang kaninang namumula sa katatawa ay natahimik ngayon. Hindi niya siguro akalaing magagawa ko iyon sa kaniya. Mangha siyang tumingin sa akin at tiningnan ko rin siya na para bang succeeded ang counterattack ko sa kaniya. Kung hindi niya ako tinaranta kanina, hindi ako madudulas nang ganoon at kung tinulungan niya ako sa pagkakadulas ko, hindi siya nakasalampak sa sahig ngayon.
BINABASA MO ANG
Time Waits For No One
FantasyMeet Nimfa Fuertes. Isang dalubhasang duktor na nadestino sa isang exclusive cruise ship na siya ring magiging daan para muling magtagpo si Nimfa at ang kaniyang dating sinisinta na si Alfonso Rosales. Nais niyang makalimot sa nangyari sa kanila ni...