Morphie’s POV
Sa wakas ay nakarating na ako ng palasyo. Katulad nga ng inaasahan ko ay hindi magkamayaw ang tao sa paligid. Lahat ay nakaharap sa bakuna ng palasyo sa ikatlong palapag upang masilayan ang paglabas ng reyna. Salamat, at nakaabot pa ako. Ngunit hindi ko malaman kung nasaan si Kelly dahil dikit dikit ang mga Fairouah. Ang mga nandito sa huling hanay ay ang mga Kampensina at ang mga nauuna sa amin ay ang mga Cavalleros at Marabi.
Malayo man ako, alam ko na matatanaw ko pa din ang mahal na reyna mula sa kinalalagyan ko. Yakap yakap ko ang alay ko habang lumilinga linga sa paligid upang hanapin ang kaibangan kong nagtampo sa akin kanina lamang. Kasabay ng aking palinga sa paligid ay ang musikang ginagawa ng mga hanay na Fairouah na bisaha sa pagtugtog. Ang mga musikang ito ay tunay na kaysarap pakinggan. Ang mga kakaibang pailaw sa bawat gilid ng palasyo na halos umaabot na sa kalangitan dahil sa taas nito kung magsabog ng kagandahan. Manghang-mangha ang mga batang Fairouah sa kanilang nasasaksihan at nakakataba ito ng puso na isipin.
“Ako’y sabik nang masilayan muli ang wangis ng ating mahal na Reyna,” wika ng isang babae sa aking tagiliran sa kasama niya. May bitbit din siyang alay at bakas ko sa mga ngiti nito at sa kislap ng kanyang mga mata ang pagkasabik na masaksihan ang kadakilaan ng mahal na reyna.
“Gabi pa lamang ay hindi na ako mapakaling masilayan ng aking mga mata ang reyna. Alam kong kahit ma-edad na ito ay namumukob tangi pa din ang kagandahan niyang taglay,” tila kinikilig na sagot ng isang ginang sa kaninang nagsalita.
Nasaan ba si Kelly? Shutang babaeng iyon. Hayst, napapasabi tuloy ako ng hindi magandang salita.
“Iho, bakit ikaw ang may dala ng alay na iyan? Nasaan ang iyong nobya?” tanong ng isang babae sa akin.
“Ahhh... opo. Hinahanap ko po kasi siya, sige po,” magalang na dahilan ko. Umalis ako sa kasalukuyang puwesto ko at siniksik muli ang sarili sa mga Fairouah. Baka kung ano pa ang matanong noon sa akin.
“Makikiraan po,” wika ko. Ang hirap makisiksik ah! Ang lilikot ng mga ito, sarap pagkukurutin sa singit. Hahaha!
“Ano ba iyan, ka’y lalaking tao ang hilig masiksik.”
“Oo nga, mano bang manatili nalang sa kinalalagyan niya kanina.”
Alam ko na ang mga salitang iyan ay para sa akin ngunit hinayaan ko na lamang sila na sabihin ang gusto nila dahil ang pokus ko ngayon ay makita si Kelly.
Agad akong napatigil sa pagkikipagsiksikan nang may magsalita sa mikropono.
“Salamat sa pagdalo sa pagtitipong ito, ihanda natin ang ating mga sarili dahil anong oras man ay lalabas na ang mahal na reyna sa kanyang silid.”
Isang Marabi ang nagsalita nito dahil siya ay may kulay puting mga pakpak. Ang paligid ay mabilis na binalot ng katahimikan. Patay, malapit na daw lumabas ang reyna. Kelly, nasaan ka na ba? Masasabutan na kitang bakla ka.
“Ayan na,” sabik na bigkas ng isang dalagitang Kampensina.
Dumami ang mga pailaw sa kalangitan. Lumakas ang tunog ng tambol. Nagliparan ang mga Cavallebos sa himpapawid at bumuo ng salitang Wineah, tanda nito na ang reyna ay palabas na ng kanyang silid.
“Malungod kong ipinapakilala sa lahat ng mamayan ng Lepidoria, ang dakilang reyna, Wineah!” masiglang pagpapakilala ng tagapagsalita at tinuro niya ang kamay sa pintuan ng ikatlong palapag. Hindi din nagtagal ay bumukas iyon. Ang lahat ay nagpalakpakan at naghiwayan ng malakas.
“Woahhhhh!!!”
Magarbong lumabas ang mahal na Reyna dito. Kumikinang ito sa kagandahan. Ang dilaw nitong pakpak na tanda na siya ang reyna dahil siya lamang ang nag-iisang Fairouah dito sa Lepidoria na mayroong pakpak na kulay dilaw. Ang pamilya ng reyna ay nabibilang lamang sa antas ng Rei-ang ikalawa sa pinakamataas na antas, na may pakpak na berde.
“Hindi tumatanda ang reyna.”
“Tama ka. Sobrang ganda pa din niya.”
“Kakaiba ang kumikininang nitong pakpak na berde.”
“Angat na angat ang suot nitong mahabang puti at kuminang na gown.”
Ayan lamang ang salitang maririnig mo sa paligid.
“Magbigay pugay sa mahal na reyna!” saad ng isang Pamilyar na lalaki. Nakita ko na siya noong nakaraang araw. Siya ang kapitan ng mga mandirigmang Acrusa. Ngunit bakit nandoon siya sa hanay ng mga Rei? Kaano ano kaya niya ang mahal na Reyna?
Nagbigay pugay ang mga Fairouah sa mahal na reyna gamit ang pagtatas ng kanang kamay na nakayukom. Ito ay sumisibolo ng iyong buong katapatan sa kaharian at sa kasuluyang namumuno dito.
Nakita kong inabutan ng mikropono ang Reyna upang makapagsalita ito. Nagsitahimikan ang mga taong paruparo upang marinig ang sasabihin ng reyna.
“Lubos ang kasiyahang aking nadarama sa araw na ito dahil hanggang ngayon ay hindi kayo nagsasawang mahalin ang ating kaharian at igalang ang bawat isang namamalagi dito. Ayon sa mga balitang nakarating sa akin ay karamihan daw sa mga mamayan ay ginagawa ang kanilang kinamulatang trabaho na may dignidad at tama. Ang aking tugon ay, makakaasa kayo na patuloy ang proteksyong matatanggap niyo mula sa grupo ng ating hukbong sandatahan,” mahabang talumpati ng mahal na reyna. Tumigil muna siya sandali at binigyan ng special mention ang hukbong sandatahan sa pagpapanatili ng kaligtasan ng mga Fairouah.
“Sana ang bawat isa ay hindi mag-sawa na gumawa ng tama at magpasalamat sa ating dakilang Diyos na si Jesuah. Ang nagkaloob ng lahat ng bagay na mayroon tayo dito ngayon sa mundo. Alam kong inaalala niyo pa din ang banta ng ating kalaban na mga Mathuah, ngunit kung tayo ay magkakaisa at mananaliting tapat sa paniniwala natin. Hinding hindi nila tayo magagapi kailangan man,” dagdag pa ng Reyna.
Narinig ko na naman ang salitang Mathuah- they are the Moth Humanoids who killed my parents. Our mortal enemy. Their queen and God are so selfish kaya hinding hindi magkakasundo ang kaharian nila at ang aming kaharian. Hindi nila matanggap na may kanya-kanya kaming Diyos na sinasamba. Ang gusto nila ay tanging si Alluah ang Diyos ng kasikman lamang ang sambahin ng lahat ng mga naninirahan dito sa lupain ng Insectia.
“Muli ako ang reyna, Wineah at mabuhay tayong lahat!” magsilang pandulong salita ng Reyna. Muli ay naghiyawan ang lahat at nagpakawala ng mga malalakas na palakpakan.
Hindi pa man din naibababa ng reyna ang kanyang mikropono ay naghiyawan na ang mga mandirigma na nasa himpapawid.
“Ang mga Mathuah!”
Kasabay ng hiyaw nilang iyon ay ang mga malalakas na pagsabog na naganap sa buong kaharian. Mabilis na napuno ng usok ang buong paligid. Hindi ako makahinga at wala akong makita. Biglaan ang pagsalakay na ito!
“Protektahan ang mahal na Reyna!”
Malakas na bigkas ng isang pamilyar na boses. Naaninag ko na nagliwanag ang kinalalagyan ng Reyna, tanda na ligtas na ito. Samantala, ang mga mamayan dito ay nagsiliparan na rin sa himpapawid at naghihiyawan sa sobrang takot.
Kailangan kong makita ang bestfriend kong si Kelly! Baka kung ano ang mangyari sa kanya.
Narinig ko ang pananangis ng ilan at batid ko na may mga nasawi na. Lumipad na rin ako sa himpapawid upang makita si Kelly.
“Tabi!” Ngunit may bumungo sa akin at nakita kong ang gwapong kapitan ito. May hawak siya na isang baging na lason na dapat ay tatama sa akin.
“Maging alerto ka!” wika nito sa akin. Umalis na siya at biglaan na ding nagsilisanan ang mga masasamang Mathuah. Mga traydor talaga sila, walang nakapaghanda sa ginawa nilang pag-atake.
Nakita kong lumipad ang isang Faireeta sa itaas at gumamit ito ng kakaibang kapangyarihan upang mahawi ang mga usok na bumabalot sa paligid ng palasyo.
Lubos akong nanlumo sa aking nakita. Hindi ko maigalaw ang aking katawan. Kita mula dito sa itaas ang mga Fairouah na nakahandusay sa kalupaan na wala nang buhay. Hindi ko maantim ang pananangis ng mga naulila nitong pamilya. Tila bumalik sa akin ang lahat, ang pagkamatay ng magulang ko dahil din sa biglaang paglusob ng mga kalaban. Ganitong ganito iyon. Bata pa lamang ako noon ngunit sariwang sariwa pa din sa akin ang lahat ng mga nangyari dati.
Nang madako ang aking paningin sa bandang gilid ng bakod ng palasyo ay nasilayan ko ang wangis ng taong kanina ko pa hinahanap. Agad na nanlambot ang aking mga tuhod dahil nakita kong nakahandusay din ito sa lapag. Nanghihina man ay pinilit kong tumungo sa kinalalagyan ng nakahandusay niyang katawan habang tumutulo ang luha sa aking mga mata at kumakabog ng mabilis ang dibdib ko.
“Kelllyyyyyyyy!” Matinding panangis ko nang makita ko na wala ng buhay ang taong napakahalaga sa buhay ko. Wala ang matalik kong kaibigan! Niyakap ko ang malamig na bangkay nito at pinilit siyang gisingin.
“Imulat mo ang mga mata mo, Kelly! Gumising ka diyan! Paki-usap! Hindi pa natin natutupad ang ating mga nais na gawin sa buhay!”
Hindi kaya ako ang kailangang gumising? Nananaginip lang kaya ako? Sinampal sampal ko ang magkabilang pisngi ko ng ilang beses ngunit, nabigo akong gisingin ang diwa ko mula sa pagkakaiglip dahil ang kailangan kong gisingin ay ang sarili ko na totoo ang lahat ng kaganapang ito.
“Hindi ito maaari! Magbabayad kayong lahattttt!” pagtangis ko. Lubos ang kirot sa aking damdamin. Durog na durog ako sa mga oras na ito ngunit maslalong nag-alab ang galit ko at kagustuhan kong maghiganti.
Naramdaman kong may humaplos sa likuran ko. Lumuluha akong tumingin dito at nakita kong si Psycher ang taong iyon.
“Wala na si Kelly,” nanghihina kong saad.
Napaluhod din ito sa kinatatayuan niya at blangkong tumingin sa katawan ng kaibigan namin na ngayon ay hindi na masasaksikhan pa ang kagandahan ng mundo.
BINABASA MO ANG
The Insectia War
FantasíaLong before, the land of Insectia was united and had no divided kingdoms that separate the kind of Butterfly and Moth Humanoids until the greediness of power arises. The two-winged humanoid specifies formed two kingdoms with each has one God to wors...