Boy Bawang vs. Onion Man by smocglady

108 1 4
                                    

BOY BAWANG VS. ONION MAN

Tagapagligtas ng naapi- Iyan ang aking tungkulin. Ako si Boy Bawang ang Superhero ng puso ni Ginger. Ipinagtatanggol ko siya laban kay Onion Man. Ako ang nagsisilbing panyo niya sa tuwing siya’y umiiyak at hindi ako mag papatalo kay Onion Man pag dating sa pagmamahal kay Ginger.

Normal lang ang mag mahal. Ako ay umiibig sa isang simpleng babae. Hindi naman siya kagandahan. Mababa ang kanyang ilong, malapad ang kanyang noo, meron nga siyang mga pimples (normal na yun kasi alam ko na inlove siya sa akin) at napaka simple niya kung manamit. Ngunit napakaganda ng kanyang ugali at palagi niya akong nauunawaan. Kaya mahal ko siya. Aanhin ko naman ang magandang mukha at sexy na katawan, kung darating ang panahon na tatanda at tataba siya? Sapat na saakin ang maganda niyang ugali; simple, masayahin, may takot sa Diyos, at kuntento sa kung ano ang meron siya.

Ang buhay ay hindi masaya sa lahat ng oras. Ang daming problemang nakakapagpadagdag tuloy ng wrinkles. Pero mukhang mas lalo akong tumatanda tuwing nakikita ko si Onion Man na dumadalaw sa bahay nina Ginger. Hindi pa kami mag syota ni Ginger, nanliligaw palang ako sakanya. Kaya naman siguro pinayagan din niyang ligawan siya ni Onion Man. Ayos aa! May karibal ako! Ang masaklap lang mayaman si Onion Man , habang ako isang mahirap lamang.

Sabi nga sakin ng aking Master. “Love is like a Battlefield.” – Rason kung bakit may Onion Man sa pagitan namin ng pinakamamahal kong si Ginger. Pero hindi na bali, kahit nasa gitna pa namin siya, gilid o likod, ipaparamdam ko pa rin kay Ginger kung gaano siya kahalaga sa akin.

Dadalhin ko ang pinakamamahal kong si Ginger sa bukid kapag wala kaming pasok, tiyak magiging masaya siya at mag pipiknik kaming dalawa! Ipaparamdam ko sakanya ang preskong hangin na kasing presko ng pagmamahal ko sakanya. Ipapakita ko sakanya ang mga magagandang tanawin na kasing ganda at espesyal niya. Hindi ko man maibigay ang lahat ng materyal na bagay,  kaya ko naman iparamdam sa kanya kung gaano siya kahalaga at kaespesyal sa akin.

Pero paano kung sila na ni Onion Man? Haay!! Paano na ako?? Magpapakalasing? Magpapakamatay? Ano?! Hindi! Hindi! Think positive! Kung mapunta man siya sa ugok na iyon, deserve niya iyon! Marami pang iba diyan. Basta lagi kong tatandaan na: “Hindi lahat ng nananalo ay Masaya, at hindi lahat ng natatalo ay malungkot.”

Isang araw, papasok na ako sa gate ng aming paaralan nang makita kong pababa ng taxi si Ginger. Nilapitan ko siya at binati, “Marhay na AGA!!!”(good morning) sabay sagot naman niya ng, “Hala! Fuentebella ako!!!”(a/n magkalaban kasi si fuentebella at aga muhlach para sa 2013 election for congressman sa bicol)  Ang kulit niya talaga noh? Isang dahilan pa kung bakit mahal ko siya. Inalok ko siya na kung pwede bang ako na lang ang magbuhat ng gamit niya at nagtaka ako kung bakit agad siyang pumayag. Nang ilabas niya na ang kanyang dala, nagulat ako nang BAYONG ang bumungad sa mga mata koJ. Napalunok ako bigla. Ano’ng gagawin ng BAYONG niya dito?! Sa halip na ikahiya ko siya, nag-isip na lang ako ng pick-up line na magiging dahilan ng pag-ngiti niya. “BAYONG ka ba?” “Bakit?” ,tanong niya. “Kasi tulad ng BAYONG na dala mo na walang dahilan kung bakit nandito, isipin mo ganyan din ang puso ko, hindi ko alam kung ano’ng dahilan at ikaw ang MINAHAL ko.” Tumawa siya ng sobra na para bang wala ng bukas sabay sabi niya ng, “Ang cheesy mo naman Boy Bawang!”,sabay hampas sakin ng mahina lang naman. “Oo naman, basta ikaw”,sagot ko naman sabay hampas sa kanya ng napakalakas at natumba siya. Pero agad naman siyang tumayo at naglakad papalapit sa akin nang nakangiti. Napa-isip ako kung bakit nakangiti pa rin siya. Nang makalapit na siya  wala akong ibang narinig kung hindi “PAAAAAAAAAK!!!”. Sinampal niya ako at ang sakit sakit sakit sakit. Sa lakas ng pagkakasampal niya, napa-urong ako at may nabangga ako. Pag-lingon ko, nakita ko si Onion Man. Ang pangit niya talaga. Napatingin siya sa dala-dala kong BAYONG at nagulat ako nang tumawa siya ng tumawa. “Ganyan ka na ba ka-dukha Boy Bawang? BAYONG na ang ginagamit mo’ng bag sa pagpasok? Halika nga sa Mall nang maibili kita ng magandang bag na alam kong hindi ka pa nagkakaroon.” Nagalit naman ako doon kaya naman lumapit ako sa kanya sabay hampas ng bag ko mismo sa pagmumukha niya. “Heto ang bag ko oh! Heto! Kay Ginger itong BAYONG, ako lang ang nagdala. Okey na nga itong BAYONG kaysa naman iyang sa’yo, shoulder bag.”

Lumipas ang ilang araw na walang Ginger na nagpaparamdam sa akin. Hindi ko na matiis kaya naman pumunta ako sa bahay nila. Sumakay ako ng bisikleta ko at isinuot ang helmet. Napakamot ako ng ulo ng mabasa ko ang nakasulat sa bisikleta ko, “FASTEN YOUR SEATBELT”. Nang nasa tapat na ako ng bahay nina Ginger, nanlumo ako sa nakita ko, magkayakap sina Onion Man at si Ginger. Tapos hinalikan pa ni Onion Man sa pisngi si Ginger. Masakit pero kailangang tanggapin, mahirap pero kailangan kayanin. Umuwi na lang ako at natulog. Ilang linggo akong hindi kumain, hindi pumasok sa paaralan, hindi lumabas ng kwarto at siyempre hindi naligo. Hindi rin ako nag-text ni tumawag kay Ginger. Sabagay, wala naman siyang pakialam sa akin.

Hi. Ako si Ginger Luya, labing-anim na taon. Maraming nagsasabi na masyado daw akong weird at baduy manamit. Aba! Wala akong mali, sila ang may mali. Hindi nila alam ang salitang “Fashion”. Siyempre kung dilaw na ang isa mo’ng medyas, berde naman dapat sa kabila hindi ba? Kahit ganyan ako, may nagmamahal pa rin sa akin pero mas mahal ko siyaJ. Siya si Boy Bawang, isang napakabait at napakatalinong lalaki. Kaso nag-aalala ako dahil ilang linggo na siyang hindi nag-tetext at tumatawag. Hindi na rin siya pumapasok, wala tuloy nagdadala ng BAYONG koL. Sabado ngayon at walang pasok kaya naisipan kong pumunta sa bahay nina Boy Bawang. Pagtingin ko sa pintuan nila, nakabukas na ito kaya pumasok na ako sa loob. Pagpasok ko, wala akong nakitang tao. Kaya naman dumiretso na ako sa kwarto ni Boy Bawang. Sinubukan kong buksan ang pinto pero naka-lock ito. Kumatok ako ng kumatok pero walang nagbubukas. Pinakinggan ko sa pintuan kung may tao sa loob at napa-iyak ako sa narinig ko. “Mahal na mahal kita. Pero sinayang mo lang ito. Ang buong akala ko mahal mo rin ako pero nagkamali lang pala ako ng akala. Sabi nga sa isang kasabihan, “Marami ang namamatay sa maling akala” hindi naman ako mamamatay kung wala akong gagawin kaya heto ako ngayon, gamit ang lubid ito magpapakamatay ako. Sana maging masaya ka sa piling niya. Lagi mong tandaan na mahal na mahal kita Ginger Luya. Paalam.” Nang marinig ko iyon, tumingin ako sa paligid at nakita ko sa sahig na may nakakalat na susi. Pinulot ko ito at dali-daling sinubukan na buksan ang pinto. Nabuksan ko nga ito at nakita ko ang pinakamamahal kong lalaki na nakatayo na sa upuan at nakalagay na ang lubid sa kanyang leeg. Nataranta ako kaya tumakbo ako papunta sa kanya at natumba ko iyong upuan na kinatatayuan niya. “Eeek! Uhmmp! Gg..iiinnn…ggeerrr, ‘yung u..uu..pp..uu..aaann.” Mas nataranta ako kaya kinuha ko ulit iyong upuan at inayos ko para maapakan niya at nang makahinga siya ng maluwag. Nang maayos na siya, inalis niya ‘yung lubid sa kanyang leeg at bumaba sa upuan. “Papatayin mo ba ako?! Ha, Ginger??!!” ,tanong niya sa’kin habang nakahawak sa kanyang leeg. Hinampas ko naman siya, “Eh ikaw! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?! Bakit ka magpapakamatay?! Sabihin mo nga!”. “Bago ako magpaliwanag, ikuha mo muna ako ng tubig”,sabi niya. Kumuha naman ako at agad kong ibinigay sa kanya. Nang matapos na niyang inumin ang tubig, umupo kami sa kama at nagsalita na siya, “Pumunta ako sa bahay niyo tapos nakita ko kayo ni Onion Man na magkayakap tapos hinalikan ka pa niya sa pisngi. Sino’ng hindi magagalit? Wala naman akong magawa kasi hindi naman tayo, wala naman akong karapatan sa’yo kaya umuwi na lang ako. Wala na rin akong ganang pumasok, hindi na ako kumakain tapos napag-isip ko na magpakamatay na lang. Wala na namang saysay kung mabubuhay pa ako hindi ba?.” Sabi ko naman, “Hoy Boy Bawang! Pumunta lang si Onion Man sa bahay kasi nagpaalam siya. Pupunta na daw siya ng ibang bansa kaya huwag ka ngang magtampo diyan! Ikaw lang ang mahal ko okey?! Ikaw lang, kaya huwag mo nang ulitin ang pagpapakamatay. Ako lang ang dapat pumatay sa’yo. Papatayin kita  . . . . . . . . sa pag-mamahal koJ.” Nakita kong ngumiti si Boy Bawang. “Ganoon ba? Mas mahal kita Ginger. Pasensya ka na, akala ko kasi kayo na ni Onion Man. So ano na, tayo na ba?” Napangiti naman ako “Asus! Iyan lang naman ang inaantay kong tanong eh!.Oo Boy Bawang, TAYO NA.” “Talaga?!! Tayo na? J” “Oo naman,tayo na!. Pagod na akong umupo eh. Pasyal naman tayo,please?”

 The end

Hope you enjoy ^_^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 11, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Boy Bawang vs. Onion Man by smocgladyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon