Chapter 42

99 5 0
                                    

My life was totally a ferris wheel ride. Ups and downs, sometimes I'm screaming in fear, sometimes I'm screaming in happiness, but most of the time I'm loving the moment.

"Mommy, ma...mahal kita." I smiled at Zech. Natuto na silang magtagalog. Pano ba naman kasi tinuturuan ng mga gagong Tito pero ayos lang naman na saakin kasi pumapasok na sila sa school dito sa Pilipinas at kailangan talaga nila matuto.

After what happened in the courtroom, hindi na kami bumalik sa New York, kahit gusto nila. I explained to them na hindi na kami puwede bumalik doon dahil nandito ang Daddy nila na asawa ko na rin, kung babalik man kami ay for vacation purpose na lang pero hindi ata nila naunawaan yun dahil dalawang araw nila ako hindi kinausap. Binibisita din naman kami ni Attorney sa bahay ni Ryker pero ayaw siya pansinin ng mga anak niya kahit hanggang ngayon. Ang rason kasi nila ay inaway daw ako at pinaiyak. Kahit sinabi ko na ayos na kami, and I can fulfill their dream na 'happy family' pero ayaw na nila.

Kinausap din sila ng DSWD kung kanino nila gusto sumama and they answered they only want me, umiiyak pa silang parehas nung sinabi yun kahit nakaseparate sila ng interviewer. Narinig din ni Attorney yung sinagot nila and he cried too, sinabi niya pa na it's good thing na pinakasalan na niya ako but even we're married, there's somethings missing, that three-words. Parang lumalabas na napilitan lang siya na pakasalan ako para makasama din ang mga bata.

He also broke-up with his not-so-wife. Totoo pala talaga yung sinabi ng mga kaibigan niya dati na magpapakasal na siya pero ang problema lang the wedding is fake and even their relationship, napilitan lang sila dahil sa family. It's like no feelings attached sa relationship nila, nagpapanggap lang. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba iyon.

Just a day after the wedding in the courtroom, we talked, we both gladly listen to each other. I know everything now, and he knows what struggles I'd face too. Sinabi niya saakin na sinabi sakanya ng Mommy na alam na nila ng Daddy niya na may anak siya saakin that's why his father protect him at the court at all cost kasi gusto ng ama niya na makilala pa siya ng mga anak niya. Kung paano nila nalaman na may anak kami, ay hindi ko alam, may pagka imbestigador na rin ata ang pamilya nila.

"Can you repeat it, Zech, Baby?" I asked him. Kakagising lang naming dalawa, tulog pa si Zaire. Tapos paggising niya yung mga salita na iyon pa ang bumungad saakin. What a day to start.

He smile. "Mahal kita! Mahal kita Mommy! Mahal kita! Auntie Jos, told me it's I love you!" tuwang-tuwa siya habang sinasabi niya yun.

"Mahal din kita, anak." hinawakan niya ang baba niya, tila ba may inaalala.

"Anak, it means child! It means child!" Tuwang-tuwa talaga siya na napatalon pa sa kama. At niyakap ako sa leeg. Nakitawa na lang ako sakanya hanggang sa naiyak si Zaire dahil natalunan ni Zech ang tiyan nito, isang paa lang naman ang nakaapak sa tiyan niya.

"Ouch! That hurts!" Pag-iyak niya at nagising na ng tuluyan. Pinatahan ko siya at pinag-sorry na rin si Zech. Nag-away pa silang dalawa, lalo lang umiyak si Zaire, natigil lang ng biglaang pumasok si Ezzy sa kwarto namin. Napaaga na naman ang dating niya.

"What's happening here?" Alalang tanong niya. Ofcourse, nakita lang naman niya na umiiyak ang isa sa mga anak niya.

"Ayan, nag-aaway. Nagbabatuhan ng mga halu-halong salita. Nagsasalita ng french, spanish, italian, english at filipino yang mga anak mo. Natapakan lang ng kaunti ni Zech yung kapatid niya ayaw na tanggapin yung sorry niya at nag-away na sila. Kanina ko pa yan pinapatigil, ayaw naman makinig saakin." Tumayo na ako sa kama at ganun din ang ginawa nila at nagtago sa likod ko.

Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata ni attorney habang nakatingin sa dalawa. Kahit ako man ay nalulungkot sa nangyayari. Ginagawa ko lahat, ginagawa namin lahat para mapalapit sakanya ang mga anak namin pero parang takot na sila.

Skies Of MistakesWhere stories live. Discover now