Chapter 17

2.5K 76 11
                                    

" Sa penthouse tayo or iuuwi kita?"

Tanong niya kay Czesta na agad sumandal ang ulo sa upuan at pumikit nang makapasok sa kanyang sasakyan.

"Do as you wish, Sebastian."

Sagot nito na nakapikit pa din. Alam niyang lasing na din ito. Ikinabit niya ang seatbelt nito at pinaharurot ang sasakyan papunta sa kanyang penthouse.

" We're here, Czesta."

Bahagya niya itong tinapik sa pisngi kaya nagmulat ito nang mata.

" Sean, I don't want to walk."

Ungot nito kaya nginitian niya ito.

" I know, kaya hindi ka umuwi sa inyo."

Bumaba siya mula sa driver seat at umikot sa pwesto nito. Inalalayan niya itong lumabas mula sa passenger side at matapos isara ang sasakyan. Ito naman ang hinarap.

" Dating gawi?"

Tanong niya dito at may ngiti sa labi na tumango ito. Kaya tumalikod siya dito at bahagyang yumukod. Naramdaman niya ang paghawak nito sa kanyang mga balikat. Hanggang tuluyan na dumikit ang katawan nito sa kanyang likod.

" Bumigat ka yata, Czesta."

Sabi niya dito habang nagsisimula na siya maglakad habang naka piggyback ito.

" Hmm, matagal na nong huli mo akong binuhat nang ganito."

" Matagal na pala iyon?"

Natatawa na lang niyang sabi. Dahil parang ang lahat nang memorya niya sa dalaga ay parang kelan lang.

" Did you carry, Dhanya like this?"

" No!"

Tapat at mabilis niyang sagot sa tanong nito.

" That's good! Dahil mag seselos ako."

Sabi nito at binuntutan nang tawa ang sinabi.

" Ikaw? Binubuhat ka ba ni Darryl nang ganito?"

Tanong niya sa dalaga habang sakay na sila nang elevator papunta sa kanyang penthouse na nasa pinaka mataas na bahagi nang building na iyon.

" Bakit mag seselos ka din?"

Sa halip sagot nito sa kanya.

" Hindi! Dahil wala akong karapatan. Pero masasaktan ako. Tulad nang nararamdaman ko mula nang dumating siya sa buhay mo."

Muli ay matapat niyang sabi dito. Hindi niya alam ang naging reaksiyon nito. Pero wala itong sinabi.Naramdaman na lang niyang humigpit ang kapit nito sa kanyang mga balikat.

Walang nagsalita sa kanila hanggang makapasok na sila sa kanyang penthouse.
Maingat niyang ibinaba si Czesta sa sofa.

" Magtimpla ako nang kape para sa ating dalawa."

Paalam niya dito at nagtuloy siya kusina, gumawa siya nang kape. Black coffee para sa kanya at may cream at sugar para kay Czesta tulad nang hilig nito sa kape.

Paglabas niya nang kusina nakahiga na ito sa sofa at nakapikit.

" Czesta, drink your coffee. Baka mabawasan ang pagkalasing mo."

Pag kuha niya dito nang atensyon. Bahagya naman itong umusog kaya naupo siya sa paa an nito.

" Salamat, Sean."

Sabi nito at agad na inabot ang tasa nang kape na kanyang inilapag sa center table.

Nagsimula na din siyang humigop nang kape nang magsalita si Czesta.

" What do you think will happen,kung hindi tayo mag pinsan?"

Tiningnan niya ito at seryoso ito, habang nasa tasa nang kape ang mga mata.

" Liligawan kita."

Sagot niya dito, nakita niya ang pagngiti nito pero hindi pa din nag angat nang tingin sa kape.

" Sasagutin kaya kita?"

Tanong nito at parang nahulog sa isang magandang eksena ang anyo nito.

" Hindi ako titigil hanggang hindi mo ako sinasagot."

Noon na bumaling sa kanya si Czesta at tumawa nang malakas. Hanggang ang halakhak nito ay napalitan nang mga hikbi.

" Why, Sean? Bakit gusto ko ang sinabi mo? Gusto ko na gusto mo ako?"

Tanong nito sa kabila nang pag iyak.Kaya lumapit siya at inalo ito. Higit sa lahat siya ang nakakaintindi dito.

" This is wrong, but it feels right."

Sabi pa nito na nakatingin sa kanya, halos hindi mapatid ang pag agos nang mga luha nito. Sinapo niya ang pisngi nito at pinahid ang mga luha. Hanggang mag tama ang kanilang mga mata. At unti unting bumaba ang mga labi niya sa mga labi nito.

Sa pangalawang pagkakataon ipinadama niya dito ang kanyang damdamin.He kissed her tenderly, punong puno nang pagmamahal na kahit sa sarili ay hindi niya kayang bigyan nang depinisyon ang nararamdaman para sa kanyang pinsan.

Yumakap ang braso nito sa kanyang leeg, tulad noon parang ang nakatagong damdamin ay saka naghulagpos. Dahil pareho silang nakapikit, wala silang nakikita. Kundi kung ano lang ang kanilang nararamdaman.

" Yeah, even this is wrong. But it feels right. I won't deny it Czesta."

Bulong niya dito nang bahagya silang maghiwalay upang kumuha nang hangin pansamantala.

Bumaba ang halik niya sa leeg nito, mahigpit naman itong napahawak sa kanyang ulo.

" Sebastian..."

Mahina nitong tawag sa kanya, nag angat siya nang mukha at tumingin dito.

" I'm just dreaming, Sebastian. Hindi ito totoo."

Malungkot nitong sabi at tumango siya. Pinangko niya ito at dinala sa kanyang silid. Maingat na ihiniga sa kama at kinumutan.

" Goodnight, Czesta."

Sabi niya at iniwan ito sa kanyang silid. Muli siyang lumabas sa kanyang sala at ipinag patuloy ang pag inom nang kape.

" I'm already out of my mind."

Hindi niya mapigilan na usal habang nakasapo sa kanyang ulo ang mga palad. Dahil bahala na pero susundin niya ang nararamdaman. Kahit hanggang saan lang ang abutin niya.

Knowing Czesta is in his room, walang kasamang ibang lalaki. Sapat na sa kanya. Matapos ang ilang saglit na pananatili ay pumasok siya sa kanyang silid.

Maingat siyang tumabi kay Czesta na mahimbing nang natutulog. He just cuddles her, kissed her on her forehead, and tried to sleep next to her.

Para naman naramdaman nito ang pag tabi niya kaya umangat ang braso nito at yumakap sa kanya.

" Sebastian, you know that I love you, right?"

Tanong nito sa kanya na nakapag pa ngiti sa kanya. Bahagyang pa yatang nang skips ang tibok nang kanyang puso sa sinabi nito.

" And you knew that I love you too right?"

Tanong din niya dito, sumiksik pa ito sa kanyang katawan at mahigpit na yumakap.

" I hope Sebastian, we are not related. You're suffering as much as I do."

Umiiyak na naman nitong sabi, hindi siya nagsalita. Niyakap na lang niya ito. Dahil totoo ang sinabi nito. Both of them suffering. Because they're both in love with each other, kahit mali. But what they should do?

To be like this? Holding each other while both of them silently crying in the middle of the night? Katulad na madilim na gabi, marahil they will be like this for the rest of their life.

Boss Series 8: The boss hidden desireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon