Chapter 10...Cruelty
Mary's Point of View
Hindi talaga ako makapaniwala. Ako? Top 11? Tsaka hindi rin ako makapaniwalang mataas ang score na nakuha ko. Binasta ko lang kaya ang iba dun.
"Wow!"
Nagulat ako dahil biglang hinarap ni Gus ang upuan ko sa kanya tapos tinuon ang isang kamay sa sandalan ng upuan ko habang ang isang kamay ay hawak ang papel at pinapakita sa akin.
"Ikaw ba talaga ang nagsagot nito?"
Tinarayan ko s'ya. "Binigyan mo nga ako ng maraming reviewer tapos nagtataka ka pa?"
"Hindi nga? Nagawa mong isiksik lahat sa utak mo?"
"Hindi ko naman alam lahat kaya nga hindi ako perfect. Saka binasta ko lang ang iba doon nagulat nga ako na ganyan ang score ko akala ko hindi ako lalampas ng 200."
"Magaling ka sa math sadyang tinatamad ka lang mag-aral."
"Tss. Magaling na sa 'yo 'yan? Kung ikaw ako baka ikaw ang top 1 hindi si Aby."
"Alam mong si Aby ang top 1?" Takang tanong ni Alex.
"It's expected."
"Yeah. Matalino rin siya tulad ni Bruise. Pareho silang walang subject na kahinaan." Wika ni Louise.
"Tch. Ang sarap n'ya lang lalo patayin. Na-iimagine ko na naman ang pagmumukha n'ya sa exam kahapon."
"Chill. Baka makapatay ka kapag palagi kang galit HAHAHA!"
Tinarayan ko lang ang pang-aasar ni Gus.
"Pero naiisip ko 'yung mga bagsak. Palalayasin kaya sila?"
"Malamang. Kilala mo naman si Ma'am Davis." Sagot ni Louise kay Jace.
"Malay mo magbago s'ya at maisip na mali ang ginagawa n'ya."
"Sana nga tama 'yang iniisip mo." Si Ryan.
Humalumbaba ako. "Kung ano man ang gawin n'ya, wala na tayong magagawa. Unfair man pero mas hindi ako papayag kung isa sa atin ang mapapalayas dito."
"Same. Kung may mapapalayas sa atin sumama tayong lahat." Si Louise sabay tawa.
"At saan naman tayo pupunta?" Tanong ni Alex.
"Kahit saan basta sama-sama tayo, kakayanin natin right, Jace? Pahingi nga." Bigla nalang kinuha ni Louise ang kinakain ni Jace.
"Hoy! Bakit ba kailangan mo pang kunin?" At doon na sila nag-agawang dalawa.
Iniwan ko silang nag-iingay. Tumayo ako at lumapit sa bintana. Sinilip ko ang labas at nakita ang iilang mga estudyante na tuwang-tuwa sa mga score nila at meroon namang hindi.
"Congrats."
Napatingin ako kay Bruise na katabi ko na pala at nakatingin din sa labas.
"Hulaan ko, top 1 ka ano?"
Hindi s'ya sumagot. Silence means yes. Psh kelan ba s'ya naging pangalawa?
"I have a bad feeling about this." Naramdaman kong tumingin s'ya sa akin. "Napapansin mo ba na sa tuwing natatapos ang exam maraming namamatay? Sunod-sunod? Malaking posibilidad na ganoon ulit ang mangyayari." Tumingin din ako sa kanya. "Ano sa tingin mo?"
"Yeah." Tipid nitong sagot at tumingin muli sa labas.
"Malapit na tayong umalis sa school na ito. Ayokong umalis nang hindi manlang nalalaman kung sino ang pumapatay at kung ano ang dahilan." Tuluyan na akong humarap sa kanya. "Bruise. Tulungan mo ako dito. I want everybody to stay innocent about this kaya ikaw nalang ang isasama ko para tulungan ako."
BINABASA MO ANG
Pass or Die?
Gizem / GerilimAlexandra Farzana is a 17-year-old normal girl student with a normal life. She doesn't believe that there is a real killer, not until she is the next victim. Her friend died and she can't do anything to save her life. She also witnessed how her fami...