Kabanata 28

48 3 1
                                    

Lumapit ako sa silid at sumilip sa salamin. Halos madurog ang puso nang makita ang iba pang mga bata na naroon sa loob ng incubator. Mga maliit na cord ang nakakabit sa kanilang katawan na konektado sa mga malalaking machine na naroon. Iginala ko ang paningin at natapuan ko ang aking anak. May maliit na tubo sa kanyang bibig na nagsisilbing suporta para makahinga siya. Nahigit ko ang hininga at unti-unting tumulo ang aking luha. Hinaplos ko ang kanyang repleksiyon mula sa salamin. Bakit sila pinapahirapan ng ganito? Unti-unti ay para akong pinapatay sa sakit. Mas masakit pala ang makitang naghihirap ang iyong anak.

Mas lalong nag-unahan ang aking luha nang maalala ang aking ina. Kung naramdaman ko ang ganitong pangungulila at pag-alala sa aking anak bakit si nanay ay hindi? O ganito rin siguro ang naramdaman niya at mali lang ako ng iniisip? Hindi naman ako nagkulang bilang isang anak pero bakit ako pinarurusahan ng ganito?

Natigil ako sa pag-iyak nang tumunog ng aking cellphone. Agad kong pinunansan ang aking luha nang makita ang pangalan ni Denise sa screen at agad kong sinagot ang kanyang tawag.

"Mads," bungad ko

"Pumayag na si Edward. Itetext ko na lang sayo ang address kung saan kayo magkikita."

"Okay. Salamat!" 

Nagpaalam muna ako kay Grace bago umuwi sa bahay. Naabutan ko itong tulog sa kwarto. Naawa na ako sa anak ko hindi ko na siya natutukan nitong mga nakaraang buwan. Hindi ko man gusto pero kailangan kong hanapin ang sagot sa mga problema ko.

Ilang araw nang hindi ako nakaligo kaya't napagpasyahan kong maligo muna. Saktong nagising si Arby pagkatapos kong magbihis.

"Mama," bumangon ito at umupo sa kama. Agad ko itong nilapitan at kinarga.

"Ang bigat mo,"

"Alis ka ulit?" Kumapit pa ito sa akin at isinubsob ang mukha sa aking leeg.

"Oo. May sakit kasi si baby Charene at bawal ka roon. Dito ka na muna kay kuya Robert ah, huwag kang magpapasaway." Ginulo-gulo ko ang kanyang buhok at inilapag na siya.

Para itong matanda na nakaunawa sa aking sinabi nang tumango at malapad na ngumiti.

"Lalo na lang po kami ni kuya Lobelto,"

Natawa pa ako sa kanyang sinabi. Hindi ko na napansing kahit bulol pa itong magsalita ay marunong na siyang kausapin.

"Roberto ikaw muna ang bahala kay Arby ah." Tumayo ako at tumingin kay Roberto na nakahilig sa may pintuan.

"Walang problema Cha," tugon nito.

Pagkalabas ko ng bahay ay saka tumunog ang aking cellphone at natanggap ko ang address mula kay Denise.

Parang may nag-uunahang kabayo sa dibdib ko pagkababa ko sa dyip na sinakyan ko. Tinanaw ko muna ang restobar bago ako pumasok. Medyo madilim ang paligid at hindi naman masyadong maingay. Mangilan-ngilan lang din ang tao sa loob kaya't agad kong nakita si Edward sa gilid na nakaupo. May suot itong itim na jacket at itim na cap at bahagyang nakayuko na para bang nagtatago. Humugot muna ako ng hininga saka lumapit sa kanya.

Hindi pa man ako nakaupo ay umangat na ang kanyang tingin sa akin. Diretso ang tingin ko sa kanya pagkaupo.

"Huwag na tayong magpaligoy-ligoy pa. Tungkol saan ang pag-uusapan natin?" diretsong tanong niya.

"Si Knee Yoz, nasaan siya? Anong alam mo tungkol kay Knee Yoz?"

"Wala akong alam sa kanya"

"Anong walang alam?" Tumaas ang sulok ng aking labi at inilapit ang sarili sa lamesa. "Magkakilala na kayo bago pa kami magsama kaya imposibleng wala kang alam," giit ko pa

Loosing Hope (Lonely Soul Series #1) - Slow UpdateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon