Chapter Seventeen
"Ma, anong sunod?" Kulbit nya sa Mama nya na nasa likod nya.
Ginising sya ng maaga nito para lang paglutuin. Hindi naman nya kasi forte ang cooking, pero makulit ang Mama nya. Since may asawa na daw sya, dapat daw alam na nya ang ganitong lutuin.
"Kumalma ka nga. Isunod mo to. Check mo baka masunog."
"Tapos?" Tanong nyang sunod.
"Ilagay mo na dito sa plato." Naiiling na sabi pa ng Mama nya. "Paano kayo kumakain ni Allen nito?"
Marunog naman sya magluto, ang pagpiprito lang ang ayaw nya.
"We ordered food for us, Ma. Pero kapag ako lang, I usually cook my food."
"Dapat itry mo ipagluto si Allen, after all he deserves that kasi uuwi galing sa trabaho, maano namang ipagluto mo."
"Ayos naman na sya sa order."
"Maiba ko," sunod sa kanya ng Mama nya dahil nagsisimula na syang maghain ng mga pinggan. "Kelan nyo balak tumira sa isang bahay?"
"Kailangan pa ba noon, Ma?"
"Symepre. Ano pa bang purpose nang pagpapakasal nyo?"
"Ma, kasal naman po kami sa papel lang. Wala pong love na involve."
Narinig nyang napabuntong hininga ang Mama nya kaya binalingan nya iyon.
"Mabait na tao naman si Allen, bakit hindi mo nalang itry sa kanya, Anak? Malay mo, mas lumalala pa?"
"Huwag na, Ma. Sanay naman na po ako."
"But it wouldn't harm you kung itatry mo?"
Hinalikan nalang nya ang noo ng Mama nya bago pinuntahan ang kwarto ng dalawang kapatid. Diyo sya dinala ng Mama nya kanina sa cottage nito.
Salo salo silang kumain ng agahan at pagkatapos ay sumakay na sila sa bangka. Nangako kasi syang itotour ang pamilya sa buong Isla. She's wearing a white one piece bikini while instructing her siblings how to swim.
Kinuhanan nya din ng litrato ang pamilya. Saglit pa syang namangha sa galing ng Mama nyang mag-dive.
Marami rami na silang napuntahang Isla dito sa at kalaunan ay nagpaayos sya ng lunch sa restuarant doon. After ng freshen up nila, sama sama na silang naglunch.
Nagpaalam nga lang sya pagkatapos kasi marami syang gagawin. Sumilip lang sya sa Craft Shop at pagkatapos ay tinungo na ang opisina ni Allen.
Binilin naman nya ang Mama at mga kapatid sa ibang staff incase na may kailangan ito.
Ang kailangan nya lang gawin ngayon ay maghanap ng engineer at architect na magpaplano ng renovation. She asked for Shinubo, good thing may nirekomenda naman ito. Sure naman kasi syang ayaw ni Shinubo kaya hindi na nya pinilit. At isa pa, madami pa itong kailangang gawin.
Sinantabi nya ang mga nakitang shipping details dito sa opisina ng asawa at ang binigyan ng pansin ay ang renovation. Masyado nya kasing pinopokus ang atensyon sa asawa na hindi dapat.
May sinend sa kanya si Shinubo na contact ng isang engineer. Tumayo sya at tinawagan iyon. Walang sumasagot kaya nag iwan nalang sya ng message.
Pagkatapos ay pinuntahan nya ang building na irerenovate. Tumayo sya sa gitna at pinakatitigan ang building. She wondered around, scanning the whole place.
Sobrang peaceful ng isla ngayon at ito ang gusto nya.
"Kailangan ko nang ma-contact iyong engineer para masimulan na ang renovation." Aniya habang nakasulyap sa cellphone.
BINABASA MO ANG
Island Series: Aliana Bernales (To Be Published Soon)
Ficción General(To Be Published Soon under Heart of Book Publishing) Aliana was left with no choice because of the pressure her father's kept on pushing, she choose to be selfish and didn't think of her family's situation, isa lang nasa isip nya. Ayaw nyang makasa...