"It's Friday! Friday! Gotta get down on Friday!!"
Malakas ang boses ni Regina nang kinakanta-kanta niya ang kanta ng American singer na si Rebecca Black ang kanta nitong "Friday" nang dumating siya sa bahay ng best friend slash pinsan niya galing sa trabaho. Nadatnan niya si Diane na nasa sala, naka-upo sa malaking sofa. Ngunit nagtataka siya kung bakit hindi ito nagrereklamo sa nakabubulabog na sintunado niyang boses. Kumanta siya ulit habang papalapit sa kinaroroonan ng pinsan. Minsan talaga kulang sa pansin itong si Regina.
"Everybody's looking forward to-the-weekend! Friday! Friday! Getting down on Friday!" Mas nilakasan pa nga ni Regina ang pagkanta ngunit hindi man lang siya pinansin ni Diane o kahit nilingon man lang. Tuluyan na bang nabingi ang pinsan niya? Tumigil nalang si Regina dahil dedma pa rin siya. Nakatalikod si Diane sa kanya kaya lumapit siya nito at nakita niyang nakatunganga ito at sa harap ay ang paubos na na alak at ang wine glass.
"Ayy kaya pala hindi ako pinansin kasi focused ka sa wine session mo. Ba't hindi mo man lang ako hinintay?" Biro pa ni Regina saka hinagis ang bag sa isang sofa at umupo siya mula para makaharap ang pinsan. At sa malapitan ay doon na niya napansing parang namatayan si Diane dahil sa lungkot na bakas sa mukha nito.
"Huy Diane.." Regina asks worriedly as she transfers to the side of Diane and tries to shake her cousin. "Wag mo naman akong biruin nang ganito. Okay ka lang ba?? Ba't ka ba naglalasing?!"
"Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, Regina." Mahinang sagot ni Diane habang nakatingin lang sa kanyang baso na nasa glass table sa harap.
"Sobrang.. sakit..""H-ha?" Naguguluhan si Regina. "Lasing na lasing ka na ah?? Ano bang problema mo? Hindi ba't successful yung naging event natin sa Martinez? Dapat magsaya tayo, hindi yung magluluksa ka na parang semana santa! Bakit ka ba umiiyak?"
"Ikakasal na ang lalakeng pinakamamahal ko.." Sabi ni Diane at napahagulhol na lamang siya.
"Ano?! Ikakasal na si Nicks?" Regina exclaims. "Nagkabalikan pala sila ni Daphne?"
"Hindi Regina. Si Alexander! Ikakasal na si Alexander!"
Sumagi agad sa isip ni Regina ang sinabi ni Vanessa noong pumunta sila sa launch party ng Sunshine Hotel ang tungkol sa kasal nina Sander. Sa susunod na sabado na nga pala yun..
"Teka, naguguluhan ako, Diane. A-akala ko ba naka-move on ka na? Boyfriend mo na nga si Nikolai diba? Ano na naman ba ang nangyayari sayo?!"
"Akala mo lang okay na ako. Akala ko rin! Oo, pinipilit ko lang ang sarili ko na maging okay. Nagpapakatatag ako, kunware okay na ang lahat.. pero nang nakita ko si Alex.." Diane takes a pause and takes a deep breath before continuing, "Nasasaktan pa rin ako. Alam kong hindi mo maiintindihan Regina, pero mahal na mahal ko siya.."
"Bwesit naman na pagmamahal yan, Diane! Hanggang ngayon hindi ka pa rin ba natututo?! Marami ka nang napagdaanang paghihirap nang dahil sa Alexander na yan! Pero ano ang nangyari sa huli? Wala! Nagkasira kayo! At ikaw ngayon ang kawawa!" Sermon pa niya.
Halos hindi na makahinga si Diane nang maayos dahil sa pag-iiyak kaya hinahagod na ni Regina ang kanyang likod. Namomroblema na naman si Rej sa pinsan niya. Sinubukang kumalma ni Regina para i-comfort ang best friend niya.
"You deserve so much better, Diane. Sana mamulat ka na sa katotohanan na wala na kayong pag-asa ni Alexander na magkabalikan pa. Yes, he came into your life. But he was never meant for you."
Hindi pa rin tumahan si Diane kaya nagpatuloy pa si Rej sa pagpapagaan ng loob niya. "Nandyan naman si Nikolai oh. Mahal na mahal ka non. Isipin mo, more than 20 years kayong hindi nagkita. Pero hanggang ngayon mahal na mahal ka pa rin niya. Ikaw pa rin ang babaeng gustong-gusto niya. Hindi ba't sobrang mahal mo rin siya dati? Bakit hindi n'yo nalang ibalik yung nakaraan ninyo? Palayain mo na si Alexander. At sigurado akong lalaya ka na rin, Diane. Magiging masaya ka na sa piling ni Nikolai."
BINABASA MO ANG
Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)
FanfictionSTRONG-MINDED. SOPHISTICATED. PASSION and CAREER-DRIVEN. Ganyan mailarawan si Diane Martinez, ang boss ng Martinez Company. TIMID. SMART-BUT-SLOW. CONSERVATIVE. Ganyan naman niya i-describe ang kanyang ordinaryong empleyado na si Vanessa. But there'...