Chapter 19

2.8K 86 13
                                    

" Something happened?"

Nag angat siya nang tingin mula sa pagkain at hinarap ang kanyang ina na mataman na nakamasid sa kanya.

" What happened, Mom?"

Ganting tanong niya at tiningnan lang siya nito nang masama.

" You're not grumpy anymore. Nakangiti ka na lang mag isa. Anong nangyari sa iyo, Sebastian?"

"Mom, ayaw ninyo noon? Masaya ako?"

Natatawa niyang tanong sa kanyang ina na matiim na nakatitig sa kanya.

" I'm not against you being happy. Basta ba legal ang pagiging masaya mo. You're not into drugs, are you?"

Seryoso pang tanong nang kanyang ina, hindi na niya napigilan ang malakas na pag tawa.

" Mommy saan nanggagaling iyan?"

Tanong niya dito na sumulyap siya sa kanyang ama na nakikinig lang sa kanilang usapan.

" Is it because of a girl? The model that recently seen both of you in a bar? Who is she again?"

Sunod sunod na tanong nito.

" Dhanya Miranda, Mom."

Sagot niya dito na nakangiti.

" Siya ba ang dahilan nang pagiging masaya mo? May plano ka na bang mag asawa?"

Muli ay sunod sunod nitong tanong.

" Nag sisimula pa lang ako bilang CEO, Mommy. Hindi pa ako mag aasawa."

Tiningnan lang siya nang kanyang ina nang matiim.

"Sebastian, if something is bothering you. Tell us, okay?"

Nginitian niya ang kanyang ina, kaya kahit pwede naman siyang hindi na muna umuwi dito sa kanilang mansion hindi niya magawa. Alam niyang silang mga anak ang nagpapasaya sa kanyang mga magulang.

" Mommy, are you sure anak ni Tito Theo is Czesta?"

Hindi niya napigilan na tanong, baka may alam ang mga ito na hindi nila alam.

" Parang kabute na lang na sumulpot si Ate Olga na kasama si Czesta, claiming your Tito Theo is the father of her child. Si Kuya Theo pa ang nag pa DNA for the proof. So, yes anak niya si Czesta kaya nagpakasal sila then Logan came."

"C'mon Mom, I know that story."

Biglang siya nakadama nang panlulumo.

" Ano naman naiisip mo Sebastian?"

Singit nang kanyang ama sa kanilang usapan.

" Nothing Dad. I'm just wondering why Tita Olga wants to send Czesta away."

Pagdadahilan niya na agad naman kinunutan nang noo nang kanyang ina.

" And why not? Even Terry is in the US? And that doesn't mean ampon natin si, Terry?"

Parang napapantastikuhan na tanong nang kanyang ina sa kanya.

"Nah, just forget it, Mom."

Sabi na lang niya at mabilis na tinapos ang pagkain.

" I may not be around for weeks. May nabili akong property and I want to personally  handle everything."

Paalam niya sa mga magulang.

" Where and what is your plan in that property of yours?"

Boss Series 8: The boss hidden desireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon