Chapter 18

1.3K 118 71
                                    

Chapter 18

"Nasa dad mo naman ang marriage contract niyo, diba? Kung hindi pa registered edi iparehistro mo na. I don't think tutol siya kay Arwen. Diba nga sila pa ang nagpakilala kay Arwen sayo? Talk to him first para malaman mo ang rason niya. Huwag mong pairalin ang galit mo." Si Chaos.

Naihilamos ni Killer ang mga palad sa mukha. Hindi ganoon kadali iyon! Alam na ni Arwen! Huli na para iparehistro pa niya iyon! "You don't understand.."

"By the way, ano na? How's Kace?" Tanong nito.

Napamura si Killer. "Shit! We're still running a DNA test. The body got burned because of the explosion so we are not sure if that is really Kace. Damn, whoever did this to him, I will make them pay big time!"

Natahimik ang kanyang pinsan. Alam niyang gusto nitong tumulong pero humingi siya ng pabor rito na bantayan muna pansamantala si Arwen.

"Chaos, thank you for the help. Pwede ka ng umalis."

Umiling ito. "You're not okay. How can I leave you?"

Sumandal siya sa sofa at hinilot ang sentindo. Mag-aala una na ng madaling araw. Pagod siya pero wala siyang maramdamang antok.

"Killer, you said that you don't want to get married. Isn't this good for you? You are still free. You can still pursue Ali."

Tiningnan niya ang pinsan. "No.. I —"

Nagsalubong ang kilay nito. "Don't tell me that you fell in love with her?"

Marahas na bumuntong-hininga si Killer. "I like her. I want her. I don't want to let her go."

"Oh fuck — you love her!"

Natigilan si Killer. Does he really love her? His heart clenched in pain. Naramdaman niya ang pagsisikip ng kanyang dibdib nang maalala si Arwen. Nagsisimula na ring sumakit ang kanyang ulo dahil sa kakaisip rito!

"Oh, man.. You really fell for her. Can't blame you. She seems like a nice girl and she's very beautiful."

"She's an amazing woman.."

Tinapik ni Chaos ang kanyang balikat. "Then, tell her that you love her. Kung huli na ang lahat para iparehistro mo ang kasal niyo, magpropose ka nalang ulit. Easy! Damn man, huwag mo ng pahirapan ang sarili mo."

Iniiling niya ang ulo. "I still have another problem. Shit! Bakit ba sunod-sunod na nangyayari ang mga 'to sa 'kin!" Napasabunot siya sa sariling buhok.

For now, titiisin muna niyang hindi kasama si Arwen. Kailangan niyang makausap si Warrior at kailangan din niyang makita si Arielle! He also needs the result of the paternity test of him and Hailey! Kapag nalaman na niya ang resulta, saka na niya kakausapin ulit si Arwen. Magpapaliwanag siya rito.

"What is it?"

Tumayo siya at tinalikuran si Chaos. "You can use the guestroom. Magpahinga ka na. Aakyat na 'ko sa kwarto."

Pagdating ni Killer sa kwarto ay agad na hinubad niya ang damit at sumampa sa kama. He can smell Arwen's scent on his bed at namimiss niya ito. Ilang oras pa lang silang nagkahiwalay pero pakiramdam niya ay ilang taon na ang lumipas. Binalot ng lungkot ang kanyang puso. Without Arwen by his side, his heart feels empty.

"Arwen.."

He tried to dial her number pero nakapatay na ang cellphone nito. Ilalapag na sana niya ang cellphone sa bedside table nang bigla iyong tumunog. Mabilis na tiningnan niya ang caller ID. It's his brother Warrior.

"Warrior, good timing. I want to talk to you."

"I called to tell you that — i-it's really Kace. The burned body was Kace's body. He's dead, Kill."

Ainegel Bros. : Killer's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon