Ynna's POV:
WARNING: To my sensitive readers out there if you are not comfortable with this scene and if you find it disturbing you can escape this part and proceed to the next chapter. Violence ahead❗
Hinang-hina na ako, mabuti na lang at umalis na muna sila dahil hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Ako lamang ang mag-isa sa silid na ito gusto kong makakita ng liwanag.
Dahil sa sobrang dilim pakiramdam ko nabulag na ako dahil ni isa wala akong makitang liwanag o di kaya kahit butas man lang.
Tanging pag hinga ko at huni ng ibon lang ang naririnig ko, alam kong nasa gubat kami dahil sa huni ng ibon, naririnig ko rin ang bawat galaw ng mga sanga ng puno dahil sa hangin.
Kahit gustohin ko mang uminom ay hindi ko magawa dahil hindi nila ko hahayaang kalasin ang tali sa kamay at paa ko. Hindi rin ako maka hinga ng maayos dahil kaunting hangin lang ang pumapasok sa loob, dagdag mo pa ang nakatakip sa bibig ko.
Gusto kong tanongin iyong lalaki kung bakit ganoon na lamang ang galit niya kay Czech, ngunit dahil nakatakip ang bibig ko hindi ko iyon maibuka. Naliligo na rin ako sa sarili kong pawis, ang hahapdi ng galos ko sa braso at tuhod sanhi ng pagkadapa ko kanina at nahulog sa hindi kataasang bangin.
Sa sobrang sakit ng katawan ko pakiramdam ko nabalian ako ng buto. Sana naman maisipan nilang painumin ako o di kaya'y pakainin dahil sa totoo lang kanina pa kumakalam ang sikmura ko hindi pa naman ako naka pag agahan kanina.
Ginalaw-galaw ko ang paa at kamay ko dahil nangangalay na ito sa higpit ng pagkakatali nila, kahit anong gawin ko yata para lang makalas ko ang tali na'to ay hindi ko iyon magagawa dahil sa higpit nito at ang sakit-sakit na.
Hinihiling ko sa diyos na sana'y makawala na ako rito dahil natatakot na ako sa kung anong kaya nilang gawin, nakita ko sa mukha nilang hindi sila mag dadalawang isip na saktan ako.
Ayos lang sa akin kung sasaktan lang nila ako huwag lang ang pagsamantalahan dahil hindi ko iyon makakaya mas gugustohin ko na lang ang mamatay ng maaga kaisa gahasain nila ako ng walang kalaban-laban.
Muling umataki ang kaba sa dibdib ko ng makarinig ako ng yabag ng sapatos patungo rito, iniisip ko pa lang na babalikan na naman nila ako ay kusang namalisbis ang luha galing sa mga mata ko.
Tuluyan ko nang ipinikit ang mata ko ng mariin ng bumukas ang pintuan, muli na namang nagkaroon ng liwanag. Napaigtad ako ng may lapastangang humawak sa binti ko pataas sa hita ko kahit anong pag pumiglas ko ay hindi ko siya malabanan dahil bukod sa nanghihina na ako ay malaki rin ang katawan ng lalaking 'to.
"Dalhin mo siya rito." Mababakas sa boses ng lalaki na nakangisi ito at alam kong siya 'yong lalaking may peklat sa pisngi.
"Hmmm!" Gusto kong sumigaw ng malakas ng biglang hilain nung lalaki ang binti ko. Katulad ng ginawa nila kay Celestine kanina, hila-hila ako nang lalaking kanina'y hinahaplos ang binti ko.
Ang sakit-sakit na ng buong katawan ko dahil sa pagkiskis ko sa sahig habang hinihila ako nung lalaki. Napasinghap ako ng may humawak sa uluhan ko at 'yong kaninang lalaking humihila sa akin ay hawak na niya ang magkabila kong binti at walang kahirap-hirap nila akong binuhat at pinatung sa lamesa.
Naipikit ko ng mariin ang mata ko dahil sa pagkasilaw, nakahiga ako sa lamesa at may malaking ilaw na nakabitin sa ibabaw ko alam kong kitang-kita ako ng lahat ng tao sa silid na ito dahil sa akin lamang nakatutok ang liwanag ng ilaw.
"Hinang-hina na'yan at hindi na makalaban. Mas maganda kung tatanggalin niniyo ang tali sa kaniya at ang tape sa bibig niya. Mas exciting, lalo na pag nagpupumiglas at sumisigaw mas lalo kang gaganahan."
BINABASA MO ANG
Serving The Señorito [Obsessed Series #1]
RomanceCOMPLETED✅ Living in the province is a wonderful experience especially if you are with your family and you enjoy living even if it is not luxurious. Katulad ni Ynna, kuntento na siyang makasama ang kaniyang magulang at nag-iisang kapatid. Kahit mah...