Sunghoon pov.
Pagdating ko sa ground medyo marami ng tao. Nilusot ko na din si jungwon at jay kanina. Si sunoo daw ay 6:30 pa, sharp. Dami na ngang nagtitinginan samin. Grabe ang mga pormahan ng mga atabs ko.
"Jay hyung! Pag may nagpapicture sayo, pumayag ka ha! Basta, pag may nagpapicture sakin, payag ka din." Sabi ni jungwon kaya natawa kami. Si jay naman, niyakap lang si jungwon.
"Naiinis na ako sa mga tingin sayo, jake! Parang gusto kong manakit." Reklamo ni heeseung. Kaya mas lalong nagtawanan kami.
"HinDi ba pupunta si riki?" Tanong ko.
"Hindi bro! Umuwi ng japan! He's going to celebrate Christmas there." Sabi ni jake. Tumango na lang ako.
"Master!!!!!" Paglingon ko si jiro.
"Gwapo natin ah! Ebarg ka." Sabi ni garci.
"Master, si hera nga pala." Sabi ni achil. Ngayon ko lang napansin na may kasama pala silang babae.
"Hera Mallari po." Sabi nya. Ngumit lang sila jay.
"Sunghoon Park!" Ngumiti lang din ako.
"Uy jungwon! Nasan si sunoo?" Sabi nya. Magkakilala pala sila.
"Hay nako, wala pa! Ang bagal kasi eh, 6:30 pa daw sya." Explain ni jungwon.
Tinawagan ko na si sunoo, dahil 6:20 na. Dapat on the way na sya, baka matraffic sya.
Sunnie Cutie ringing....
"Hello? Park! I'm on the way." Sabi nya agad.
"Okie, ingat ka!" Binaba ko agad dahil nagdadrive pala yon.
"Kuya! Pwede po picture?" Tanong nung isang babae, mukhang dayo dito.
"Ahhh sige, wait lang ha!" Sabi ko, tinignan ko muna phone ko.
Saktong 6:29 nag text sya sakin. Nasa gate na daw sya. Pinasundo ko na lang sya kay jiro at garci.
"Hoy jaix! Sunduin nyo nga si sunoo! May fans eh, sabihin mo di ako makaalis dito." Sabi ko sa kanya.
"Eto naman!! Paskuhan na, maguutos pa." Reklamo nya pero sumunod din naman.
Nakipagpicture na rin ako. Pinagtitinginan na nga kami dito. Kahit si jay at jake marami nadin lumalapit. Humingi agad kami ng pasensya maya maya, dahil hindi na namin tinanggap yung iba. Syempre, gusto din namin magsaya. Nagulat ako ng lumapit si phen.
"Kuya!" Tawag nya.
"Oh, phen! Saan kayo?" Tanong ko. Habang tumatagal dumadami ang tao.
"Medyo sa unahan. Kanina pa kami dito eh." Paliwanag nya.
"Nasan si kheila? Akala ko ba nililigawan mo." Sabi ko.
"Andun! Iniwan ko muna! Hinihanap kita kasi, sasabay sana ako, umuwi sayo pa dasma." Sabi nya.
"Ha? Eh.. baka monday pa ako ng gabi umuwi. May meeting pa kami sa monday." Sabi ko sa kanya.
"Ahhhh... ganon ba? Sige kuya! Una na lang ako, baka bukas ng tanghali. Ingat ka kuya! Sige alis na ko. Ay wait, nasan na si kuya sunoo? Di mo inaya?" Tanong nya.
"Pinasundo ko na kila jiro." Sabi ko. Bumati lang sya saglit kila jay at umalis na din sya.
"Bro! Hindi mo naman sinabi na may fansign na, magaganap dito." Natatawang sabi ni jay.