Nagising ako kasabay ni Ate Trese. Pinaligo nya muna ako saka pinahiram ng black dress na hapit, di naman ako sanay sa mga ganitong damitan kaya sinuot ko din yung long sleeve ko na suot kahapon.
Dahil walang magbabantay kay Hank, nag volunteer ako na ako na lang ang magbantay sa kanya. Alam ko namang hindi ako papayagan ngayon ni Paps na pumunta sa kung saan, alam ko din naman ang pag alala nya sakin.
Tinupi ko ang damit ko na ginamit kahapon, nag luto nga ng agahan si Basilio pero tumanggi ako na kumain. Napagpasyahan ko ng magpaalam, "Mauuna na po ako sa inyo" sabi ko at lalabas na sana ng pintuan ng sumagot si Crispin mula sa kusina.
"Ihahatid ka ni Basilio, Detective!"
"Huwag na, kaya ko ang sarili ko!" sigaw ko pabalik. Binuksan ko ang pintuan saka binuksan ang pinto, ayokong makasabay si Basilio ngayon.
"Hi, Commander!"
"Anak ng!" napasigaw ako. Humarang pa sya lalo sa daan, "Excuse me.." sabi ko at tumungo. "Ayoko nga" sagot nya. Hindi na ako nag dalawang isip na itulak sya palayo para makalabas ako.
Palabas na ako ng karsada may bumisina sakin, na patingin ako sa gilid ko at naroroon si Basilio na nakasakay ng sasakyan. Napailing ako, hindi na ako nasurpresa ng matagpuan si Basilio na nasa kotse na. Sa lahat ng imposible ngayon nagiging posible na.
"Okay lang ako" sabi ko at pilit na ngumiti saka naglakad sa kabilang direksyon. Narinig ko ang papalapit na sasakyan sakin kaya tumabi pa ako para di mabangga.
"Lagot ka kay Bossing pag malalaman nyang di ka sumabay sakin, nako nakakatakot pa naman yong magalit" sabi ni Basilio na nasa loob ng sasakyan.
Hindi ako sumagot at nagpatuloy lang na maglakad. Alam kong weird parin ang lakad ko dahil sa nangyari kahapon. Bwiset kasi si Basilio e'.
"Baka sabihin nila nasagasaan kita dahil ang weird ng lakad mo, Commander" sabi ni Basilio kaya napatigil ako, ganoon rin ang sasakyan nya na nakasunod sakin. "Ang kapal mo namang sabihing weird ang paglalakad ko! Eh ikaw naman may kasalanan nito!" sigaw ko sa kanya at naglakad na ng mabilis. Agad namang nakasunod sakin si Basilio.
"Sumakay ka na Commander. May aso dyan sa sunod na kanto baka hagadin ka, mahihirapan ka nyang tumakbo" wika ni Basilio na para bang nagsasabi sya ng totoo. Takot ako sa mga aso, ayoko naman na gawin nila akong agahan kaya nagbago ang isip ko.
Binuksan ko ang pintuan sa Back seat kaso naka lock ito. "Buksan mo to' Basilio" sabi ko habang hinahatak ang pinto pa bukas. "Di ka dyan pwede, Commander. Para mo naman akong ginawang driver" sabi ni Basilio saka itinuro ang shotgun seat. Wala akong nagawa kaya naupo na ako sa harapan.
Sweet bread! Yung axe body spray umaalingasaw! Nanghihina ang tuhod ko! Pagka seat belt ko nagsimula ng umandar ang kotse. Nagkaroon ng katahimikan ng sandali bago pa magsalita ulit si Basilio.
"Ang ganda mo, Commander. Good morning din, di mo kasi binasa yung chat ko sayo" sabi nya habang nakatingin parin sa daan. Hindi ako kumibo at nilagay na lang ang atensyon sa mga nadadaanan namin.
Good morning my ass.
"Tell something please..." pag mamakaawa nya. "I hate it when you're ignoring me" dagdag nya. "Bakit ba ayaw mo akong kausapin? Di ako nakatulog sa kakaisip kung bakit" sabi nya.
Ang tanga mo, Basilio. Ang tanga tanga mo.
"Come on, let's talk about it so we can fix it" Sabi nya. "Wala naman tayong kailangan pang pagusapan, isa pa wala namang tayo kaya wag ka gagamit ng salitang we" sabi ko. Na tahimik sya ng ilang segundo. Napansin ko din na wala namang aso e'. Niloko na naman nya ako.
BINABASA MO ANG
Americana // Reader x Basilio // Fanfiction
FanficReader x Basilio [Tagalog] 16+ (currently on hold) It starts with Alexandra Trese who works with Detective Guerrero, a supernatural investigator and daughter of Captain Beau Guerrero. She's not a babaylan by blood but she's interested with those th...