Forlorn
Pakiramdam ko ay pasan ko ang problema ng buong mundo. At sobrang bigat nito. Sobrang bigat ng dibdib ko. While carrying my bag pack behind me I was walking in the side of the road from nowhere.
Malayo ang tinakbo ko para makawala sa mga tauhan ni daddy na naghahanap sa akin. I also turned off my phone para hindi ako masundan sa gps. Malalim na ang gabi ngunit hanggang ngayon ay wala akong maisip na tutuluyan. Basta ang alam ko...ayaw ko nang bumalik sa impyernong buhay na 'yon. Ang gusto ko na lang ngayon ay hanapin si mommy at sumama sa kanya kung nasa'n man siya ngayon.
Bakit kaya? Bakit kaya hindi niya ako sinama? Akala ba niya ay magiging masaya ako kay daddy? Hindi ba niya naisip na walang halaga ang mga salapi ni daddy kumpara sa pagkawala niya?
Gusto ko na lang maglupasay dito sa daan at magsisigaw, iniisip na sa gano'ng paraan bigla na lang magpapakita sa akin si mommy at isasama na kung saan man siya pumunta.
Tears formed in my eyes while slowly walking in the side of the road. Hindi ko alam kung saa'ng part na ako ng Lucena. At hindi ko rin alam kung saan ako magsisimulang maghanap kay mommy.
Tumingala ako sa madilim na kalangitan. Wala man lang stars na makikita doon. Malungkot akong ngumiti nang may isang tao'ng sumagi sa aking isip. I know na hindi ko dapat siya isipin sa ganitong sitwasyon...but I can't help it. Sa ngayon...ang pangalan na lang niya ang nakakapagpalakas sa akin. Hindi ko alam na ang nararamdaman ko pa sa lalakeng ito ang magpapalakas sa akin ng loob.
Nang makakita ako ng bench sa tabi ng daan ay agad ako doo'ng umupo at pinanuod ang mga sasakyang dumadaan sa kalsada. Inilabas ko ang aking wallet at tiningnan ang laman nito. Napabuntong hininga ako nang makita na 500 pesos lang ang laman nito. I have credit cards and Atm pero ayaw kong gamitin ito dahil alam kong mate-trace ako rito.
Is there an apartment that I can sleep in with only with a cost of 500 pesos? I think...none.
Bwisit na buhay! Wala na bang mas kamalas malas pa dito?!
Tinitigan ko ang phone ko at may isang tao'ng gustong tawagan
Si ate Rosa.
Siya lang ang tao'ng makakatulong sa akin dahil minsan siya'ng naging malapit kay mommy. Pero paano ko siya matatawagan? Hindi ko man lang alam ang phone number niya?
Hindi ko mapigilang mainis sa sarili! Bakit ba napakagulo ng buhay ko? I am so frustrated that I almost throw my things away.
Nagpasya ako na pumunta sa isang convenient store para bumili ng makakain. I was busy choosing a snack or something to eat when I heard the television inside that store.
My lips parted while hearing the reporter.
"Kasalukuyang pinaghahanap ang nawawalang anak ni Senator Juando Nicio. Huli itong namataan..."
Napapikit ako ng mariin dahil doon. Damn it! At talagang pinalaganap niya pa ito sa publiko?! Damn! Bakit ba hindi niya na lang ako hayaan? Nasa tabi niya ang kabit at anak nito! Hindi pa ba ito sa sapat kay daddy?
Nagngitngit ako sa galit habang nakatungong nagbabayad sa cashier para hindi ako mamukhaan. Mabilis akong umalis ng store at nagmukmok sa isang sulok ng isang abandonadong parke. Like I said, hindi ko na alam kung nasa'ng parte na ako ng Lucena.
Hindi ko rin akalaing doon ako nakapagpalipas ng buong magdamag. Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha.
Damn! Never in my entire life I'd imagine that I could sleep outside!
Napalunok ako at agad namuo ang takot. What if may bandido na umatake sa aking sa buong magdamag na 'yon? Thinking about it makes me shiver. Hinding hindi ko na 'yon uulitin!
BINABASA MO ANG
Broken Days (SUAREZ SERIES #3)
RomanceMaria Jezebel Nicio only wants one thing. And it is to escape from her father along with her mother. She focused in that mindset until a man shattered it all. Ang kanyang batong puso ay unti-unting nabubuksan. His eyes makes her forget her pain, his...