"Bilisan mo naman ang kilos mo!"
Sinamaan ko ng tingin ang kaibigan kong si Astrid dahil sa kanina niya pa ako minamadali. Basketball game lang naman sana ang papanoorin namin pero kung maka-asta siya, akala mo naman may flight kaming hinahabol.
"Ikaw nalang kaya pumunta, tutal ikaw naman ang atat!" Naiiritang sabi ko pero inirapan lang ako ng gaga! Hinablot ko na ang phone ko saka lumabas ng condo.
"Kailangan kasi nating makaupo sa mas malapit e" Sabi niya na naman. Hindi ba natitikom ang bibig nito? Putak ng putak ang botse nitong babaeng 'to, ang sarap busalan!
"E, 'di sana umuna ka nalang! Kaya ko naman manood ng nakatayo e kung wala ng upuan"
Pumasok na ako sa kotseng dala niya saka niya iyon pinaharurot paalis. Kami lang dalawa ang magkasama ngayon dahil may family dinner daw sina Keirra, habang birthday naman no'ng pamangkin ni Colleen. Si Sue naman wala dahil nasa Churchill siya ngayon."Anong team ang mag lalaro?" Tanong ko sa kaniya dahil kinakabahan ako e, parang may mangyayari mamaya.
"Sea Sparrow vs White Dragon" simpleng sagot niya. "Don't worry, alam ko kung sino ang mga player. Hindi kasali ex mo"
"Siguradohin mo lang dahil kung hindi, lulumpuhin talaga kita" inirapan niya lang ako.
"As far as I know, nasa New York and ex mo! Kaya walang tendency na magkikita kayo ngayon girl" ako naman ang umirap sa kaniya. Mas mabuti na maging maingat ako, 'no? Hindi ko pa siguro kayang makita siya.
Naging mabilis naman ang byahe namin dahil parang nasa karera naman itong driver ko. Parang pro kung umasta ang gaga!
Hinila na niya ako agad papasok sa loob ng court. Nang makita niya ang pinsan niya na player ng WD ay hinagis na niya doon ang susi ng kotse. "Upuan" sabi niya dito."Nandoon banda" tinuro na sa amin ng pinsan niya ang pina-reserved niyang upuan. Nangunot naman agad ang noo ko nang makita ko ang sign na nakalagay sa upuan. Gagio! Kaya pala walang umupo doon!
Reserved for special child
"Wow! Mukha ba kaming special child, Marcus?" Mataray na tanong ni Astrid sa pinsan niya pero tinawanan lang siya nito bago ito pumunta sa harap dahil tinawag ito ng coach niya.Umupo na kami sa upuan na pina-reserved ng pinsan ni Astrid at tinanggal na din namin ang nakalagay na papel doon. "Okay lang sana kung reserved for special ladies pero special child? Tarantadong 'yon!"
"Move on na, okay?"
Tumahimik na kaming dalawa dahil pinapakilala na ang bawat manlalaro sa bawat team. Naka white jersey and team namin habang 'yong kabila naman ay dark blue. Unang pinakilala ang kabilang team at isa-isa silang nagsilabasan sa entrance.Mas lalong umusbong nag hiyawan nang team nang sa amin na ang ipapakilala. Home court namin kaya halos ang nanonood ay sumusuporta sa White Dragon. Sikat ang WD sa buong Oxford dahil kung saan-saan na nilalaban ang team nila. Pumapangalawa din ang probinsya namin sa may mga pinaka-mahuhusay na manlalaro.
Paano ba naman kasi, mga halimaw sa basketball itong mga 'to slash mga babaero kaya magaling mang-agaw, magpaikot at manluko ng kalaban!
"Syempre, uunahin natin ang ating pinakamamahal na Captain! Deik Lazaro!" Halos mabingi ako sa sigawan ng mga babae sa loob ng court. Sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto diyan maliban sa akin?! E ang gwapo naman kasi niya at mahilig sa bolahan, kaya nga Captain e! Pinuno ng mga dakilang manluluko at babaero.
"There's more! Kung nandiyan si Captain Deik, hindi naman mawawala ang kaniyang partner. Syempre si 'insan! Kiel Lazaro!" Alam ko at sigurado akong hindi lang mga babae na nag-aaral sa school namin ang sumisigaw dahil pati na 'yong mga babae sa kabilang team ay nakikisigaw na din.
Well, hindi nga ako nadali ni Deik pero minsan din namang humanga ang puso ko sa pinsan niya, kay Keil!
"Relax girls, hindi pa magugunaw ang mundo" natatawang sabi no'ng announcer "Ang susunod ay walang iba dahil siya ay nag-iisa lang daw sa mundo. Marcus Tan!"
Nakita ko ang pag-ngiwi sa mga labi ni Astrid nang matawag na ang pinsan niya. Hindi nadin magkamayaw ang mga babae dito sa court. Anong bang meron doon sa tatlo at grabe naman sila kung makasigaw?!
Tinawag na 'yong iba pang mga player na hindi ko naman gaanong kilala pero sikat din dahil mula kanina hanggang ngayon ay hindi padin tumitigil ang mga babae sa kakasigaw para sa bawat player na ipinapakilala.
"But wait, everyone! Oxford was known as the Province of surprises. So, bakit hindi tayo mag bigay ng surprise ngayon sa lahat ng taong nandito ngayon sa court"Napuno ng bulong-bulongan ang court dahil doon sa sinabi no'ng announcer. "Anong surprise naman 'yan?"
"Baka may bagong recruit na player tapos artista, o 'di kaya baka sikat na model" kibit balikat na sagot ni Astrid.
"Nakakagulat pa ba 'yan? E 'yan si Keil and Deik nga model, tapos 'yong isang player sa kabila ay artista"
"Well, malalaman natin"
Binalik na namin ang atensyon namin sa announcer dahil pati ako at si Astrid ay na-iintrega na sa surprisang sinasabi nila.
"Nagbabalik sa court! Ang three pointer ng WD, Treland Lacosta!" Laglag ang panga ko nang makita ko siyang tumatakbo papasok ng court.Nakuyom ko ang kamao ko habang nakatingin sa mukha niyang masaya. Sa kabila ng ingay ng mga babae ay rinig na rinig ko padin ang tibok ng puso ko. Naramdaman ko naman ang kamay ni Astrid na humawak sa kamay ko kaya napalingon ako sa kaniya. "Sabi mo wala siya"
"Surprise nga 'di ba? Na surprised din ako" iniwas ko nalang ang tingin ko sa kaniya. Tama naman siya, wala siyang kasalanan! Surprise lang ang lahat, wala siyang alam.
"Before he leave last year he told us one thing, right boys?" Tanong no'ng announcer kila Keil. "Ano nga 'yong sinabi niya?"
"After healing, I'll be back to chase my love again!" sabay na sigaw nila. Mas dumoble ang ingay ng mga tao dahil pati mga lalaki ay nakikisigaw nadin.
Ayukong isipin na ako ang her na sinasabi niya dahil alam kong hindi magiging ako. Nakapinta na sa utak ko ang huling salita na binitawan niya kaya alam kong hindi ako.
"Hala! Baka si Dianne ang tinutukoy niya"
"Bagay naman sila! Nakakainggit naman"
Binalewala ko nalang ang mga bulongan nila dahil ako lang ang masasaktan. Well, palagi naman siguro akong nasasaktan. Araw-araw!
"Pwede ba naming malaman kung sino siya?" Nakangising tanong no'ng announcer.
"Secret na 'yon! 'Wag niyo ng alamin lahat" natatawang sagot ni Trel.
"Okay! Tignan mo nalang siya kung nandito man siya at sabihin mo ang mensahe ng pagbabalik mo...sa buhay niya" nakangising sabi nu'ng announcer sa kaniya.
Lumipat ang tingin ko kay Treland nang marinig ko ang tikhim niya sa mic at halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang magtagpo ang mga mata namin.
"I'm back" maikling sabi niya
Napako ang paningin ko sa kaniya at hindi ko mapigilang mapangiliran ng luha dahil sa dalawang salitang sinabi niya. Pero agad akong nanlamig nang marinig ko ang iritan ng mga babae sa likod ko kaya napalingon ako doon.
"Omg, Dianne! Sa'yo nakatingin si Treland" tuloyan nang tumulo ang dalawang butil ng luha sa mga mata ko nang mapagtanto kong hindi pala ako ang tinitignan niya, na hindi pala ako ang sinabihan niya no'n.
Dahil nakita ko si Dianne na nakaupo sa likod namin habang nakatingin ng diritso kay Treland.
WriterEye :)
YOU ARE READING
The Waves Of Life (Batch 21 Series #1)
RomanceTreland Lacosta is always at Heitrice side to support and comfort her and Heit did the same thing to Trel. But is it right to just leave the person without any reason? Of course it's not.