Dear Readers,
Amoy ulam na ba kayo?! Let’s do the—Ayoko nga. Sawa na ako sa “Rubadabango” eh.
Hmm… Paalala lang po. Ang mga pangyayari sa storyang ito ay gawa-gawa lamang. Ngunit ang ilan sa mga ito ay totoo talagang nagyari para magbigay lamang nang pasasalamat sa mga taong nasangkot sa pangyayaring iyon. Ang mga pangunahing tauhan ay kathang-isip lamang. Ang kanilang mga itsura at ugali ay hindi tumutukoy sa isang kilalang tao o kahit sino man. Kung sakto naman ang paglalarawan ko sa isang taong kilala niyo, pwes. Hindi sila yun, okay? Iwas isyu lang. Hihihi.
Sana po magustuhan niyo. Wala lang. Baliw po ako eh. May napiga lang bigla sa isip ko. :-) Birthday special ko po ito kaya nakahiwalay sa collection ko. :D
Happy Birthday to me! :’)
Enjoy!
___________________________________________________________
Jokes are half-meant. So if you tell a joke, you semi-mean it.
___________________________________________________________
Nagsimula sa joke…
[Her Side]
© Torpedobelly
“Coleeeeen! Bilisan mo na!”
Normal day sa school. Halos nga wala kaming klase kasi… periodical test namin bukas? Ewan. Bakit naman sila aabsent, dba?
Simula nung nagpasukan na ulit, nagkandabaliko-baliko na ang aking buhay. Ewan. Nababaliw na ako. Madalas kasi gusto ko na lang humilata sa sahig at matulog. Kaso… nakakahiya ano! Maraming lalaki sa room. Baka kung ano pang maisip nilang gawin… Dejk! Yuck. Eeww.
“Coleen! Ano nang gagawin natin mamaya?”
Si… Wait. Di pa pala ako nagpapakilala. Huhuhu. Kakahiya! Kwento ako ng kwento, di niyo pa pala ako kilala.
My name is Jairah Coleen De Mesa Patajorran. Oh? Anong basa niyo sa surname ko? Hohoho. Pa-ta-HO-rran po yung basa sa surname ko. Share! I’m 15years old, turning to 16 sa Friday. Lupet ano? Hohoho. Share ulit! Hilig ko mag-share ano? Yaan niyo na. Story ko na man ito eh.
Yung mga kaibigan ko, “Jaja/Ja” yung tawag sa akin. Yung mga classmates ko naman na iba, “Jairah/Jai” yung tawag nila sa akin. Pero… may isang tao na tumatawag sa akin ng “Coleen.” Malay ko ba sa kanya! Cute daw yung name ko eh. Otis ano? Hihihi. Jk.
“Hoy Coleen!”
“Ay palaka!”
“Di ako palaka!”
“Sorry! Ba’t ka ba naninigaw?”
“Ay, sorry. Hahahaha.”
Gwapo! :”> Well, siya lang naman yung pinakagwapong lalaki sa classroom, sa batch, at pati na rin sa school. Heartthrob yata yan! Ayy. Redundant? Halos lahat na yata ng babae naglalaway kapag dumadaan siya. Makita mo lang siya… Haaaay. Himatay. Hohoho.
Pero ang isang niyang kahinaan ay… TENEN! Di siya marunong ngumiti. Weird ano? Sa pictures lang naman. Pero kapag kausap mo siya… walang oras na di mo siya nakitang ngumiti o tumawa. Joker yan eh. Sa personal nga lang.
Ayaw niya yata ng nakangiti siya sa pictures eh. Tingnan niyo pa sa FB! Gusto niyo ng link? Dejk. Private buhay namin eyyy.
Pero sobrang masayahin niya. Di nga ata uso problema sa kaniya. Medyo childish mag-isip pero… matured na talaga siya. Sadyang… childish lang talaga ang dating. Pero… tumatanda na yata siya eh! May pimple na siyaaa. Share! Hihihi.
BINABASA MO ANG
Nagsimula sa joke...
Short Story[One Shot Story | Tagalog] Jokes are half-meant. So if you tell a joke, you semi-mean it.