Viktor’s POV
Pagkatapos naming kumain ay agad naman kaming nagpasyang pumunta sa swimming pool na mayroon ang hotel/resort na aming pinili.
At syempre dalawa kaming kita ang katawan kapag naligo, eh ano pa bang magiging malisya sa amin nun. Mas nauna akong lumabas kaysa saknya. Hindi pa kasi siya nakapambihis ng para sa kanyang pagligo.
Naeexcite ako sa kanyang magiging aura. Alam mo yun, na parang artista siyang lalabas sa pintuan na may red carpet na nakalatag habang naglalakad ang hunk na hunk na artista na kailangan mong hawiin lahat ng aaligid sa hunk na yun, dahil siya ang mahal mo. Ang weird ng iniisip ko. HAHA
Pero, tsenggeleng Stephen yun, gusto ko nang magtampisaw dito. At noong hindi na talaga ako makapagpigil at hindi na siya mahintay, bahagya kong dinama ang tubig sa pool. Nilagay ko ang dalawang paa ko sa pool na animo’y naglalaro ng tubig ang paa ko. Anak ng tofu!! Ang lamig pala ng tubig, tsskkk..
At habang nagtatampisaw ang paa ko sa malamig na tubig hindi ko naman namamalayan na may biglang yumakap sa akin mula sa aking likuran. Ramdam ko ang init na sumisiksik sa kanyang katawan at ang sarap ng yakap na yun, parang binibigyan ka niya ng init sa ganitong mga hindi namang ganoong kalamig na klima.
“Ang tagal mo naman, ano pa bang ginawa mo?”
“Sorry naman, hinanap ko pa yung damit ko na panligo eh”
“Yan kasi eh dapat ikaw na ang gumagawa ng pag-aayos noon”
“Opo sir”
Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at biglang nawala ang init na sa aki’y kanyang binigay.
Tumabi siya sa aking tagiliran at agad na tinuon ang dalawang paa sa pool, at inakbayan ako na para talaga kaming mag-asawa sa lagay na yun (mag-asawa agad!! LOL)
Siguro parehas kaming naghihintayan kung sino talaga ang unang lulusong sa malamig na tubig na yun, at bigla namang nanaig sa akin ang takot sa lamig ng tubig na yun. Alam nyu naman diba kapag umpisa pa lang ng pagligo mo sa pool, totoong malamig lalo pa’t gabi nun.
“Ano? Ganito na lang? HAHA lusong na”
“Malamig Stephen”
“Malamig pala ha!”
Tinulak ako ni Stephen mula sa likuran at sa medyo malalim na parte pa yata yun. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko nun. Hindi ako nakahanda noong mga oras na yun, at syempre hindi ko naman akalain na itutulak ako ni Stephen, though alam ko sa sarili ko na marunong naman akong lumangoy.
Unang pagdampi sa aking buong katawan ng tubig na iyon sa pool, totoong nakakapangilabot ang lamig. Buong katawan ko parang nag-freeze noong time na yun.
At dahil tinulak nga ako ni Stephen nakaisip agad ako ng paraan para makabawi HAHA.
“Step—hen, Ste......ph...ennnnn.. Tu...long” – habang ako’y nagaacting na nalulunod.
At dahil nasa 6’ ft naman ang height ko, kaya kong-i –tingkad ang paa ko sa floor kahit na totoong malalim ito, pero patuloy ko pa ring niloloko si Stephen.
Paulit-ulit kong nililitaw at binabalik sa tubig ang ulo ko at patuloy sa pagkampay ang kamay ko na para ba talagang nalulunod ako.
At natatanaw ko si Stephen na hindi maipinta ang mukha. Hindi ko alam kung matatawa ako sa mga oras na yun, at dahil ayaw ko ngang magpahalata, pinagpatuloy ko pa rin yun ng pinipigil ang tawa.