not HAPPY ENDING ( one shot )

65 3 0
                                    

   FC NOTE : masarap po syang basahin kung may soundeffects na PAGSUKO BY JIREH LIM ;)

- - - - - - - - - - - - - - - 

   It's midnight , ang lamig ng gabing ito para sakin pero ang mga mata ko'y nag iinit sa sobrang pagluha , di ko mapigilang huminga ng malalim at magalit sa mundo. Pero? anu pa ba ? anu bang magagawa ko? hindi ko na alam , at tiyak kong hindi ko na rin makakaya ang bukas .Nais ko sanang tumakbo papunta sa kanya, lumuhod at magmakaawang bumalik na sakin . Tama ! naging akin sya noon pero lumipas na ang panahong iyon.

    I think my clock stop, and now this feeling hurt me so much .

   I lost the one i love, ung taong inikutan ko ng mga plano ko sa buhay . Mapalad siguro ako dahil hindi naman sya nasa kabilang buhay pero iba na ang nasa puso nya .

     Ako ang nakakaramdam ng paghihina ng loob , I cant help myself , di ko mapigil , di ko mautusan! di ko masabi sa sarili ko ang salitang " behave! " dahil nagwawala ang puso ko na parang aso .

       Daloy ng daloy ang luha ko, harangin ko man ito ng panyo at ng palad ko ay umaapaw pa rin ito. Masyadong masakit sakin kaya hindi kaya ng panyo at palad ang luha ko . Nasasaktan ako! Nasasaktan ako! pero kahit isigaw ko, hindi nya pakikinggan! maririnig nya lang iyon na parang bulong sa hangin ngunit hindi nya papansinin .

   Magkasama kami ng halos dalawang taon, masaya naman kame , at katulad ng ibang magkasintahan ay sweet .

     Pero? iba na ngaun , napaltan na ng luha ang saya at ang tamis ng sakit . Dahan dahan na nyang binitawan ang kamay na dati lang ay hawak hawak nya ng mahigpit . 

      Ngaun alam ko na ang malaking pagkakaiba ng noon at ngaun, parang hindi mo aakalain na magbabago ang panahon. Kung noon masaya pa kame, ngaun panay sakit na ang nararamdaman ko. Kahit pa alalahanin ko ang mga sandaling magkasama kame ay para akong pinapatay ng unti unti, hindi na kilig ang nararamdaman ko kundi panghihinayang .

      Masakit ang katotohanang iyon pero un ang totoo, sa bawat maaalala kong hindi na nya ako ang ninanais nyang makasama ay para akong lumulubog sa kumunoy , parang nais ko ng mabaon sa lupa para malimutan at mawala ang sakit ng damdamin.

    Kasing bilis ng patak ng ulan ang luha ko na pilit kong hinahawi, pilit kong pinipigil , alam kong dapat ko lang ilabas ang sakit na nararamdaman . Siya ang sumuko , sya ang nang iwan , pero bakit ganun? hindi man lang sya nanghinayang sa mga masasayang araw namin, sa mga pangarap na binuo namin .

     Naisip ko lang , ganun ba ako kadali iwan at kalimutan? ganun ba ako kadali saktan ? masyado ko syang minahal , pero wala akong sukling natanggap ngaun dahil sakit lang ang dinulot nya sa buhay ko .

   Madaming tanung ang umikot sa bawat sulok ng dingding ng aking kwarto . Dito ako nagmumukmok, dito ko nilalabas ang sakit at sigaw ng nagwawala kong puso .

      Marinig nya pa kaya ang tibok ng puso ko na para sa kanya? Malaman nya pa kaya ang mga bagay na sinakripisyo ko para sa kanya? O baka kahit isa isahin ko ang mga araw na magkasama kami ay masayang lang ang laway ko at boses dahil para sa kanya'y parang panaginip lang iyon na bigla na lang makakalimutan .

    Alaala na lang ang naiwan sakin habang binubuklat ang bawat pahina ng kwadernong sinulatan ko.

         I write our memories here! and I wish it will never last , I want a big book where I can write our love story that never last, never fade, and would be a happy ending ..

   Ngaun iniisip ko na ang dapat kong isulat sa kabilang pahina , pero parang hindi na dapat pang ituloy tong kwentong ito . Paano ba itutuloy ang kwentong binuo nyung dalawa kung ngaun ay ikaw na lang ang nagnanais magbuo nito . Magiging iba na ang takbo ng storya ngaun . Kung noon ay tayong dalawa ang nagnanais ng happily ever after , ngaun ay iniwan mo na ako .

not HAPPY ENDING ( one shot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon